Maanghang ang pahayag ni Sandro Muhlach laban sa abogado ng dalawang GMA-7 independent contractors na inakusahan niya ng rape at sexual assault.

Sa post ng Kapuso actor sa Instagram kahapon, November 2, kinuwestiyon nito ang mga aksyon ni Atty. Maggie Garduque.
Si Atty. Maggie ang abogado nina Jojo Nones at Richard Cruz, na inakusahan niyang nangmolestiya sa kanya noong July 22.
Ang naturang abogado rin ang tumatayong tagapagtanggol ni Rita Daniela, sa isinampa niyang acts of lasciviousness complaint laban kay Archie Alemania.
SANDRO CITES IRONY IN HIS ALLEGED ASSAULTERS' LAWYER WHO IS NOW "STANDING WITH A VICTIM OF AN ASSAULT"
Hindi nagustuhan ni Sandro ang pahayag ng lawyer sa isang panayam matapos nitong i-file ang complaint ni Rita.
“This is not easy for Rita. Any woman, it’s really hard for them to come out and magsabi ng mga ganitong krimen,” saad ni Atty. Maggie sa panayam ng GMA News.
Ini-screenshot ni Sandro ang interview na ito at pinost niya sa kanyang Instagram Stories, with the caption: “completely agree with you @attymaggie mahirap talaga mag come forward kaya victims and survivors should never be blamed or made to feel guilty for what happened to them. but wow, how ironic atty. that now you’re standing with a victim of an assault. Justice will prevail!”
Read: DOJ files rape case vs GMA independent contractors; Sandro reacts
SANDRO optimistic ABOUT LATEST DOJ RESOLUTION
Matatandaang inakusahan ni Sandro ang dalawang GMA-7 independent contractors nang panghahalay matapo ang naganap na GMA Gala noong July 21.
Nangyari umano ang insidente sa hotel room kung saan nandoon sina Jojo at Richard.
Noong August 19, Isinampa ng Sparkle artist ang rape complaint laban sa dalawa sa Department of Justice (DOJ).
Noong Miyerkules, October 30, ay nagsampa na ang DOJ ng kasong rape through sexual assault at acts of lasciviousness sa Pasay Regional Court Branch 115.
Sa kabilang banda, iaapela naman daw nina Jojo ang Richard ang resolusyon ng DOJ.
Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania