Safe ang sagot ni Alden Richards, 32, nang diretsahan siyang tanungin kung nanliligaw siya kay Kathryn Bernardo, 28.
Tinanong ito ng TV host na si Boy Abunda sa October 16, 2024 episode ng Fast Talk With Boy Abunda sa GMA-7.
"Yung meron po kami ni Kath ngayon, Tito Boy, I should say, [is] really deep," simpleng pahayag ni Alden.
"Since I got the chance to really know her, andami ko pong nadi-discover sa kanya—our similarities and differences and how we deal with life.
"Sobrang na-appreciate ko yung mga bagay na ino-open niya sa akin, welcoming me to her life and, of course the family, na-meet ko na rin po yung family."
Sa puntong ito inamin ni Alden na bumibisita siya sa bahay ni Kathryn sa Antipolo, Rizal.
"Nakakapunta ako sa bahay nila Kath," nakangiting sabi ni Alden.
Pero hindi diretsahang sinagot ni Alden nang usisain kung gaano siya kadalas nagpupunta sa bahay ng pamilya ni Kathryn.
Natawa pero umiwas din siyang sumagot nang tanungin kung sino ang binibilhan niya ng bulaklak.
ALDEN RICHARDS CLOSE TO KATHRYN BERNARDO'S MOM
Nito lang October 6, usap-usapan ng fans nina Kathryn at Alden ang Instagram post ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo.
Ipinakita ni Min ang video kunsaan buhat ni Alden ang pamangkin ni Kathryn na si QQ.
Kuha iyon mula sa behind the scenes ng pinakaunang mall show nina Kathryn at Alden para sa pelikulang Hello, Love, Again.
Kinilig ang KathDen fans na nag-comment sa post ni Min at sinabing "tapos na ang laban."
Anila, senyales iyong IG post na boto si Mommy Min kay Alden para kay Kathryn.
As early as March 8, inulat ng PEP Troika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "love" ni Mommy Min si Alden dahil "mabait daw na bata" ang aktor.
Read: Alden Richards, love daw ng Mommy Min ni Kathryn Bernardo
ALDEN'S REPORTED COURTSHIP OF KATHRYN
Hanggang sa umugong ang hinihinalang panliligaw ni Alden kay Kathryn.
Read: WHAT PEP KNOWS: Kathryn Bernardo wooed by Alden Richards, Jericho Rosales, Donny Pangilinan?
Isa si Alden sa prominent guests sa 28th birthday party ni Kathryn, na ginanap sa isang yacht at luxurious resort sa El Nido, Palawan, noong March 26, 2024.
Read: Celebrity guests at Kathryn Bernardo's birthday party in Palawan
Abril nang maiulat na dinalhan ni Alden si Kathryn ng bouquet of red roses nang sorpresa siyang dumating sa post-birthday dinner ng dalaga.
Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards set social media ablaze with kilig videos
Noon ding buwan ng Abril ay isa ulit si Alden sa prominent guests sa housewarming party ni Kathryn.
Read: VIRAL: Kathryn Bernardo and Alden Richards' kilig moments at house blessing
Sa ngayon, walang direktang kumpirmasyon mula kina Alden at Kathryn kung higit pa sa pagkakaibigan ang ugnayan nila ngayon.
