Humingi ng paumanhin sa publiko ang content creator na si Jen Barangan matapos makatanggap ng kaliwa't kanang batikos online.
Nag-ugat ito nang manood siya ng sold-out GUTS World Tour concert ng Filipino-American singer-songwriter and actress na si Olivia Rodrigo sa Philippine Arena, sa Bulacan, noong October 5, 2024.
Read: Olivia Rodrigo donates PH concert proceeds to Jhpiego Philippines
Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang video na in-upload ni Jen sa TikTok noong October 6.
Dito ay mapapanood siyang binibidyuhan ang sarili habang sinasabayan ang pagkanta ni Olivia.
Kapansin-pansin na naka-on ang camera flash ni Jen habang kinukunan ang sarili.

Giit ng ilang concertgoers, nakaka-distract at nakakasilaw sa mga manonood na nasa likuran ni Jen ang bigla-bigla nitong pagbi-bidyo na bukas ang flash ng kanyang camera phone.
Himutok pa ng iba, labag ang ginawa ni Jen sa concert etiquette. Hindi raw niya nirespeto ang mga kapwa concertgoer na hindi na makita nang maayos ang kanilang pinapanood sa stage dahil sa distraction ng camera flash ng content creator.
Bago magsimula ang isang concert o show ay pinaaalalahanan ang mga manonood patungkol sa tamang paggamit ng gadgets, lalo na kung makakaistorbo ito sa iba.
Sa loob ng teatro o sinehan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan at video habang ongoing ang palabas o pelikula, lalo na kung bubuksan ang ilaw dahil maaari itong makaistorbo sa iba pang mga manonood.
Pagdating naman sa concerts, bagamat hindi pinaghihigpitan ang pagkuha ng larawan at video, hinihikayat pa rin ang mga manonood na isagawa ang mga tamang behavior upang hindi makaperhuwisyo sa iba pang concertgoers.
Read: Olivia Rodrigo fans storm online to get concert tickets
JEN BARANGAN RELEASES brief PUBLIC apology
Dahil sa kaliwa't kanang batikos, nag-post si Jen sa Instagram upang humingi ng paumanhin sa lahat ng kanyang na-offend.
Mababasa sa kanyang maikling post (published as is): "To everyone, I’m so sorry for my actions."

Ngunit hindi lahat ng netizens ay nasiyahan sa paghingi ng paumanhin ni Jen.
Sa comments section ng kanyang post ay mayroon pa ring netizens ang kinuwestiyon ang gawi ng paghingi nito ng paumanhin.
Komento ng isang netizen (published as is), "OA sa Concert. Nonchalant sa apology. Wew hahahahah."
Saad ng isa, "Don’t you know how to apologize properly? You have to specifically mention what you are apologizing for. This non-apology reeks of arrogance and entitlement."
Sabi naman ng isa, "Too funny lol this is the most insincere note it's like you made an apology note just for the sake of it. hope you learn from your actions."
Read: Andrea Brillantes denies early access to GUTS concert tickets
NETIZENS DEFEND JEN
Kung marami ang galit na galit sa ginawa ni Jen ay mayroon ding netizens ang ipinagtanggol siya.
Ayon sa mga ito, hindi lang naman si Jen ang gumawa nito sa concert kung kaya't hindi raw tamang ito lang ang pinupuntiryang batikusin.
Depensa ng isa (published as is), "Bakit galit na galit kayo sa kanya? Sya lang ba ang gumawa ng ganun sa concert? Eh isang kanta nga lang daw yun tapos saglitan lang na vid. Jusko mga pinoy nga naman. Crab mentality."
Saad pa ng isa, "Girl, marami yan gumawa nung nag @blackpinkofficial concert sa Bulacan. Wala naman issue. I was there. Haaay! It’s ok Ms. Jen, nothing will make me hate you."
"For me, you don’t have to apologize! I saw the video, and it’s authentically you celebrating her and just enjoying the moment. If people hate you for that, maybe it’s for another reason. It’s frustrating that you have to apologize for something where you didn’t hurt, steal, offend, or do anything worse. Don’t stoop down to their level," dagdag pa ng isa.
