Ang award-winning directors na sina Rico Gutierrez at Enzo Williams ang mga bagong direktor ng Encantadia Chronicles: Sang’gre.
Ang Sang'gre ang upcoming fantasy drama series ng GMA-7 na pinangungunahan nina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith da Silva.
Read: Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda join Bianca Umali in Encantadia Chronicles: Sang'gre

Si Mark Reyes ang orihinal na direktor ng Sang’gre, pero sa hindi pa isinasapublikong dahilan, nagbitiw siya sa tungkulin niya.
Sina Rico at Enzo ang mga ipinalit sa kanya.
Read: Production executive ng TV show, bakit nag-resign?
ONE YEAR IN THE MAKING
Halos isang taon na ang nakalilipas mula nang umpisahan ang taping ng Sang’gre, na inaasahang maipalalabas sa telebisyon sa kalagitnaan ng 2025.
Pansamantalang nahinto ang taping ng big-budgeted fantasy drama series ng Kapuso Network.
Posibleng magbalik-trabaho sa susunod na buwan ang lahat ng mga sangkot sa proyekto, pero may mga pagbabagong mangyayari dahil hindi na kasali si Mark.
Marami ang nagulat at nagtaka sa pagkawala ni Mark sa Sang’gre.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na malapit sa puso niya ang anumang programa na may kinalaman sa kuwento ng Encantadia, na isa sa mga pinakamatagumpay na television series ng GMA-7 noong 2005.
Read: The making of Encantadia: how it came to be, what was the original story
Sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, at Diana Zubiri ang mga original Sang’gre ng Encantadia.

Samantalang sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez ang mga bida sa 2016 reboot ng fantaserye.

Si Mark ang direktor ng sikat na iconic program ng GMA-7 kaya palaisipan sa mga tagahanga ng Encantadia ang tila biglaang kawalan niya ng partisipasyon sa Sang’gre.