PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

CJ Opiaza finishes 1st runner-up in Miss Grand International 2024

Miss Grand India wins Miss Grand International 2024.
by Jojo Gabinete
Published Oct 25, 2024
miss grand international 2024
Miss Grand Philippines Christine Juliane "CJ" Opiaza (left) is first runner-up in Miss Grand International; Rachel Gupta (right) of India wins the crown.
PHOTO/S: Grand TV YouTube

Mailap pa rin sa Pilipinas ang titulo at korona ng Miss Grand International.

First runner-up ang puwestong nakuha ng kinatawan ng Pilipinas na si Christine Juliane “CJ” Opiaza sa katatapos lamang na Miss Grand International 2024 grand coronation.

Ang kinoronahang Miss Grand International 2024 ay si Miss Grand India Rachel Gupta.

Read: CJ Opiaza slayed question about Miss Grand being a “cooking show”

Second runner-up si Miss Grand Myanmar Thae Su Nyein, third runner-up si Miss Grand France Safiétou Kabengele, at fourth rnner-up si Talita Hartmann ng Brazil.

Grand Indonesia, Miss Grand Peru, Miss Grand Spain, Miss Grand United Kingdom, at Miss Grand Dominican Republic.

Ginanap ang koronasyon ng Miss International 2024 sa Bravo BKK Mall sa Bangkok, Thailand, ngayong Biyernes ng gabi, Oktubre 25, 2024.

cj opiaza miss grand international 2024
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DESERVING WINNER

Crowd favorite si Miss Grand India at siya ang pinakamahigpit na nakalaban ni CJ sa Miss Grand International 2024 title.

Sa question-and-answer portion ng Bangkok-based international beauty pageant ay silang dalawa ang nagbigay ng pinakamatalinong sagot.

Hindi naitago ni CJ ang pagkagulat sa tuwing tinatawag ang runner-up winners dahil kitang-kita na napapaigtad siya.

Para sa karamihan sa Filipino beauty pageant fans na tumutok sa finale night ng Miss Grand International 2024, karapat-dapat manalo si Rachel Gupta kaya maluwag sa kalooban nilang tinanggap ang resulta ng patimpalak.

Halos walang nag-akusa na isang "cooking show" ang Miss Grand International 2024, dahilan para pansamantalang makaligtas sa mga batikos at panghuhusga si MGI president and founder Nawat Itsaragrisil.

cj opiaza miss grand international 2024
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PINOYS STILL PROUD OF CJ

Hindi man naiuwi ni CJ ang korona, ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang tagumpay niya sa international beauty pageant na kanyang nilahukan, lalupa’t napakaiksing panahon ang kanyang mga paghahanda.

Kinoronahan siyang Miss Grand Philippines 2024 sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City, noong Setyember 29, 2024.

Makalipas lamang ang ilang araw, lumipad na siya sa Bangkok, Thailand, para sa kanyang paglahok sa 12th Miss Grand International.

Read: CJ Opiaza, di kasama sa Top 8 ng Miss Popular ng MGI 2024

SPECIAL AWARDS

Hindi pinalad magkaroon ng puwesto sa Miss Grand International 2024 si Miss Grand Thailand Malin Chara-anan, pero siya ang pinagkalooban ng special award na Country’s Power of the Year.

Best National Costume awardees sina Miss Grand Brazil Talita Hartmann, Miss Grand Ecuador Maria Jose Vera, at Miss Grand Honduras Yariela Garcia.

Si Miss Grand Ghana Sage-La’Parriea Yakubu ang Best in Evening Gown winner.

Best in Swimsuit si Miss Grand Brazil Talita Hartmann.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Grand Voice awardee si Miss Grand Trinidad and Tobago Kristina James.

Miss Popular Vote recipient naman si Miss Grand Indonesia Nova Liana.

TRENDING ON SOCIAL MEDIA

Popular search sa social media ngayong Biyernes ng gabi ang Miss Grand International 2024.

Kahit matagal nang may panawagan ang Filipino beauty pageant fans na i-boycott ang patimpalak-kagandahang itinatag ng Thai television personality at businessman na si Nawat Itsaragrisil, marami pa rin ang nakatutok at sumusubaybay sa coronation night na live na napanood sa YouTube channel ng Grand International.

Sa loob ng 12 taon ng Miss Grand International ay wala pa ring Pinay na nag-uuwi ng korona.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Grand Philippines Christine Juliane "CJ" Opiaza (left) is first runner-up in Miss Grand International; Rachel Gupta (right) of India wins the crown.
PHOTO/S: Grand TV YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results