PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rey Valera and Marco Sison roast fellow OPM legends

Rey and Marco to stage a major concert without Hajji and Nonoy.
by Jerry Olea
Published Oct 10, 2024
marco sison rey valera
OPM legends Marco Sison (left) and Rey Valera (right) will stage a concert titled Ang Guwapo at ang Masuwerte at the Music Museum on November 22, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea

Sanib-puwersa noon sa concert tour ang limang alamat ng Original Pilipino Music (OPM) na sina Rico Puno, Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga, Rey Valera, at Marco Sison.

Pumanaw si Rico J. Puno noong Oktubre 30, 2018.

Sa eulogy para kay Rico J ay ni-roast siya nina Marco, Rey, Nonoy, at Hajji.

hitmakers tribute to rico j. puno
(From left) Nonoy Zuniga, Marco Sison, Rey Valera, and Hajji Alejandro
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rico J. Puno, "nilaglag" nina Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuniga, at Marco Sison

Ano’t sa concert payanig na Ang Guwapo at ang Masuwerte na gaganapin sa Nobyembre 22, 2024 sa Music Museum ay itsapuwera sina Hajji at Nonoy?

Poker-faced na pahayag ni Marco sa mediacon nitong Oktubre 9, Miyerkules ng hapon, sa Aromata restaurant, Sct. Dr. Lazcano St., Quezon City, “Sa opening night naman, oobserbahan namin yon, e, kung may maghahanap sa kanila o wala.

“Dun namin nararamdaman yun.”

Singit ni Rey na umiling-iling pa, “Saka wala namang naghahanap. Hindi naman sikat ang mga yun.”

Tawang-tawa si Marco, “Sa totoo lang!”

Pagdidiin pa ni Rey, “Inaamin na namin yun. Hindi naman sikat ang mga yun.”

Nagbibiro lang ang dalawa, kung paanong ang eme nila, sa pamagat ng concert ay si Rey ang tinutukoy na guwapo, at si Marco naman ang kiyemeng masuwerte.

Susog ni Rey, “Si Hajji, 20 years na kaming magkakasama actually. Sa umpisa mo lang mapapagkamalang suplado yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero habang nakikila mo siya nang matagal… totoo nga, suplado nga!

“Si Nonoy Zuñiga naman, siyempre, wala kang magagawa. Mabagal talagang maglakad yon.

“Pag kasabay mong naglalakad sa airport, nakaganun sa yo,” at ipinatong ni Rey ang kamay sa balikat ni Marco, sabay muwestra ng lakad-pilay.

“Nagiging kapitan ka,” pakli ni Marco, “pero napakabait na tao. Pati naman po si Hajji, mababait yon.

“Kami naman ay hindi kumikibo pag meron silang kanilang sariling show. So, dapat hindi na sila kumibo ngayon. Kanya-kanya naman.”

Pag minsan daw na nakita ni Marco na may show sina Nonoy at Hajji na magkasama, sine-share niya iyon sa Facebook.

Read: Marco Sison habulin pa rin ng mayayamang matrona; Nonoy Zuñiga inaming may ipinagawa sa mukha

ARE MARCO AND REY CLOSER TO EACH OTHER?

Mas close ba sina Marco at Rey with each other, kesa kay Hajji o Nonoy?

marco rey hajji nonoy hitmakers
(From left) Marco Sison, Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga, and Rey Valera
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabilis na tugon ni Marco, “We have one thing in common. Kasi pareho kaming probinsyano. So ano kami, nagkakaintindihan.

“Walang… actually wala naman, e, walang kulitan sa apat. Walang ganung ano. Pag nagkikita kami, para kaming magkakapatid. Actually magkakumpare kami lahat.”

Sambot ni Rey, “Tapos na yung times na competitor mo sila. After that, naging colleague mo sila.

“Twenty years na kaming magkakasama. Friends na yon, di ba? Dahil marami na kayong shared experiences. Meron na kayong… magkakakumpare na kayo.

