PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jhong Hilario performs with daughter Sarina for "Magpasikat"

Team Jhong Hilario advocates for mental health awareness in Magpasikat.
by Mark Angelo Ching
Published Oct 25, 2024
Jhong Hilario performs with daughter Sarina for "Magpasikat" performance on It's Showtime.
Jhong Hilario performs with daughter Sarina, who appears to enjoy working with him as well as his teammates Cianne Dominguez (wearing her hair down) and Jackie Dominguez (in ponytail).
PHOTO/S: It's Showtime Facebook

Marami ang natuwa sa performance ni Jhong Hilario para sa "Magpasikat" ngayong Biyernes, October 25, 2024.

Read: BINI parties with Team Anne Curtis for "Magpasikat"

Kasama kasi ng It’s Showtime host sa pagtatanghal ang anak niyang si Sarina.

Tungkol sa depression at mental health ang "Magpasikat" production ni Jhong at ng mga ka-team niyang sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.

Sa isang parte ng performance, ipinakitang tila pumanaw na ang karakter ni Jhong dahil sa mental health issues, at lumabas si Sarina para bigyang-pugay ito.

May dance performance din si Jhong at Sarina sa bandang simula ng "Magpasikat."

Bukod kay Sarina, marami pang ibang celebrity ang umakyat sa It’s Showtime stage para sa nasabing "Magpasikat" production.

Nariyan sina Kokoy de Santos, Rochelle Pangilinan, at Niana Guerrero na kasama mismo sa performance.

Sa dulo naman ay umakyat ang ilan sa mga kilalang celebrity mental health advocates, tulad nina Kylie Versoza, Michelle Dy, Jed Madela, Louise delos Reyes, Maxene Magalona, at Sofia Andres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Magpasikat performance of Jhong Hilario, Cianne Dominguez and Jackie Gonzaga
PHOTO/S: IT'S SHOWTIME FACEBOOK

Magpasikat 2024 related articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAGPASIKAT ON MENTAL HEALTH

Simple lang ang simula ng "Magpasikat" performance ng Team Jhong.

Sa gitna ng stage ay may tatlong upuan kung saan nakaupo ang tatlong noontine show hosts. Dito ay may interpretative dance sila ng ilan sa mga ginagawa nila sa programa araw-araw, tulad ng pagpapatawa at paglalaro.

Next naman ang solo performance ni Cianne. Dito ay ipinakita ang efforts niya para lagpasan ang insecurity niya sa pagsayaw.

May mga kasamang backup dancer ang Showtime Sexy Babe finalist, at ipinakitang tila hindi siya masyadong nakakasabay. Pinagalitan din siya ng isang dance teacher, na ginampanan ni Rochelle.

Cianne Dominguez and Rochelle Pangilinan for Magpasikat
Rochelle and Cianne
PHOTO/S: IT'S SHOWTIME FACEBOOK
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil hindi makasunod si Cianne sa mga dance steps ay na-stress ito at ipinasok sa isang malaking kahoy na kahon na natumba.

Lumabas agad si Jhong at iniligtas si Cianne. Iniangat niya ang co-host at sinabitan ng green na scarf sa leeg.

Sa mental health advocacy, ang pagbibigay ng green ribbon ay nangunguhulugan ng pag-alala sa mental health ng iba.

Next naman na nag-solo performance si Jackie kasama ang ilang backup dancer. May dance performance din siya kasama ang Kapuso comedic actor na si Kokoy.

Sa una ay romantic ang sayawan ni Jackie at Kokoy, hanggang mahuli ni Jackie ang lalaki na may kasayaw na iba. Dahil dito, nagulo ang kanilang relasyon at umarte silang nag-aaway sa pamamagitan ng pagsabit sa dalawang lubid.

Tila allusion iyon sa hinihinalang breakup ni Jackie sa longtime boyfriend sa tunay na buhay.

Matapos nito ay bumalik si Jackie sa mga backup dancer at sinubukang sumayaw muli kahit umiiyak. Lumabas din dito si Jhong at tinulungan si Jackie na mag-move on, sa pamamagitan ng pagbibigay ng green na scarf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Jackie Gonzaga for Magpasikat
Jackie's stunt
Photo/s: It's Showtime Facebook

JHONG HILARIO AND DAUGHTER SARINA

Sumunod naman ang solo performance ni Jhong. Una niyang nakasama ang anak na si Sarina, at mayroon silang cute na dance skit kung saan kitang-kita ang pagiging close nila sa isa’t isa.

Yumakap din si Sarina sa ama bago siya bumalik sa likod ng stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tapos ay lumabas sa stage si Niana para maging kasayaw naman ni Jhong. Mabilis ang mga dance moves ng TikTok personality at ng TV host, at kita sa mukha nila na nag-e-enjoy sila.

Jhong Hilario and Niana Guerrero for Magpasikat
Jhong and TikToker Niana
Photo/s: It's Showtime Facebook

Read: Ellen Adarna gives birth to first baby with husband Derek Ramsay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"WHEEL OF DEATH" CIRCUS ACT

Sa sumunod na segment ay gumawa ng acrobatic stunt ang tatlong host sa pamamagitan ng isang circus act na tinatawag na wheel of death.

Unang sumakay si Jackie sa wheel of death. Noong una ay nakakasabay siya ngunit nadapa sa huli.

Sumunod si Cianne, na sumakay sa wheel of death habang may takip na itim na bag ang ulo.

Last naman si Jhong, na nakakamangha ang pagsakay sa wheel of death dahil kumapit pa ito para bumaliktad.

Jhong Hilario for Magpasikat
Jhong's stunt
Photo/s: It's Showtime Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos nito ay ipinakitang tumatakbo sina Jhong, Jackie at Cianne papunta sa isang tulay para takasan ang ilan sa mga kalaban. Iniligtas ni Jhong ang mga co-host ngunit tila hindi niya naisalba ang sarili.

Malungkot namang bumalik naman sina Jackie at Cianne sa mga upuang ginamit nila sa simula ng "Magpasikat" performance. Hindi na nila kasama si Jhong.

Sa background ay naririnig ang voiceover ni Jhong, “Hindi lahat ng nakangiti ay masaya. Hindi lahat ng mukhang masaya ay walang mabigat na dinadala. Minsan, yung mukhang malakas, siya pala ang pinakamahina.”

Kasunod nito ay ipinalabas ang ilang mga video mula sa mga mental health advocates, katulad ni Kylie.

Matapos nito ay kinanta ni Cianne ang kantang “Ako Naman Muna” ni Angela Ken, at hainawakan niya ang kamay ni Jackie.

Dito na rin lumabas uli sa stage si Sarina para mag-alay ng green scarf sa upuan ni Jhong. Nakaka-touch ang eksena, dahil may binulong pa ang bata sa upuan ng ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unti-unti namang napuno ang stage ng mga celebrity health advocates, tulad nina Jed, Louise, Maxene, Kylie at Sofia.

Pumasok naman sa background ang ilan sa mga manggagagawang advocates din sa mental health, tulad ng mga doktor, teacher, bumbero at pulis. Nagsabitan ang mga ito ng green scarves.

Pagkatapos nito ay pumunta sa gitna si Sarina at ipinakita ang hawak niyang green scarf.

Dito na nagtapos ang "Magpasikat" performance ng Team Jhong, Jackie at Cianne.

Read: Son buys back dad’s car sold in 1983 for “diaper money”

JHONG HILARIO CONCEPT FOR MAGPASIKAT

Sa panayam matapos ng performance ay ipinaliwanag ni Jhong kung saan nanggaling ang tema nila.

Aniya, naisip daw niya ang concept dahil alam niya ang mga pinagdaraanang mental health issue ng kanyang mga teammate, dahil sa online bashing.

“Ang inspirasyon ko rito, yung nababasa ko sa social media tungkol sa kanila. Ano bang ginagawa ng Jackie na yan? Ng Cianne na yan? Pa-sexy lang yan diyan, e. Palamuti lang yan diyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Madlang people, pinagmamalaki ko sa inyo ang napaka-talented na si Jackie Gonzaga at si Cianne Dominguez,” sabi niya.

Inamin naman ni Cianne na naaapektuhan ng bashing ang kanyang mental health.

“Sabi nga ni Meme sa akin, what you don’t know won’t hurt you. So tinry ko na hindi mag-open ng Twitter. Hanggang ngayon po.

"Kasi for me, every day, ginagawa ko naman yung best ko. Kung anong pagawa sa akin, ginagawa ko yun ng one hundred percent for me,” sabi ng newbie TV host habang luhaan ang mata.

Pinasalamatan niya rin si Jhong sa pagtulong sa kanya na matutong sumayaw.

“First time kong sumayaw. Di po kasi talaga ako dancer. Isa po talaga si Kuya Jhong na nag-push sa akin na kaya mo yan, meron pa.

"At naniniwala ako ngayon na meron po. Sana po maniwala pa rin kayo sa akin,” dagdag ni Cianne.

Naiyak din si Jackie bago magsalita. Inalala niya ang mga panahong kinailangan niyang mag-host habang brokenhearted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba rin yung dagok sa mental health mo pag brokenhearted ka,” panimula ni Jackie.

“Yung iba sasabihin, ano ba yan, kaartehan, iyak nang iyak. Minsan nga ayoko nang umiyak, e. Hindi ko naman gusto talagang ipakitang umiiyak ako. Pero yun talaga yung lumalabas sa katawan ko.”

Dagdag pa niya, ayaw naman talaga niyang makitang umiiyak sa TV dahil ayaw niyang mahusgahan.

“Hindi niyo kasi alam yung pinagdaraanan ko. Sobrang hirap. Araw-araw pumapasok ka, ipapakita mo na malakas ka. Nakangiti ka.

"Hindi mo puwedeng ikuwento sa ibang tao. Sasarilinin mo yung nararamdaman mo. Magpapasaya ka ng maraming tao kasi inaabangan ka nila.

"Inaabangan nila yung tawanan niyo. Yung mga kulitan niyo. Yun yung napakahirap dun sa dagok ng mental health ko,” sabi ni Jackie.

Pinasalamatan naman ng dancer at TV host ang kanyang It’s Showtime family dahil sa pagtulong sa kanya.

“Sa performance namin, si Kuya Jhong po yung nagbigay sa akin ng green scarf. At sa totoong buhay po, yung Showtime family ko yung green scarf sa buhay ko bukod sa pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Noong mga panahong dapang-dapa ako, sila lahat. Di siguro sila aware. Kaunting kausap lang nila sa akin, kinukumusta nila ako, ina-advise-an nila sa akin. Laking tulong po noon sa akin. Thank you so much,” paliwanag ni Jackie.

Bukas, Sabado, ia-announce ang winner sa "Magpasikat" 2024. Mananalo ang mapipiling grupo ng 300,000 pesos para sa kanilang chosen charity.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jhong Hilario performs with daughter Sarina, who appears to enjoy working with him as well as his teammates Cianne Dominguez (wearing her hair down) and Jackie Dominguez (in ponytail).
PHOTO/S: It's Showtime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results