PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens, teachers react to "ugly truth" about Philippine education

"12-13 year old students do not know their shapes."
Deputy Section Editor Bernie V. Franco Contributor Allyanah Marielle T. Calinao
Published Nov 8, 2024
student reading
Teachers are desperately calling for much-needed reforms in the educational system.
PHOTO/S: Canva

Natalakay na naman ang isyu ng grade inflation kasunod ng isang recent Reddit post na kumalat sa social-media platforms tulad ng Facebook.

Ang grade inflation ay ang pagdami ng mga mag-aaral na nakakuha ng mas mataas na marka at nabigyan ng honors.

Sa screenshot ng post, ibinahagi ng isang teacher ang aniya ay “horrifying” na pangyayari sa paaralan.

(Note: All comments published as is.)

Sabi ng guro, “There was a teacher who went viral on TikTok when he stated that his 12-13 year old students do not know their shapes. It’s horrifying but it does not surprise me.”

Pagpapatuloy niya, siya raw ay isang high school teacher na nagtuturo sa mga mag-aaral na nasa 15 to 18 years old.

Sa kanyang karanasan, mayroon daw mga estudyanteng hindi marunong magbasa, magsulat ng complete sentences, at mag-spell.

Inisa-isa ng guro ang "ugly truth" tungkol sa kakulangan sa kaalaman at abilidad ng mga high-school stuidents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati raw ang four basic operations sa math—addition, subtraction, multiplication, at division—ay hindi sila marunong.

Kung pagbabatayan ang age bracket na binanggit ng guro, ang mga estudyanteng tinutukoy ay tinatayang nasa pagitan ng grades 9 to 12.

Kung totoo man ang kanyang ipinost, nakagugulat na hindi natuto ang mga estudyante ng basic concepts na dapat sana’y natutunan na nila sa elementarya pa lamang.

Kaya naman, hindi napigilan ng netizens ang mag-react sa concerns ng mga teachers.

Read: Vet who went viral clears up wrong impression on veterinarians

Teacher reddit post
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Read: Police confirms woman's death; family learns she's alive

NETIZENS CALL FOR EDUCATION REFORM

Marami sa mga pumuna at nagbigay ng kanilang opinyon sa viral post ay mahihinuhang mga guro rin.

Isang punto ang malinaw sa kani-kanilang pananaw: kailangang ma-update ang sistema ng edukasyon at kalidad ng pagtuturo para makasabay sa modernong panahon.

Anang isa, “Walang katapusan ito.... its systemic ... you have to realize how hard it is to change the system... what we have here now is just to keep arguing... Think who can change the system ?”

teacher comment 1
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag ng isa pa, “Pano, mga public school teachers bawal mang bagsak ng bata? so bakit pa kailangan mag effort ng bata mag aral kung di naman sila ibabagsak?

“Pag binagsak ng teacher yung student, siya rin mag susummer class sa student, edi dagdag trabaho sa teacher.”

“Ang daming proseso at justification para ibagsak ang bata.

“Mga PRINCIPAL, ayaw mang bagsak ng students, kase papangit 'performance' ng school nila, maapektuhan yung budget nila.

“So ang daming problema di ba? Yung sistema kase!!! Dapat parang college eh, discretion ng prof/teacher mang bagsak, mag appeal ka nalang if di ka agree.

“Kaso dito, pag teacher yung tama, binagsak yung bata, siya pa susugurin ng magulang, papaki-usapan ng head teacher, worse case, baka awayin pa ng principal.”

“So kung ikaw maayos na tao, at toxic lahat sila sa paligid mo, iyak ka nalang.”

teacher comment 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito naman ang komento ng isa: “Yung mga teacher na kahit alam nilang hindi deserve ng student na pumasa pero pinapasa pa rin kasi pini pressure ng school principal kasi papangit daw yung rating ng school nila o di naman kaya pinasa lang yung student dahil sa mga magulang na feeling entitled at todo mag reklamo kapag mababa grades ng anak nila.

“Can't imagine kung Anong disaster mangyayari sa kanila once na pasukin na nila ang buhay ng pagiging adult.”

teacher comment 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibang guro, iginigiit na maaari pa sana silang maging adaptive and creative sa kanilang teaching methods.

Ganito ang komento ng isang teacher: “Maybe we should also consider factors related to teachers and parents.

“For instance, teachers could be more creative in their teaching methods, but unfortunately, in the Philippines, the system prioritizes paperwork and administrative tasks, which limits the time teachers have to prepare quality learning materials.”

“As I always say, it's 10% teaching and 90% administrative work.”

Sabi pa nito, hindi raw niya masisisi ang mga estudyante kung hindi na sila interesado sa tradisyunal pa pamamaraan ng pagtuturo.

