Diretsahang inamin ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia, 25, na nahirapan siyang mag-move on sa hiwalayan nila noon ng ex-boyfriend na si Ruru Madrid, 26.
"First love" kung ituring ni Gabbi si Ruru kaya naman ganoon na lamang siya naapektuhan nang magkahiwalay sila.
Inamin ito ni Gabbi sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, October 21, 2024.
Sa segment ng Kapuso talk show na "Guilty or Not Guilty," isa sa naitanong ng host na si Boy Abunda kay Gabbi ang tungkol sa karanasan niya sa pagmu-move on.
Tanong ni Boy sa aktres, "Guilty or not guilty: nahirapan mag-move on…"
Hindi pa man natatapos ang buong tanong ni Boy ay agad na sumagot si Gabbi ng "Guilty."
"Kay Ruru!” ang pagkumpleto naman ni Boy.
Napatigil muna sandali si Gabbi sabay sabing, "Kay Ruru? O, sige [guilty].
"First love ko, e."
Read: Gabbi Garcia on breakup of love team with Ruru Madrid: "Why always put the blame on me?"
Napahanga naman si Boy sa pagiging totoo at bukas ni Gabbi sa pag-amin ng naging feelings niya noon kay Ruru, kahit ngayon ay karelasyon na nito ang kapwa Kapuso star na si Khalil Ramos.

Ayon kay Gabbi, wala siyang takot na sabihin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend dahil panatag siyang maiintindihan ito ni Khalil.
Pagmamalaki ni Gabbi sa kanyang boyfriend, "Khalil is very open. He’s a smart person, he can handle things."
Read: Gabbi Garcia denies engagement to Khalil Ramos
GABBI-RURU PAST RELATIONSHIP
Naging magkarelasyon sina Ruru at Gabi noong mga bata pa sila, bunsod na rin ng kanilang nabuong love team—ang GabRu noong 2015.
Si Gabbi ay 15 years old, at si Ruru naman ay 16 years old noon.
Though he wasn\'t her escort, the two were quite inseparable during this special night.
Â
" data-photographer="" data-illustrator="null" data-credit-label="" data-credit-link="" alt="Gabbi Garcia and Ruru Madrid" />May 2018 nang isapubliko ni Gabbi sa X (dating Twitter) ang paghihiwalay nila ng landas ni Ruru.
Ginawa ito ni Gabbi upang sagutin at tuldukan na ang tanong ng mga tagahanga nila kung bakit napagdesisyunan nila ni Ruru na buwagin ang kanilang tambalang GabRu.
Sinisisi kasi ng iba si Gabbi sa nangyari.
Pahayag ni Gabbi, "I know some of you may have a hard time accepting what is currently on our plates right now, but please, more than anything, look at the brighter side that we get to grow not only as artists, but as individuals in our personal lives as well!!”
Hinimok din ni Gabbi ang fans nila ni Ruru na maging positibo sa kabila ng balitang ito.
Sabi niya, “I do hope we spread peace & positivity, and remain happy for the success and future projects of each one.
"I hope that this clears the mind of everybody who’s asking about this."
Read: Gabbi Garcia issues official statement on breakup of love team with Ruru Madrid
Kung bibilangin, halos apat na taon din ang itinagal ng tambalan nina Gabbi at Ruru.
Kabilang sa mga teleseryeng pinagtambalan nila ay ang My Destiny (2014), Let The Love Begin (2015), Encantadia (2016-2017), at Sherlock Jr. (2018).
Nagkasama rin sila sa weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya.
Read: Bianca Umali admits wedding talks with boyfriend Ruru Madrid
Samantala, katulad ni Gabbi ay may karelasyon na rin ngayon si Ruru—ang kapwa nila Kapuso star na si Bianca Umali.
Read: Gabbi Garcia reacts to “Kalokalike” comment about Ruru-Bianca
