Masayang-masaya ang South Border vocalist na si Jay Durias dahil sa unang pagkakataon ay magkakasama sila ni Ella May Saison sa isang concert, ang Soundtrip Sessions Vol. 3.
“First time, first time,” ang nangingiting bulalas ni Jay.
Mataas kasi ang tingin at paghanga nito sa female singer, “Super idol na idol ko si Ella May, sa Artstart pa lang, yung banda niya sa Davao.
“I used to play in a hotel called Apo View Hotel, way back then. Alternate band nila kami, sila yung import na banda noon.
"May panahon na nagpapadala ng banda from Manila yung management of Apo View and then kami yung main stay na…house band kami.
“Madalas akong mag-cut ng classes para manood lang ng ensayo nila. It was a learning experience for me.
“Talagang solid na solid yun for my musical knowledge, yung time na yun.”
Matagal na raw sanang gusto ni Jay na maka-collab si Ella May.
Tugon ni Jay, “Both busy kasi yung mga careers namin, hindi namin naisip… ako naisip ko baka noon nung early days pa.
"Pero nung mga later part na ng South Border medyo nagiging iba na rin yung direksiyon.
“So, parang nung naisip nga si Ella May, ‘Oo nga, ‘no, si Ella May!’
“Pero wala siya dito so yung parang mahirap yung access, tapos makakalimutan mo na naman yung concept, buti na lang ngayon natuloy.”
Hanggang sa wakas ay magkakatrabaho na sila ngayon.
Kuwento ni Jay, “Dragon Arc Events ang nag-isip nito, for sure. We just got a call one day. Na-excite kami nung nalaman namin na si Ella May.”
Magaganap ang concert nila Nobyembre 9 sa The Theater at Solaire, 8 PM.
Read: Jay Durias, nilinaw ang rumored romance nila noon ni Janice de Belen
SOUTH BORDER AND ELLA MAy SAISON CONCERT
Matinding throwback ang dala ng upcoming concert ng South Border at ni Ella May.
Ani Jay, “Actually, the fact na kasama namin si Ella May ano na kami dun, e, ibang chemistry na kaagad yun.
“Kasi for the longest time puro mga... puro mga berdugo yung… sa South Border puro lalaki, ngayon, may female element sa show.
“Maraming puwedeng gawin, may mga duets, may mga classic hits from the '80s, '90s.
"Iyon yung tayo, e, yung mga panahon natin, so it's very comfortable to sing any iconic hit, whatever you call it.
“Yung mga na-LSS tayong mga love songs before, pipilitin naming gawin ni Ella na with justice.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jay nitong October 16, 2024 sa Alba Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Si Jay na lamang ang natitirang orihinal na miyembro ng South Border.
“Yes,” sambit ni Jay, “we left for the States back in 2006… 2005, I was in the US for about 2-3 years, and then when the recession came in, I came home.
“It was only me, tapos lahat naman kami residents na ng States that time, ako lang yung nag-give up ng residency ko, I came back to the Philippines and started all over.
“Then eventually, I pursued South Border and eventually with the blessing of my former bandmates, na-form ko yung the latest lineup of South Border.”
Read: How SB19's life changed since P-pop stardom
JAY DURIAS ON SB19, OTHER YOUNG ARTISTS
Ano ang reaction ni Jay na during the pandemic ay marami ang nagsulputang new artists at mga P-pop bands?
Sagot ni Jay: “That is very healthy, that is healthy for the industry! Kasi it’s very, very good na merong mga bagong sibol.
"It means that we’re very rich in music art… sa arts natin, maraming ‘young guns’.
"Ako marami din akong gusto diyan, yung Ben&Ben, SunKissed Lola, may isang kanta silang gustung-gusto ko.”
Marahil ay hindi lahat ay nakakaalam na si Jay ay co-producer ni SB19 Pablo Simon Servida para sa hit song ng SB19 na "Mapa."
“May nakasama na ako sa mga bagong artists, may na-produce akong isang kanta, yung 'Mapa,' sa SB19, iyon yung ginawa ko for the newer generation.
"After that, balik na naman tayo sa mga tanders,” natawang hirit ni Jay.
Ano sa tingin ni Jay ang magic kung bakit ang mga kabataan ngayon ay nakaka-relate pa din sa mga music ng South Border?
“Actually, I’m so clueless about the magic or what formula is, we’re just so grateful na mahal na mahal pa rin ng tao yung mga kanta namin hanggang ngayon.
“I just consider myself lucky na umabot pa hanggang ngayon, blessed.”
Sikat ang South Border at si Ella May noong '90s, pero masasabing hanggang ngayon ay wala pa rin silang kupas pagdating sa musika at artistry.
“I guess it’s loving the craft,” pakli ni Jay.
“If you’re always genuinely passionate of what you’re doing, you will always age maybe gracefully along with it.
“Pag nararamdaman ng tao yung ginagawa mo, kahit anong edad pa yan, tagos pa rin sa puso.”
