Tagumpay si Miss Vietnam Huynh Thi Thanh Thuy na maiuwi ang Miss International 2024 crown.
Ito ang unang pagkakataong nasungkit ng Vietnam ang korona sa Miss International pageant.
Bakas sa mukha ni Miss Vietnam ang lubos na saya nang tawagin ang pangalan niya at pasahan ng korona ni Miss International 2023 Andrea Rubio.
"I'm the first Miss Vietnam to win Miss International," nakangiting pahayag ni Huynh Thi Thanh Thuy sa kanyang short speech.
Dagdag niya, "Finally I can prove that I deserve all the love and support from my fans in Vietnam and around the world."

First runner-up si Camila Roca ng Bolivia, second runner-up si Alba Perez ng Spain, third runner-up si Sakra Guerrero ng Venezuela, at fourth runner-up si Sophie Kirana ng Indonesia.
Ang kinatawan ng Pilipinas na si Angelica Lopez ay bigong makapasok sa Top 20.
Ginanap ang Miss International 2024 sa Tokyo Dome City Hall sa Japan ngayong Lunes, November 12, 2024.
Read: Binibining Pilipinas 2024 winners
MISS VIETNAM'S WINNING ANSWER
Tinalo ni Miss Vietnam ang 70 contenders ng Miss International 2024.
Mula sa Top 20, pumasok si Miss Vietnam sa Top 8 at sa final Top 5.
Sa question-and-answer portion, tungkol sa edukasyon ang napuntang topic kay Miss Vietnam.
Tanong kay Miss Vietnam, "What has been the most significant global development that affected your generation's education?"
Sinagot ni Miss Vietnam ay ang online learning noong panahon ng COVID-19 pandemic.
Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan
