Inihayag ng South Korean actor na si Kim Ji Soo na noon pa man ay may koneksiyon na siya sa mga Pilipino.
Humarap si Ji Soo sa entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa conference para sa Mujigae noong October 2, 2024, sa Seqouia Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.
Dito ay tinanong siya kung ano ang nakapagpadesisyon sa kanya na manirahan sa Pilipinas at bumuo ng acting career dito.
"Actually, you know, my first movie debut was 2014, it was ten years ago," bungad ni Ji Soo.
Ang tinutukoy ni Ji Soo ay ang BL o Boys Love film na Seoul Mates kung saan ang kasama niya ay ang Pilipinong aktor na si Mimi Juareza.
Ito ang unang co-production ng isang Pilipino at isang Korean film outfit na naging entry sa Cinema One Originals Film Festival noong 2014.
Kuwento ito ng isang Pinoy transgender at isang discreet gay na Koreanong musician na hindi sinasadyang nagkakilala at nagsanib-puwersa upang mabawi ang mga mahal nila na may iba ng karelasyon.
Patuloy ni Ji Soo, tila nasa kapalaran na raw niya, lalo pa't isa sa mga una niyang best friend ay isang Pinoy.
“So it’s like, here [it's] kind of a familiar country to me," komento pa niya.
Ipinaliwanag din ni Ji Soo na tingin niya ay "growing" ang show business dito sa Pilipinas "and if I have a chance I also want to be part of it."
Dagdag niya, "And also I want to learn lot about the culture, and I also want to explore other countries, that’s why I’m here.
"And especially this movie, when I read the script, it really touched my heart."

Ang Mujigae ay mula sa direksyon ni Randolph Longjas at sa panulat ni Mark Raywin Tome.
Ayon sa Korean actor, masarap katrabaho ang mga Pilipino.
"They are very fun. When I see them I also feel like very chill!
"And especially Direk, when on the set, he’s always like Ha! Ha! Ha!” pagtukoy niya kay Direk Randolph na lagi raw masaya at nakatawa.
"Like he made the set vibe chill, relaxed. He made it sure like that with every one so it was really fun.
"And he always has a specific image on the movie, so it’s easy."

Read: Kim Ji Soo talks about working with Alexa Ilacad, his stay in PH
KIM JI SOO ON LIVING IN THE PHILIPPINES
Sabi pa ni Ji Soo, na-enjoy niya raw ang pananatili niya sa bansa.
"I love it here!" bulalas ni Ji Soo.
Sabay natawa niyang dagdag, "Even the hot weather, I always sweat.
"But I love it, I love it. The summer [weather]. And I really like this ambiance. You know, I like the green things, the trees, puno, and some things, yes."
Makikitang nag-e-effort si Ji Soo na ipakitang marunong na siya ng ilang Filipino words base sa pakikipag-usap niya sa press.
Pumunta sa Pilipinas si Ji Soo noong Disyembre ng nakarang taon, pero sandali lamang raw siya.
Pero ngayon ay halos limang buwan na raw siyang naririto sa Pilipinas.
Read: K-drama actor Kim Ji Soo officially signs with GMA's Sparkle
KIM JI SOO PROJECTS IN PH
Marami na siyang nagawang proyekto sa bansa tulad ng mga Kapuso teleserye na Black Rider at Abot Kamay Na Pangarap.
Noong August 28 ay pumirma siya ng kontrata sa Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7, na namamahala sa career niya dito sa Pilipinas.
At ang latest project niya ay itong Mujigae, mula sa produksyon ng UxS, Inc. o Unitel Straights Shooters, na pinamumunuan ni Maria Madonna Tarrayo.
Ipapalabas exclusively ang Mujigae sa SM Cinemas simula October 9.
Gumaganap si Ji Soo bilang Ji Sung Park, at kasama niya si Alexa Ilacad bilang Sunny at ang bidang batang aktres na si Ryrie Sophia bilang si Mujigae.
Nasa pelikula rin sina Rufa Mae Quinto, Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala, at Peewee O'Hara.
