PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jillian Ward gains knowledge and investment from Abot-Kamay

Jillian Ward: "Mas naging professional po ako. Mas marami po akong natutunan."
by Arniel C. Serato
Published Oct 11, 2024
Jillian Ward on her investments from Abot-Kamay Na Pangarap income
Actress Jillian Ward: "Well, meron po akong mga naipundar din po for the future. Pero siguro po, higit dun sa materyal na bagay, ang naipundar ko po is yung knowledge ko po from this show."
PHOTO/S: Arniel Serato

Pagkatapos ng halos dalawang taon sa ere, magpapaalam na ang teleseryeng Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) sa October 19, 2024.

Ang top-rating afternoon drama series na ito ng GMA-7 ay napapanood sa loob ng anim na araw kada linggo sa telebisyon.

Apat na araw rin ang kanilang taping.

Kaya masasabing malaki-laki rin ang kinita ng bida nitong si Jillian Ward.

Read: Abot-Kamay Na Pangarap at Lilet Matias, consistent ang double-digit ratings

JILLIAN WARD ON INVESTMENTS FROM ABOT-KAMAY NA PANGARAP

Sa finale presscon ng Abot-Kamay Na Pangarap, diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian kung anu-ano na ang mga naipundar niya mula sa kanyang talent fee sa show.

Jillian Ward on her investments from Abot-Kamay Na Pangarap income
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na pinangalanan at inisa-isa ni Jillian ang mga naipundar niya, pero nakapag-ipon naman daw siya para sa future.

Pero higit daw sa mga materyal na bagay, marami rin siyang natutunan mula sa mismong programa nila

Sabi ni Jillian, "Well, meron po akong mga naipundar din po for the future.

"Pero siguro po, higit dun sa materyal na bagay, ang naipundar ko po is yung knowledge ko po from this show.

"Sobrang dami po po kasing natutunan.

"At kumbaga, parang, bilang isang artista, mas natutunan kong mahalin yung trabaho ko dahil po sa Abot-Kamay Pangarap.

"Mas naging professional po ako. Mas marami po akong natutunan."

Read: Jillian Ward nagregalo ng car sa handler; happy na until 2024 ang Abot-Kamay na Pangarap

Ano ang mami-miss niya sa show?

Ayon kay Jillian, "Ayun na po... papaiyakin niyo po ulit ako.

"Mami-miss ko po lahat kasi nga for the past two years, mas nakikita ko pa po yung Abot-Kamay Na Pangarap family ko kaysa sa sarili kong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo po, kasi four times a week ko silang kasama.

"Sabay-sabay po kaming kumakain po ng breakfast, lunch, and dinner. Nagti-TikTok po kami.

"Pag may kailangan po akong advises, may lalapitan po ako sa isa sa kanila.

"So, lahat po mami-miss ko."

Jillian Ward and cast of Abot-Kamay Na Pangarap
Photo/s: Arniel Serato

At naiulat nga ng Cabinet Files na bakasyon sa Japan, kasama ang buong pamilya niya, ang pabuya ni Jillian sa sarili kapag natapos na ang pagpapalabas ng Abot-Kamay Na Pangarap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jillian Ward Japan trip ang gift sa sarili matapos ang Abot-Kamay

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Jillian Ward: "Well, meron po akong mga naipundar din po for the future. Pero siguro po, higit dun sa materyal na bagay, ang naipundar ko po is yung knowledge ko po from this show."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results