PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Malou de Guzman finally lands title role after more than 40 years

Malou de Guzman: “Sinong aayaw dun?”
by Rommel Gonzales
Published Nov 10, 2024
malou de guzman silay
Malou de Guzman says it never crossed her mind to give up acting career fornot getting lead roles: “Walang ganun na give up-give up, hindi, wala. Kasi… iyon nga yung sinasabi, there are no, kumbaga, maliit na papel, ano? Lahat yan… oo, walang small roles, only small talent fees!”
PHOTO/S: Instagram / IMDB

Pagkatapos ng mahigit apat na dekada bilang aktres ay ngayong lang nagbida sa isang pelikula si Malou de Guzman.

Ito ay sa pamamagitan ng advocacy film na Silay, kung saan siya ang gumaganap sa title role.

Sa tagal na niya sa showbiz, umabot ba siya sa puntong nais na sana niyang sumuko o mag-give up at huminto na sa pag-aartista dahil palaging supporting role ang naibibigay sa kanya?

Read: TOTOO BA: Claudine Barretto’s Marina was only supposed to run for 13 weeks?

“No, I don’t mind at all,” sambit ni Malou nang makausap siya ng reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa red-carpet premiere ng Silay noong Oktubre 27, 2024.

“Walang ganun na give up-give up, hindi, wala.

“Kasi… iyon nga yung sinasabi, there are no, kumbaga, maliit na papel, ano?

“Lahat yan… oo, walang small roles, only small talent fees!” at humalakhak si Malou.

Pagpapatuloy pa ni Malou, “Hindi naman lahat ng bagay ay tungkol sa pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At currently naman, I am in a happy place, ayos lang ako. Na nagagawa ko naman ang mga bagay na gusto kong gawin.

“Nakapagtuturo pa rin ako... Iyon nga pala, meron kaming acting workshops.

“Sasamantalahin ko na rin, maliban dito sa Silay, sa Metro Manila Film Festival din, pasok po, kasama po ako doon sa pelikula po ni Vice Ganda, sa And The Breadwinner Is.... Iyon po.”

Incidentally, may entry rin sa MMFF 2024 ang co-star niya sa Silay na si Francine Diaz.

Bida sina Francine at Seth Fedelin sa My Future You ng Regal Entertainment, Inc.

Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries

MALOU DE GUZMAN ON PLAYING THE LEAD ROLE IN SILAY

Going back to Malou, ano ang pressure na ngayon ay siya ang bida sa pelikulang Silay?

“Anong pressure!” at tumawa ang beteranang aktres.

“Sa twenty percent ko ngayon, ituturing ko pa bang pressure ang lahat? Hindi na!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May twenty percent discount sa maraming bagay at serbisyo ang senior citizens na kagaya ni Malou, na ngayon ay 66 years old.

Lahad pa ni Malou, “Hanapin na lang natin ang gift sa bawat moment. Iyong present. Iyon.

“Katulad ng mga producers din na magsusugal sa isang proyekto na makapagdudulot ng, hindi lang kasiyahan kundi ng mga kahalagahan, ng mga certain principle sa buhay.

“Ng mga artista na nakasama ko ngayon lang, pagkakaibigan, samahan. At dahil nga sa pelikulang ito inampon ako ng Bagac, Bataan. Itinuring na akong anak ng Bataan.

“Kaya ayun, masayang-masaya ako lalo pa ngayon, kadaupang-palad ko kayo, na bagamat bumabagyo, nandito kayo.”

silay poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tagal niya sa industriya, sa wakas ay nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa isang pelikula.

“Sinong aayaw dun?” at muling tumawa si Malou.

“Siyempre tuwang-tuwa po ako, papaano ba… masaya ako dahil isang karangalan po iyon, isang... ano ba, pag-affirm, pag-confirm, na tama naman siguro, sa tagal ko, tama naman ang ginagawa ko at may nagtitiwala sa akin para gumanap sa papel na Silay.”

Si Silay ay isang lola, na sa suporta ng apong si Leslie, na ginagampanan ni Francine, ay muling nag-aral ng high school.

MALOU ON CO-STARRING WITH FRANCINE

Tinanong ng PEP.ph si Malou kung ano ang masasabi niya na isang malaking young actress na tulad ni Francine ay masasabing support niya sa Silay.

Saad niya, “Malaking kagalakan po iyon pagkat kung tutuusin… wow!

“Sa edad ko, ‘no? di ba? O ngayon ha, title role!” at muling tumawa si Malou.

“Oo, at talaga ako ay pinalad at kumbaga nagkaroon ng pagkakataon na isang ganitong maningning na artista ang siyang susuporta sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At talagang nagpapasalamat po ako sa pagkakataon and I’m very proud na sa moment na iyon ay kasama ko siya.”

Read: Francine Diaz accepts Silay partly because of her grandmother

Sa mga paaralan ipalalabas ang Silay na mula sa MACE Ascending Entertainment Productions ni Rachelle Umandap at sa direksiyon ni Greg Colasito.

Nasa cast din ng Silay sina Ramon Christopher, Yul Servo, Rob Sy, Long Mejia, Krista Miller, Joni Mcnab, Jervin Mendoza, Rain Perez, at Emilio Garcia. Introducing naman sina Merab Soriano, Russel Umandap, Pao Umandap, at Jopher Martin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malou de Guzman says it never crossed her mind to give up acting career fornot getting lead roles: “Walang ganun na give up-give up, hindi, wala. Kasi… iyon nga yung sinasabi, there are no, kumbaga, maliit na papel, ano? Lahat yan… oo, walang small roles, only small talent fees!”
PHOTO/S: Instagram / IMDB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results