Ang Filipino-American international singer and actor na si Billy Crawford ang bagong celebrity endorser ng Belo Medical Group, na pag-aari ng kilalang cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo.
Timing na timing ang pagkuha kay Billy as endorser ng Belo dahil sa kanilang thrust ngayon sa global market.
"I was kinda surprised, actually. I know Dra. Belo since, Singing With the Stars ba 'yon? Or, Celebrity Duets? That's how I met Dra. Belo, I've known her since last year," panimula ni Billy sa launching niya as Belo endorser sa Annabel's restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City, last Thursday, July 17. PEP (Philippine Entertainment Portal) was there to cover the event.
Ano exactly ang ine-endorse niya for Belo?
"I'm endorsing facial care for men. For eyebags and skin matters."
Balak ba niyang ipatanggal ang kanyang mga tattoo?
"Dra. Belo was always telling me, sige na, paalis mo na sa akin 'yan [tattoo]. Masakit daw, kaya ayokong gawin, at saka, magkaka-scars siya."
What about lipo?
"No need," ngiti ni Billy. "Sayaw ako nang sayaw araw-araw kaya natatanggal [fats] naturally. Pero kung kakailanganing magpa-lipo, we'll see what happens. Safe naman yun, e."
Nakapag-usap na ba sila ni German Moreno?
"I tried pero halata namang umiiwas siya. I was just trying to take time na sana, bumaba lang siya."
Sa darating na Pasko kaya siya makipagbati?
"Sa birthday na lang niya. Alam ko October 5 o 6."
Sa kabila ng pag-iwas sa kanya ni Kuya Germs, susubukan pa rin daw niyang lapitan ang TV host muli.
"Of course, gusto ko siyang kausapin. Lahat ng kaibigan ko sa industry they all understand. Ang makakaayos lang niyan talaga ay ako at si Kuya Germs."
Sa mga naglalabasang isyu sa kanila ni German Moreno, ang sympathy ay nasa TV host daw. Nasasaktan ba siya kapag nakakarinig siya ng ganyang feedback?
"Nasanay na po ako. Kahit saang parte ng mundo, there's always someone putting you down, regardless kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo at kahit na anong ganda ng intensiyon at ginagawa mo, meron pa ring tao na hihilahin ka pababa. Of course, nasasaktan din ako."
Aminado naman si Billy na labis siyang naapektuhan ng ‘utang na loob' isyu.
"Doon ako medyo nailang, apektado. Kasi, every year kapag bumabalik ako dito [sa Pilipinas], si Kuya Germs ang una kong laging pinupuntahan.
"Lahat naman ng taong natulungan ni Kuya Germs malaki rin ang utang na loob sa kanya. Sama ng loob ng tatay sa anak, yun lang naman ‘yon, e. He's angry as a father," tapos ni Billy.
