Ipinagluluksa ng salon industry sa Pilipinas ang pagpanaw ni David Charlton, ang founder at CEO ng David’s Salon.
Siya ay 69.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ngayong Martes ng gabi, Oktubre 29, 2024, inanunsiyo ng Davines Philippines ang pagkamatay ni David.
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
Nakasaad dito: “It is with profound sadness and heavy heart that we learned of the passing of one of the pillars of the salon industry in the country - Mr. David Charlton.
“Together with the whole industry, loyal clients, and countless friends, we mourn the passing of an industry leader.
“His life’s work and legacy are inextricably intertwined with our work and for that we will always be grateful. Mr. David Charlton leaves behind a legacy that will long-serve to inspire Filipino hairdressers and stylists today and in the future.
“Mr. David Charlton - you are always loved, will never be forgotten, and will forever be missed. Our sincere condolences, may your soul rest in peace,”
Kinumpirma ng anak ni David na si Laura ang pagpanaw ng iconic male hairdresser.
Ayon sa kanya, magsisimula ang burol sa mga labi ng ama niya sa The Chapels ng Heritage Park, Taguig City, sa Miyerkules ng 2 P.M., Oktubre 30.
Magtatagal ito hanggang Nobyembre 2.
Nakatakda naman sa Nobyembre 3, Linggo ng 1 P.M., ang huling misa para sa sumakabilang-buhay na English hairdresser.
Read: Korean veteran actress Kim Soo Mi dies at 75
THE ENGLISH HAIRDRESSER WHO CONQUERED THE PHILIPPINES
Si David Charlton ay isinilang sa Suderland, Tyne and Wear, England, noong Hulyo 12, 1955.
Apatnapu’t anim na taon na ang nakararaan, noong 1978, nang dumating si David sa Pilipinas para magtrabaho bilang manager ng Rever Salon sa Mandarin Oriental Hotel, Makati City.
Noong 1989, binuksan ni David ang sariling salon niya sa New Farmer’s Market, Quezon City.
Naging official hairdresser siya ng mga kandidata ng Binibining Pilipinas gaya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Nagmula si David sa pamilya ng mga hairdresser na itinuring ang Pilipinas bilang pangalawang tahanan niya.
Kinikilala ng mga Pilipino ang kanyang mahusay at makataong pamamalakad.
"Amo" ang nakasanayang tawag kay David ng mga empleyadong mahal na mahal siya dahil sa kabutihang ipinakita niya bilang pinuno ng David’s Salon Inc., na meron nang mahigit sa 200 sangay sa buong kapuluan.