“We're in the 21st century, and we need to find ways to adapt our teaching styles to meet the needs of this generation,” sabi ng guro.

Bilang isang guro, nakakaramdam daw siya ng pagkainis sa mga estudyanteng mahirap makaunawa kahit sa simpleng itinuturo.

“We feel bad, to be honest. But as teachers, what can we do? We know the system is broken. Haha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Also, students today aren’t as engaged, which is why they’re not learning as much.

“If teachers could fully capture their attention, they wouldn’t rely on technology or AI for every project.

“But since we are in the 21st century, what can we do to integrate tech meaningfully into our teaching style?”

Dagdag pa nito, may mentalidad daw ang ilang magulang na iniaasa lahat sa mga guro na maturuan ang mga bata.

Malaking tulong daw sana kung magiging supportive ang mga magulang sa academic growth ng kanilang mga anak.

“So, we can’t place all the blame on our students. Being a teacher is a challenging job, but we're here to help students reach their full potential.”

teacher comment 4
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi naman ng isang netizen, “It's because the grading system is TOO forgiving. Honestly, if the student isn't even learning, why let them pass the subject/grade?”

Susog naman ng isa, “magko complain kasi ang magulang tapos teacher mapasama. Ayaw din nila tumaob kaldero nila”

teacher comment 5

Ang iba, ibinahagi na ang ganitong sistema ay nangyayari hindi lamang daw sa high school—maging sa college rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ng isang netizen, “Yung iba nga nasa college na, hirap na hirap pa sa basic grammar and spelling”

Reply naman ng isa pa, “sadly ma'am karamihan pa niyan mga kaklase ko pa na future teachers din”

Teacher comment 6

Ganito naman ang comment ng isa: “Gosh, this is happening at the college level as well. I have students who don't know how to spell basic words, let alone capitalize I's... This is very concerning…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
teacher comment 7

Ikinumpara naman ng ibang netizens ang henerasyon ng mga estudyante noon at ngayon.

Anila, magaling sa gadgets ang mga kabataan ngayon, pero hindi sa mga pamamaraang may benefit para sa kanilang pag-aaral.

Ang sabi ng isa, “iba na ngayon. maybe because bawal na mangbagsak? tapos na-notice ko pa na need mo na talaga tutukan unlike before kahit hindi ka tutukan ng parents mo, gugustuhin mo matuto kasi takot kang bumagsak at mapagalitan ng teacher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“also, ang mga bata now inuubos ang oras sa browsing and watching nonsense topics on the internet.

“kapag naging kamay na bakal ka naman, thank God kung makikinig pero minsan, parang ikaw pa masama.”

teacher comment 8

May netizen din na nagkomento ng, “This is very true, magaling sila mag phone pero pag sa computer di sila marunong ni hindi kaya iopen pc or gumamit ng word or even google in comp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“to add, may nainterview din ako before na mga latin honors pero di makapag construct ng words even simple questions they can't answer. mga applicants also today's generation are very pihikan they can't wait, if mahirap they give up.”

teacher comment 9

DEPED ADDRESSES THE PROBLEMS IN PH EDUCATION

Noong July 2024, inamin ni Education Secretary Sonny Angara na ang hamon sa kanila ay iangat ang education system ng Pilipinas, ulat ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay kasunod ng resulta ng 2022 Program for International Students Assessment (PISA), kunsaan lumabas na nahuhuli ang 15-year-old Pinoy students pagdating sa math, science, reading, at creative thinking kumpara sa mga katulad nilang estudyante sa ibang bansa.

Kasunod nito, lumikha si Angara ng task force para ma-improve ang performance ng Pinoy students sa susunod na PISA exam.

Ipinatupad din ng Department of Education ang MATATAG curriculum na kinabibilangan ng revisions para ma-improve ang learning competencies mula Kindergarten hanggang Grade 10 students.

Sinabi rin noon ni Angara na magsasagawa ang DepEd ng mga pagbabago sa classroom learning para pagtuunan ang reading at science.

Binanggit din niya noon ang dating problema, gaya ng kakulangan ng classrooms at teachers sa mga eskwelahan.

Sa kabuuan, ang usapin ukol sa grade inflation ay hindi lamang simpleng problema ng pagpapasa o pagkakaroon ng mataas na grado.

Ito ay salamin ng mas malalim na hamon sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, kinakailangang magtulungan ang mga guro, magulang, at mga lider sa edukasyon upang mas maging epektibo ang sistema at mas maihanda ang mga estudyante, hindi lamang sa apat na sulok ng classroom, kundi maging sa labas eskuwelahan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teachers are desperately calling for much-needed reforms in the educational system.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results