Kaagad na binura ni Bea Alonzo ang Halloween post niya.
Sabi ni Bea sa caption ng kanyang post, "Call me Lyle. #Halloween2024"
Ang tinutukoy ng aktres ay si Lyle Menendrez, kilalang convicted murderer sa California, USA.

Si Lyle at ang kapatid niyang si Erik Menendez ay umamin sa korte na noong kabataan nila, taong 1989, ay bumili sila ng shotgun at pinaulanan ng bala ang kanilang mga magulang—sina Jose at Kitty Menendez—sa bahay nila sa Beverly Hills.
Hindi nagustuhan ng netizens ang tila ay pag-promote ni Bea kay Lyle.
Sa isang photo, may hawak pang shotgun si Bea.

Ayon sa mga nakakita sa post ni Bea, nag-generate daw ito ng maraming negatibong komento mula sa mga netizens.
Read: Bea Alonzo asserts she is single; discloses having suitors
BEA ALONZO's follower: "Bat deleted na yung Lyle post"
Agad na binura ito sa feed ni Bea, at agad ding napansin ng netizens na nawala ito.
Ayon sa isa niyang follower, "Bat deleted na yung Lyle post"

Sagot ng isang netizen, "Na call out. Dami disagree"
Sabad ng isa pa, "because it’s disgusting?"

May mga nagsabing hindi dapat pinapamarisan, in any way, ang mga masasamang tao.
May nagbanggit pa kay Jeffrey Lionel Dahmer, na isang American serial killer and sex offender na pumatay at nag-dismember ng 17 males mula 1978 hanggang 1991.
Saad ng netizen, "bad for her hindi pinag isipan ang idea, Hindi naman talaga dapat ginagaya un ganun character like Dahmer. Hindi sila dapat ginagawang for fun. Lesson learned na rin sa knya ito. Yun nga lang, habang buhay na yun pics sa sa social media, puro lait n nga siya sa reddit eh"

Nagpatuloy ang pagdagsa ng comments sa Reddit, na nag-upload ng screenshot ng deleted post ni Bea.



Wala pang reaksiyon si Bea ukol sa mga puna ng netizens sa kanya.
Read: Standout costumes at Tim Yap's Shake, Rattle and Ball 2024
