PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera hopes Balota delivers life-changing impact

"Balota" will have its commercial run starting October 16.
by Nikko Tuazon
Published Oct 11, 2024
Marian Rivera
For Marian Rivera, conveying the message of her movie "Balota" holds more significance than gaining box-office success: "Ang punto ko sa Balota, bawat isa sa atin, may malakas na boses at yung boses na yun, wag mong ipagkakait dahil importante ka."
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram

Excited na ang GMA-7 Prime Time Queen na si Marian Rivera dahil nalalapit na ang commercial release ng 2024 Cinemalaya film nito na Balota.

Sa darating na October 16, 2024, magkakaroon na ng nationwide release ang nasabing pelikula na idinirek ni Kip Oebanda.

Maraming netizens rin ang nakapansin na saktung-sakto ang release ng pelikula sa kaganapan ngayon lalo't kakatapos lang ng certificate of candidacy (COC) filing ng mga tatakbo sa 2025 elections.

Natanong ng press si Marian dito noong nakaraang Biyernes, October 4, 2024, sa Luneta Park.

"Wala po akong alam diyan," pahayag ni Marian tungkol sa release date ng kanyang pelikula.

Dagdag nito, "Basta sabi lang nila, actually, kasi after Cinemalaya... umalis kasi ako nitong nakaraan.

"So nung pagbalik ko, inayos nila na nandito ako bago namin i-launch uli on October 16. Nagkataon din siguro lahat ito ay nasusuwak sa isa't isa."

Matatandaang si Marian ay itinanghal na Best Actress sa pelikulang ito kung saan ginampanan niya ang karakter ni Teacher Emmy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ka-tie niya sa award na ito si Gabby Padilla para sa pelikulang Kono Basho.

Read: Cinemalaya 20: Marian Rivera, Gabby Padilla tie for best actress

Masaya si Marain dahil mas marami nang Pilipino ang may tyansang makapanood ng kanilang pelikula.

Umaasa rin ba itong magiging hit ang pelikula sa takilya?

Sagot ni Marian, "Masyadong marami na yata kung gusto mangyari sa buhay ko.

"Sa puntong ito, siguro maganda na mapanood ng mga tao ang Balota at ang mensaheng gusto namin ipahatid sa kanila.

"Siguro kung mag-hihit uli siya.... maraming manonood, mag-sold out yung ticket, that's a bonus na lang.

"Sa lahat na na-achieve ko dito sa Balota, sa lahat ng experience ko sa Balota super happy na ako.

"Pero of course, ini-invite ko pa rin ang lahat na manood ng Balota sa, October 16 na yan."

Mas importante para kay Marian ang may mapulot na lesson ang bawat Pilipino makakapanood ng Balota.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, "Bawat isang tao, unique tayo, may makukuha't may makukuha ka at meron kang gustong i-apply sa sarili mo.

"Pero ako lang, ang punto ko sa Balota, bawat isa sa atin, may malakas na boses at yung boses na yun, wag mong ipagkakait dahil importante ka."

MARIAN RIVERA: BALOTA CHALLENGE

Samantala, trending na sa rin TikTok ang video ni Marian, kung saan ni-recreate nito ang kanyang "Teacher Emmy look" mula sa Balota.

Nakakaantig ang video dahil unti-unti lumalabas ang mga sugat na natamo ni "Teacher Emmy."

Marami ding mga fans at followers ni Marian ang napahanga dahil suwabe ang transitions ng video na nito.

@marianrivera #Balota #MarianRivera ? original sound - Marian Rivera

Dahil sa video, marami ang na-excite para sa Balota, kabilang na si Ivana Alawi, at ang content creators na sina Esnyr at Sassa Gurl, na kasama rin ni Marian sa pelikula.

Comments on Marian Rivera
Photo/s: screengrab from TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Comments on Marian Rivera
Photo/s: screengrab from TikTok

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For Marian Rivera, conveying the message of her movie "Balota" holds more significance than gaining box-office success: "Ang punto ko sa Balota, bawat isa sa atin, may malakas na boses at yung boses na yun, wag mong ipagkakait dahil importante ka."
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results