Nasa last stretch na ang shooting ni Elijah Canlas para sa Edjop, ang biopic ni Edgar "Edjop" Jopson, isang kilalang student activist bago pa ang martial law era.
Nag-aral si Ed Jopson sa Ateneo de Manila High School at Ateneo de Manila University, kunsaan nagtapos siya ng Engineering Management.
Si Elijah ang gumanap bilang bata at nagka-edad na si Ed Jopson sa pelikulang hinulma ng direktor na si Katski Flores.
"Mahaba-habang proseso siya. Dahil nga, of course, it’s an independent movie,” pagbabalita ni Elijah.
Ang Edjop ay prinodyus ni Joyette Jopson, anak ni Ed Jopson, na ginampanan ng aktres na si Jodi Sta. Maria.
"Kaya, it takes a while and it takes a lot of challenges, and you really have to climb a mountain to finish a film like this," pagtatapat ni Elijah.
"But, everyone in this whole team down to the crew, down to the utility. We’re all very passionate about the message and the story. So, excited ako.
"Pero malapit na. Last push, last push."
Nag-aral si Ed sa sa Ateneo de Manila University.

Read: Elijah Canlas honors late brother at Olivia Rodrigo concert
WHO IS EDgar JOPSON?
Ayon sa bantayogngmgabayani.org, presidente siya ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), na may mga miyembro mula sa 69 na paaralan.
Matapos magkolehiyo, nagtrabaho siya sa Philippine Association of Free Labor Union.
Kilala siya bilang isa sa mga nanguna sa protesta ng mga manggagawa sa Tondeña distillery noong 1974.
Kalaunan ay sumali siya sa Preparatory Commission ng National Democratic Front of the Philippines, isang "anti-dictatorship revolutionary movement.
Taong 1979 nang siya ay naaresto at na-torture, pero nakatakas siya at saka isinapubliko ang karanasan at mga taong sangkot sa pag-torture sa kanya.
Taong 1981 nang siya ay maitala sa wanted list at may prize money na P180,000 para sa makakapagturo kung nasaan siya.
Base pa rin sa bantayogngmgabayani.org, taong 1982 nang siya ay madakip at sapilitang ni-interrogate sa isang military camp. Siya ay pinatay nang tumanggi siyang makipag-cooperate sa militar.
Read: Elijah Canlas on Xyriel Manabat: "Close rin ako sa dyowa niya."
ELIJAH ON PLAYING ED JOPSON
Para kay Elijah, dati-rati ay nababasa lang niya sa libro ang buhay ni Ed Jopson.
"Honestly po, a dream come true talaga. I remember growing up studying about Edjop and even Lean Alejandro.
"Sabi ko, dream role ko yan to portray, to act especially nung martial law era.
"But ginawa kong thesis noon sa Theater [U.P. Theater] si Lean Alejandro.
"So, sabi ko, gusto ko si Lean Alejandro."
Ayon sa bantayogngmgabayani.org, si Lean Alejandro ay student leader sa University of The Philippines na nanguna sa mga protesta laban sa martial law.
Tumulong siya sa pagtayo ng mga sumusunod na grupo: Coalition of Organizations for the Realization of Democracy (CORD, 1984); Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya (SELDA); Nationalist Alliance for Justice, Freedom and Democracy (NAJFD); Kaakbay; Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN); and Partido ng Bayan (PnB).
Patuloy ni Elijah, "Tapos nung binigay si Edjop, sabi ko, ‘Edjop is also a legend,’ you know. Bayani rin talaga si Edjop. So, nag-yes agad ako."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elijah sa mediacon ng 2024 QCinema International Film Festival, na ginanap sa Max’s restaurant sa Sct. Tuazon Quezon City noong Martes.
Read: PEP BEST BETS 2024: The Scene Stealers
ELIJAH CANLAS ON QCINEMA 2024 SHORT FILM
Ang tema ng festival ngayong taon ay "The Gaze."
Baguhang artista pa lang si Elijah nung mapasama siya sa award-winning film na Babae at Baril, na kabilang sa full-length film category sa QCinema International Film Festival noong 2019.
Sa muling pagbubukas ng taunang QCinema International Film Festival, kasama sa QCShorts International competition ng short film na kinatatampukan ni Elijah na Water Sports, sa direksyon ni Whammy Alcazaren.
Makakatunggali ng Water Sports sa QCShorts International category ang Alaga ni Nicole Rosacay, Kinakausap ni Celso ang Diyos ni Gilb Baldoza, Refrain ni Joseph Dominic Cruz, RAMPAGE (o ang parada)” ni Kukay Bautista Zinampan at Supermassive Heavenly Body ni Sam Villa-Real.
Malapit sa puso ni Elijah ang QCinema at kinu-consider ang sarili bilang "baby” ng QCinema.
"Yes," nangiting sabi ni Elijah.
"Ako, kahit wala akong entry lagi akong nanonood ng QCinema films. And last year nga nakakatawa, si Whammy and I are were juries sa QC Shorts.
"Sabi ko, 'Di ba dapat disqualified na itong si Whammy? Kasi nanalo na siya ng ilang beses. Tapos nag-jury pa siya last year.' Pero, okay lang.
"I mean, it’s for fun naman and sIyempre we’re all about exploring different types of mediums based on story-telling. QCinema is that film festival palagi."
Ano ang kwento ng Water Sports?
"Well, it’s really hard to explain. My director, si Whammy Alcazaren, you know that when you watch a film of his, laging unexpected, unpredictable yung nangyayari.
"But Water Sports is basically a story about a bunch of boys during a period where climate change is really, really real. And how they fight through it, how they survived through that climate change."
Hindi lang kilala bilang mahusay na aktor si Elijah kundi pati sa paggawa ng pelikulang may ipinaglalaban.
"Honestly, going through it, kaso one year na ako nagti-TV, puro serye. Gusto kong gumawa ng pelikula for the last part of the year and I got to do a couple of films," pahayag ni Elijah.
"Tapos, may nag-offer sa akin ng QCinema shorts. Sabi ko, 'Oh, perfect. Sana masingit sa schedule.' And then, di natuloy yung nag-inquire sa akin na yun.
"But then, I saw Whammy. I know Whammy. I’m friends with Whammy for a long time now. And I asked him kung may cast na siya. And he was like, ‘Oh, my God. Ikaw talaga ang nasa isip ko.’
"Sinend nya sa akin and yeah, we got to do the film."
Ang QCinema 12 ay gaganapin mula Nobyembre 8 hanggang 17. Mapapanood ang mga entries sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.
MORE MOVIES
Kasama si Elijah sa Uninvited, isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2024.
Bukod doon ay magsisimula nang mag-shoot si Elijah para sa pelikulang Savage Land kasama si Richard Gomez, sa direksiyon ni Lino Cayetano.
Paglalarawan ni Elijah sa Savage Land, "It’s a western movie. Tapos, dalawa kaming pulis. Mag-ama kami."
May ginagawa rin si Elijah na theater play sa ngayon.
