PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magpasikat 2024: Which team deserves to win?

Team Kim delivers most difficult stunts; Team Anne has most unique performance.
by Mark Angelo Ching
Published Oct 26, 2024
Team Kim Chiu and Team Anne Curtis on Magpasikat 2024
Magpasikat 2024 draws to a close after week-long performance by Team Vice Ganda, Team Kim Chiu, Team Anne Curtis, Team VIDA, and Team Jhong Hilario. Seen above are Kim's trapeze stunt (left) with Lassy and MC atop a structure (left inset); Anne flanked by Jugs Jugueta and and Teddy Corpuz (right) for their core memories number.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook

Trending na naman ang It’s Showtime dahil sa "Magpasikat," ang taun-taong week-long anniversary special ng noontime show kung saan nagpapaligsahan ang mga host sa pagpapakita ng kanilang mga talento.

Marami ang pumuri sa limang "Magpasikat" performances na ipinalabas sa buong linggo. May mga natuwa rin sa samu’t saring surprise guests na umakyat ng entablado.

Noong Lunes, October 21, trending ang "Magpasikat" performance nina Vice Ganda, Karylle at Ryang Bang na tungkol sa pagkapit sa pag-asa. Masaya rin ang mga manonood dahil kasali ang SB19 at si Carlos Yulo.

Noong Martes, October 22, marami ang namangha sa buwis-buhay trapeze stunt ni Kim Chiu. May mga nakisimpatiya rin sa vulnerability na ipinakita nina Ogie Alcasid, Lassy Marquez at MC Muah Calaquian, sa kanilang “tigil, hinga at kalma” concept.

Marami naman ang pumalakpak noong Miyerkules, October 23, sa konsepto nina Amy Perez, Darren Espanto, Vhong Navarro at Ion Perez na tungkol sa pagmamahal ng isang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod naman ang Inside Out at core memories concept nina Anne Curtis, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz noong Huwebes, October 24. Trending ang performance dahil sa pagsali ng BINI sa masayang pagtatanghal.

Panghuli naman ang mental health concept nina Jhong Hilario, Cianne Dominguez at Jackie Gonzaga kahapon, November 25, na nakapagpaiyak sa marami.

Ngunit alin kaya sa mga ito ang pinakamaganda? Sino kaya sa mga grupo ang naghatid ng pinakapanalong "Magpasikat" performance?

Magpasikat 2024 related articles:

MAGPASIKAT 2024

Para malaman natin kung anong performance ang pinaka-umangat, kailangan nating magtakda ng ilang judging criteria.

Una, ang uniqueness ng concept. Kakaiba ba ito kumpara sa ibang performance ngayong taon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pangalawa ang execution and difficulty. Maayos bang nagawa ng mga host ang kanilang performance nang walang palya? Tradisyon na rin sa "Magpasikat" ang mga buwis-buhay stunts. Mayroon bang ganitong stunt ang performance, at nalagpasan ba ng mga host ang challenge?

Pangatlo ang popularity. Alin sa mga performance ang pinaka-trending?

UNIQUENESS OF CONCEPT

Sa lima, ang "Magpasikat" performance nina Anne Curtis ang pinakakakaiba, dahil ito lang ang may masayang mood.

Tila naging party ang stage ng "Magpasikat" dahil sa masayang kantahan at sayawan sa concept nina Anne, Jugs at Teddy kung saan binalikan nila ang masasayang moments sa kanilang noontime show.

Masaya rin ang eksena noong sabayan tatlong host ang BINI sa pag-perform ng “I Feel Good”.

BINI and Anne Curtis for Magpasikat 2024
Anne with BINI
Photo/s: It's Showtime Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabilang banda, puro malulungkot ang konsepto ng ibang "Magpasikat" performances.

Marami ang naiyak noong Lunes lalo na noong kinanta ng SB19 at ni Vice ang re-lyric nila ng "Liham."

Naawa din ang mga tao kina Kim, Ogie, MC at Lassy dahil ibinahagi nila ang mga kalungkutan nila sa buhay.

Nakakaiyak din ang konsepto nina Amy, Darren, Vhong at Ion na tungkol sa pagkamatay ng isang anak.

Malamlam din ang mood ng performance nina Jhong, Cianne at Jackie na tungkol sa depression.

Magpasikat 2024
Cianne, Jackie, and Jhong
Photo/s: It's Showtime Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EXECUTION AND DIFFICULTY

Sa limang performances, ang team nina Ogie, Kim, MC at Lassy ang may pinakamahirap na difficulty dahil lahat silang apat ay may ginawang buwis-buhay stunt.

Una si Ogie, na sumakay sa mataas na nakatagilid na platform na umiikot-ikot habang siya ay tumutugtog ng piano.

