BINI ang surprise guest ng team ni Anne Curtis, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz para sa "Magpasikat" performance nila ngayong araw, October 24, 2024.
Kasama ang popular P-pop group sa engrandeng pagtatanghal na may temang hinango sa Inside Out.
Read: Busy BINI reflects on responsibilities as pop idols
Sa "Magpasikat" performance na ito ay binalikan ang ilan sa mga “core memories” o mga importanteng alaala mula sa 15 taon na kasaysayan ng noontime show.
Masaya ang naging overall mood ng "Magpasikat" production, kaya’t nababagay ang pagkanta ng BINI ng hit song nila na “I Feel Good.”
Sinabayan pa nga nina Anne, Jugs at Teddy ang girl group sa pagkanta at pagsayaw.
Bukod sa “I Feel Good” ay bahagyang ring nag-perform ang BINI ng kanta nilang “Huwag Muna Tayong Umuwi.”

- Kim Chiu, Ogie Alcasid tackle personal struggles in "Magpasikat"
- Team Vice kicks off "Magpasikat" week with SB19 and Carlos Yulo
- Kim Chiu thankful after death-defying Magpasikat 2024 stunt
- "Magpasikat" nakatulong sa pagtaas ng ratings ng It's Showtime
- Team VIDA delivers unexpected twist in "Magpasikat"
IT'S SHOWTIME CORE MEMORIES
Nagsimula ang "Magpasikat" production kay Anne, na nagpe-perform habang ipinapaala sa mga manonood na sa parehong petsa rin 15 years ago, noong October 24, 2009, nagsimula ang It’s Showtime.
Nakangiti si Anne, na nakasuot ng red dress, habang itinuturo ang mga makukulay na bolang bumababa mula sa taas. Nire-representa ng mga bola ang ilan sa mga “core memories” o mga importanteng alaala nilang mga hosts mula sa kanilang palabas.
May dance performance din si Anne habang synchronized ang pagtaas at pagbaba ng mga bolang umiilaw. Maya’t maya ay ipinalabas din sa video screens ang ilan sa mga viral clips ng show.

Matapos nito ay lumabas sina Jugs at Teddy, na nakapula rin. May sarili silang choreography kasama ang mga umiilaw na bola.
Mayroon din silang choreography gamit ang ilang quarter-circle na mga platform na tumutumba-tumba. Sabay ding naggitara ang dalawang Pinoy rock legends.
Natigilan ang masayang performance nina Jugs at Teddy nang ipalabas sa video screens ang core memory ng balitang sinuspinde ang It’s Showtime noong nakaraang taon.

Dahil dito ay umalis sa stage sina Jugs at Teddy, habang tumutugtog ang kantang “Huwag Muna Tayong Umuwi” ng BINI.
Narinig naman ang sigawan ng audience matapos ipakitang naghihintay pala sa likod ng stage ang sikat na P-pop girl group.
Agad lumakad sa gitna ng stage ng BINI at sinimulan ang performance nila ng “I Feel Good.”

Maya-maya ay bumalik si Anne sa gitna ng stage para samahan ang BINI. Nakasuot na siya ng mirror bodysuit at thigh-high boots na may mirror design din.
Si Anne ang nag-perform ng rap part ng “I Feel Good” at ikinatuwa naman ito ng mga Blooms, o mga fan ng BINI, na nasa audience.

