Nanganganib matanggalan ng lisensiya ang driver na pumasok sa one-way street sa Bonifacio Global City, Taguig.
Sa naunang report ng GMA Integrated News, tinukoy ang motorista bilang isang “social media influencer.”
Naging hot topic sa social media matapos i-upload ang video sa Tiktok noong September 23, 2024.
Mapapanood ritong sinadya nilang pasukin ang one-way street at nagsinungaling din sila sa traffic enforcer.
Read: VIRAL: Video of influencer driving down one-way street in BGC
Kaugnay nito, naglabas ng reaksiyon ang Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng isang press release na ipinost sa Facebook nitong October 10.
Dito sinabing nakainom o lasing ang “influencer," na tinukoy bilang “motorist."
Idinetalye rin ng LTO ang consequences na kakaharapin ng “influencer” tulad ng pagkakaroon ng Show Cause Order (SCO) at ng posibilidad na tanggalan siya ng lisensiya.
Read: Taal Volcano at Alert Level 1; travel to Tagaytay remains safe
Matatandaang matinding batikos ang ipinukol sa “influencer” dahil sa video.
Nadiskubre kasi na habang binabagtas ng sasakyan nito ang 28th Street sa BGC, sadyang kumaliwa ito pagdating ng 7th Street na isa palang one-way street.
Nang parahin ng traffic enforcer ang sasakyan, nagdahilan ang “influencer” at ang kanyang mga kasama na doon sila itinuro ng Waze at naliligaw sila.
Ayon sa BGC security team, inisyuhan ng ordinance violation ticket ang driver at idinulog ang insidente sa LTO para sa ipapataw na parusa.
LTO CONDEMNS 'INFLUENCER'S' IRRESPONSIBLE DRIVING
Unang binanggit ng LTO na ipapatawag ang motorista “who appeared to be proud in driving recklessly while drunk at the Bonifacio Global City.”
Hindi rin maitago ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang pagkairita nang mapanood ang video.
Ani Mendoza, “Isa itong iresponsableng gawain na naglalagay sa alanganin ng buhay ng mga road users. Mabuti na lamang at hindi ito nagdulot sa isang aksidente.
“Hindi natin palalampasin ang mga ganitong asal sa kalsada. Kaya tayo ay nag-issue ng Show Cause Order laban sa may-ari ng sasakyan at driver nito.”
Sa SCO na pirmado ni Renante Melitante, LTO-Intelligence and Investigation Division head, pinagre-report ang driver at ang registered owner ng sasakyan sa LTO Central Office sa October 15, Martes.
Pinagsusumite rin ang owner at driver ng written explanation kung bakit hindi siya dapat sampahan ng tatlong kaso: Reckless Driving (Sec. 48 of R.A. 4136), Driving While Under the Influence of Liquor or Narcotic Drug (Sec. 53 of R.A. 4136), at Improper Person to Operate a Motor Vehicle pursuant to Sec. 27 (a) of R.A. 4136.
Ang maximum penalty para sa offense ay revocation ng kanyang driver’s license.
Read: Fisherman from Quezon survives 46 days at sea
Ginawa ng LTO ang imbestigasyon kasunod ng pag-post ng netizen na si “Hombre Estu” ng video na may titulong “drunk driving at bgc.”
Saad pa sa SCO: “Failure to appear and submit the written comment/explanation as required shall be construed by this Office as a waiver of your right to be heard, and the case shall be decided based on the evidence at hand. In the interim, your driver's license and the subject motor vehicle are placed on alarm pending this investigation.”