“Minsan, yung anak ng isa, kumpare ka. Yung ganun na, e. So hindi mo na masasabing ganun dahil wala na yung ano, wala na yung ano sa amin.

“Saka kapag merong good news sa isa, ‘Pare, ganito!’ Di siyempre, ikaw naman, natutuwa ka, happy for him na yumayaman na siya, ganun. Dahil nung araw, mahirap lang siya, e!

“Natutuwa ka na rin for him, no. At ngayon siyempre, Marco Sison, naka-Mustang na, di ba? Nung araw, ano lang yan, e, parang… ano bang binigay mong katawan mo para makuha yung sasakyan? Hindi ko na maalala yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ang nakakatuwa e, di ba, pag nakikita mong umaasenso yung kasama mo. Oh, proud ka, ‘Kasama ko yan!’ Ganun, di ba? Hindi yung… uhmmm… hindi, hindi yon. Ibang feeling. Iba.”

Tawang-tawa si Marco sa mga hirit ni Rey.

Read: Veteran singers to bring back nostalgia via The OPM Legends: The Reunion Concert

OPM LEGENDS

Nagkatampuhan din ba silang OPM legends sa tagal ng pagsasama nila?

May bahid ng bittersweet smile na pag-amin ni Marco: “Ano, nagkakapikunan sila. Ako, nanonood ako. Ito naman, matagal na ito.

“Ito yung buhay pa si Rico Puno. Si Rico Puno itong intrigero sa lahat, sa totoo lang. So ako, tagaawat. Minsan napipikon sila, minsan hindi.

“Halimbawa, may schedule, 9:00 o’clock ng umaga. So, merong nale-late, merong ano. So ang nangyayari, nagre-react yung nauna. Nagpapa-late siya.

“So hanggang kanya-kanyang takasan na lang, kanya-kanyang dahilan. Pero kung kami, mga bata, siguro matagal na kaming hindi nagso-show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, kasi nga, nagkasama-sama kami dito dahil sa laki ng pangangailangan. Kaya nagtitiisan na lang kami. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Pag-expound ni Rey, “Yung episode na yun, dumadaan lahat dun pag magkakasama. Kung papaano nagsu-survive dun… ang talagang magkakontrapelo, si Hajji at si Rico Puno. Totoo lang.”

“Pumapatol kasi, e, di ba?” pakli ni Marco.

Pagpapatuloy ni Marco, “Dahil si Hajji, talagang ang personality niya, pag napunta ka sa kuwarto niya, halimbawa napunta kayo sa Amerika, napasok ka sa kuwarto nun.

“Magugulat ka, yung mga isusuot niya bukas, nakasunud-sunod yun. Ganun siya ka-order. Totoo yan, ha, hindi ko sinisiraan. Pero totoo lang, kahit itanong niyo sa kanya, totoo yon. Pati yung medyas, nakaganun yun.

“Pagpasok mo kay Rico Puno, talaga namang nagkalat lahat hanggang sa sahig. Hanggang sa CR, pagpasok mo, nagkalat ang kung anu-ano dun na pinamili, lahat ng bag na ano.

“Magkaibang-magkaiba yung dalawang yon. Hindi ko alam, papaano kami nagtagal during that time. Pero there was a time na talagang hindi na sila magkasundo ni Rico saka ni Hajji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagkaroon ng split-up, oo. Ngayon matagal-tagal din yun, ano? Tapos nung… nawala na si Rico, nagkaunti-unti na naman kaming nagkasama-sama.”

Pagsusuma ni Marco, “In short, natahimik tayo.”

Read: Veteran singers to bring back nostalgia via The OPM Legends: The Reunion Concert

opm legends
(From left) Rey Valera, Hajji Alejandro, Rico J. Puno, and Marco Sison
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REMEMBERING RICO J. PUNO

Pag-ayon ni Rey, “Tama rin si Marco. Maintriga talaga si Corics [palayaw ni Rico], e. Hmmmn gusto kasi niya, siya yung lider. Totoo lang.