Sumunod namang lumabas sina Jugs at Teddy na nakasuot na rin ng mga damit na may mga mirror designs. Sumama sila sa BINI sa pag-perform ng choreo ng kanilang sikat na kanta.
ANNE, JUGS, TEDDY PAY TRIBUTE TO ITS SHOWTIME FANS
Matapos ng performance nila with BINI ay ipinakitang lumakad sina Anne, Jugs at Teddy papunta sa ilang mga tao para iabot ang isang puting core memory ball.
Ang mga taong inabutan ng bola ay ilan sa mga Solid Showtimers, na ilang taon nang fans ng Kapamilya program.
Unang ipinakilala si Rolly Canoy, isang breadwinner, na nagsimulang manood ng It’s Showtime noong 13 years old pa lang siya. Pangalawa si Rachele Mae Quirimit, na fan na raw ng It’s Showtime since Day 1 kahit siya ay visually-impaired.
Pangatlo si Mary Jane Lanuza, na naging fan ng programang isang araw matapos niyang ipanganak ang bunso niya. Pang-apat naman si Jocelyn Rivera, isang OFW na natulungan ng It’s Showtime na ibsan ang kalungkutan niya sa ibang bansa
Panlima si Alicia Amantillo, isang retired teacher na napapasaya ng programa kahit mag-isa lang siya sa bahay. Pang-anim si Juvielyn Ricafort. Bonding na raw nila ng kapatid niyang PWD na si Nathaniel ang panonood ng show.
Pangpito si Jaysar Lorayna. Inalala niya ang kanyang pumanaw na ina, na fan ng It’s Showtime at sumali sa segment na "Kaparewho" noon.
Sunod dito ang ilan sa mga manggagawang natulungan ng It’s Showtime.
Nariyan si Alfie Martin, na natulungan ng show mula sa pagiging housekeeper hanggang sa pagiging butler.
Next si Dumbo Plaza, na floor director ng show sa kasalukuyan. “Hanggang nandiyan ang Showtime, hanggang kaya ko, mag-so-Showtime ako,” sabi ni Dumbo.
Sumunod naman si Peachy Mayoralgo na Head Music Researcher sa show. “We just want to make the madlang people happy,” sabi niya.
Last si Trina Genova-Bitara na Program Producer sa programa. “Hanggang sa dulo, magkakasama tayo.”
Read: Ellen Adarna gives birth to first baby with husband Derek Ramsay
ANNE CURTIS STUNTS
Matapos ang ilan sa mga mensahe mula sa mga fans at staff ng It’s Showtime ay bumalik naman sa enteblado ang eksena.
Unang ipinakita si Anne, na nasa loob ng isang umiikot na diamond structure. Dito ay gumagawa ang actress at TV host ng ilang acrobatic stunts, tulad ng pagbitin nang patiwarik.
Sumunod namang lumabas sina Jugs at Teddy, na sinimulang awitin ang theme song na binuo nila para sa 15th anniversary ng It’s Showtime.
Masaya ang mood ng kanta, na may mensaheng, “Huwag kang bibitiw, kapit lang ng mahigpit. Sama-sama tayong hanggang sa dulo.”
Sumama din si Anne sa pagkanta ng theme song. Maya-maya ay sumama na rin ang BINI para maging todo ang saya sa stage.
Pagkatapos ng kanta, nag-akyatan na rin ang ibang mga host at nag-group hug sila sa stage habang bumabagsak ang confetti.

Read: Son buys back dad’s car sold in 1983 for “diaper money”
CONCEPT BEGINNINGS
Sa maikling panayam matapos ang "Magpasikat" performance, lubos na pinasalamatan ni Anne ang kanyang mga kagrupo dahil sa pagbuo ng konsepto nila.
Hindi kasi masyadong nakatulong ang multi-talented celebrity endorser dahil busy siya sa taping ng show niyang It’s Okay Not to be Okay.
“Kahit magkalayo, nagbe-brainstorm kami, nagzu-zoom meeting,” saad ni Anne.
Paliwanag pa niya, ang tema ng kanilang "Magpasikat" performance ay pag-alala lamang sa mga core memories nila sa show.

Marami raw kasing nagba-viral sa social media na iba’t ibang moments nila habang ginagawa ang programa.
“Kalat-kalat na yun. Yung Quadro core, Anne-Vice core, Anne core. So parang it triggered something within us to come up with a concept to celebrate the core memories of Showtime sa 15 years.
"Kapag pinanood mo kasi yun, talagang, you see us grow up together, have fun. Wala tayong ginawa kundi magpasaya ng tao and at the same time, making each other happy as well as a family,” saad ni Anne.
Bukas, Biyernes, ay ang team naman nina Jhong Hilario, Cianne Dominguez, at Jackie Gonzaga ang magpe-perform sa "Magpasikat."
Read: Multiple drugs found in Liam Payne's body — toxicology report