Pangalawa si Kim, na nag-aral pa ng trapeze para sa kanyang stunt. Na-injure pa nga siya at naospital dahil sa training niya rito.

Magpasikat 2024: Kim Chiu trapeze
Kim's stunt
Photo/s: It's Showtime Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangatlo sina MC at Lassy na sabay sumabit sa isang umaangat na cube nang walang harness.

May medyo delikado ring stunt sa team nina Jhong, Cianne at Jackie. Ito ay noong sumakay sila sa circus apparatus na tinatawag na wheel of death, na kinokontrol ng isang totoong miyembro ng Cirque du Soleil.

Iba-iba ang atake nina nina Jhong, Cianne at Jackie sa pagsakay nila sa wheel of death. Una si Jackie, na simpleng naglalakad-lakad. Pangalawa si Cianne na may takip na bag sa ulo.

Pangatlo si Jhong, na kumapit pa para bumaliktad habang umiikot ang wheel. Ilang beses umikot nang pabaliktad si Jhong hanggang makitang tila nabitawan niya ang hawak dahil bumagsak siya ng patalikod.

Sa kabilang banda, simple lang ang stunts sa "Magpasikat" performance nina Vice. Una ang pagsabit ni Karylle sa harness habang kumakanta. Pangalawa naman ang pag-perform ni Ryan sa tumutumba-tumbang platform.

Marami-rami namang buwis-buhay stunt sa team ni Amy, ngunit hindi pulido ang execution nito. Si Ion ang may pinakamahirap na stunt sa paglambitin niya sa nakaangat na mga bakal ng walang harness. Nagawa naman itong maayos ng TV host, kahit mukha siyang kinakabahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa stunt naman ni Darren na pag-ikot sa isang malaking hoop, makikita na nahihirapan siyang magbalanse sa una. Sa bandang huli na lamang siya nakagawa ng ilang buong stunt.

Magpasikat 2024
Vhong, Ion, Darren and Amy
Photo/s: It's Showtime Facebook

Sa team naman nina Anne, Jugs at Teddy ay si Anne lang ang may masasabing buwis-buhay na stunt noong lumambitin siya sa isang diamond structure. Ngunit mababa lang ang structure na ito kaya’t hindi masyadong delikado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibang-iba ito sa mga buwis-buhay stunts ni Anne noong mga nakaraang "Magpasikat," tulad ng pagsabit niya sa tabi ng mataas na building.

POPULARITY

Para sa kategoryang ito, maaari nating tingnan kung anong "Magpasikat" performance ang may pinakamaraming views sa YouTube.

Dalawang channel ang may upload ng full performance. Ito ay ang channel ng GMA Network, at ang channel ng ABS-CBN Entertainment, kaya i-combine na natin ang total views mula sa dalawang channels as of press time.

Sa limang "Magpasikat" performances, pinakaraming views ang kina Kim, Ogie, MC at Lassy. Mayroon na itong 1,609,052 views.

Naungusan nito ang views na natanggap ng "Magpasikat" performance nina Vice, Ryan at Karylle, na umere nang mas maaga. Mayroon lamang 1,268,280 total views ang videos ng Team Vice.

Magpasikat 2024
Team of Vice Ganda, Karylle, and Ryan Bang with Carlos Yulo and SB19
Photo/s: It's Showtime Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, pinakamababa naman ang views ng videos ng team nina Anne, Jugs at Teddy. Mayroon lamang itong 760,498.

Mas mababa pa ito sa total views ng videos ng "Magpasikat" performance nina Jhong, Cianne at Jackie, kahit na umere ito nang mas maaga. May 786,987 total views na ang videos ng Team Jhong.

Ang videos naman ng "Magpasikat" performance nina Amy, Darren, Vhong at Ion ay mayroong 857,003 total views.

IN SUMMARY

Kung susumahin, ang "Magpasikat" performance nina Anne, Jugs and Teddy ang pinaka-unique o pinakakakaiba dahil ito lamang ang may masayang concept.

Ang "Magpasikat" performance naman nina Kim, Ogie, MC at Lassy ang may pinakamahirap na difficulty at pinakamaayos na execution, at ito rin ang may pinakamaraming total views sa YouTube.

Kung ikaw ang tatanungin, alin sa lima ang pinakapaborito mo? Alin ang dapat manalo ngayon Magpasikat 2024?

The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magpasikat 2024 draws to a close after week-long performance by Team Vice Ganda, Team Kim Chiu, Team Anne Curtis, Team VIDA, and Team Jhong Hilario. Seen above are Kim's trapeze stunt (left) with Lassy and MC atop a structure (left inset); Anne flanked by Jugs Jugueta and and Teddy Corpuz (right) for their core memories number.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results