“Kaya lang, OK naman si Hajji dun. Kaya lang, pag magulo, siyempre yung isang orderly na tao, parang hindi niya matanggap yung gulong set-up, e. Parang humahanap siya ng clarity. ‘Ano bang plano natin?’

“Kapag wala, walang plano, parang hindi ka matanggap na lider pag ganun ang sitwasyon. Parang ganun ang pagkaka-assess ko sa sitwasyon namin.”

Dagdag ni Marco, “Tapos pag napapansin na niya, napipikon na si Hajji, lalo siyang nang-iinis. Alam mo yun? Parang lalo niyang ginugulo yung ano.

“May concept na ganito… kasi si Hajji, naniniwala ako na when he retires, he’ll be a good writer, and a good director. Kasi marami siyang concept in his mind.

“Ngayon, sinisira ni Rico talaga yun. Ano yun, intentionally. But pang-asar lang ba, ganun. Ganun siyang tao, pero nakakatawa. Hindi siya nakakainis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ang naiinis, itong seryosong isa, na seryoso talaga.”

Sabi pa ni Rey, “He’ll put you down very subtly, e. And ikaw naman, it’s either you take it, or you walk away kung nakikita mong pinu-put down ka.

“Ngayon ang maganda sa nangyari sa amin ngayon ay we let Hajji lead. And so far naman, napaka-smooth naman ng takbo ng grupo namin.

“At walang ano, ‘Sige, lakad mo yan!’ Dalawa si Marco at si Nonoy, may show doon. Kami ni Nonoy, or kami ni Hajji, naimbita sa isang birthday dito. Ganun. Walang ano, walang masamang tinapay dun.

“Basta tanggapin, kung kikita, ganun.”

Read: #ThrowbackThursday: OPM Hitmakers remember happy times with Rico J. Puno

REY VALERA AND MARCO SISON CONCERT

Siksik sa paandar, hitik sa pasabog ang concert nina Rey at Marco kung saan panauhin sina Andrea Gutierrez at Elisha.

ang guwapo at ang masuwerte poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May bagong komposisyon ni Rey na pinamagatang "Feeling Guwapo" bilang pasasalamat sa fans.

Hahataw sila ng kanta ni Rico J na "Macho Gwapito."

Kakantahin ni Rey ang signature song ni Marco na "Si Aida, si Lorna, o si Fe."

Pinili naman ni Marco na awitin ang kanta ni Rey na "Kung Tayo’y Magkakalayo" dahil swak sa puso niya ang lyrics nito.

Isasalaysay nila ang mga kuwento sa likod ng ilang kanta nila, na hindi pa nila nai-share before.

Pagbabahagi ni Marco, “Meron kaming surprise number na P-pop number, ganyan. Pero surprise yun, hindi namin sasabihin. Kasi kami, pihado masu-surprise din kami!”

Mag-e-SB19 sila?

Natatawang bulalas ni Marco, “SB-senior!”

SB19 ang sikat na P-pop ngayon, ha?!

Siyempre, ayaw aminin nina Marco kung SB19 nga ba ang babanatan nila ni Rey, kung magge-GENTO ba sila or what. Basta, keri raw nilang sumayaw.

“Si Nonoy Zuñiga lang naman ang hindi marunong sumayaw sa amin, pero napakagaling sumayaw nun. Kaya lang naaksidente siya,” lahad ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero kahit papaano, kami, marunong kaming magsayaw. Ako, medyo marunong ako. E ikaw, Rey, marunong ka bang sumayaw?”

Sagot ni Rey, “Si Hajji ang magaling. Talagang ano yon. Ngayon… hindi ko alam kung paano kami sasayaw pero…”

Isa rin sa highlights ng concert, e, yung bersyon nila ng mga kanta ng ibang singers na kinakanta nila kapag nagbi-videoke sila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OPM legends Marco Sison (left) and Rey Valera (right) will stage a concert titled Ang Guwapo at ang Masuwerte at the Music Museum on November 22, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results