PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fresh grad complains about PHP40K starting salary; netizens react

Magkano ba dapat ang sapat na starting salary?
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Nov 13, 2024
money pictures
Netizens react to a post by a fresh graduate expressing disappointment over a PHP40,000 starting salary.
PHOTO/S: Canva

Sa panahon ngayon, hindi madali ang makahanap ng trabaho lalo na para sa fresh graduates.

Kaya naman, ang makatanggap ng isang job offer ay malaking biyaya.

Ang tanong: Paano kung ang starting salary ay PHP40,000?

Read: Fil-Aussie John Pearce makes Bahay Kubo famous in Australia

A FRESH GRADUATE’S DILEMMA

Nag-viral ang Facebook post ng isang fresh graduate tungkol sa kanyang unang job offer.

Ganito ang nakasaad (published as is): “First job offer ko ever, pero… 40k lang? Parang ang baba, no? Alam niyo yung feeling? Fresh grad, bagong salang sa job hunting, tapos may offer agad—40k sweldo. Pero parang mababa considering lahat ng pagod at puyat sa school, diba? Worth it ba ‘to o masyado akong nagse-settle?”

first job post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang simpleng tanong ay umani ng samu’t saring reactions from netizens.

Nabuhay din ang usapin tungkol sa isyung magkano ba ang “tamang” starting salary para sa mga fresh graduates.

Read: This tiny house in Siargao withstood a super typhoon in 2021

SAD TRUTH ABOUT PINOY'S SALARIES

Sa comments section, makikita ang mga kuwento at payo ng mga beterano sa trabaho.

Pero para sa ilan, ang kuwento ng pagsisimula sa mababang sahod ay isang malungkot na reyalidad.

Bakit ba tila normal at within the expectations ang pagtanggap sa mababang sahod? At kailangan bang dumaan sa parang butas ng karayon para makuha ang karampatang suweldo?

(Note: All comments are published as is.)

Ang sabi ng isang netizen, “8k nga lang starting ko dati, tapos breadwinner pa ako. Mahigit 5 years ko din pinaghirapan na maging 40k ang sweldo ko.”

Reply ng isa, “it's great that you were able to get there, but we should stop romanticizing the unnecessary struggle. Other countries don't need to struggle to live a comfortable life, it should be the bare minimum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We need to demand more from our employers and government to give us a livable environment and wage where people aren't scraping at the bottom of the barrel just to get by.”

Susog naman ng isa pa, “True, idk why some laugh at the sad truth of our country's system lol. They think its being ‘entitled’ when it ‘should’ have been like that in the first place.”

Pagsang-ayon ng isang netizen, “yes and thats why filipinos need to be united to push through a reformation. It's still within our hands despite feeling like it's out of our control. So voices like the ‘complaining for one's salary’ should not be supressed but heeded as something our country tentatively lacks”

job offer comments 1
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SALARY EXPECTATIONS

Karamihan ay ibinahagi ang maliit na starting salaries niya, at yung iba ay hinikayat ang fresh grad na tanggapin ang job offer dahil mataas na ito kumpara sa iba.

Pagbabahagi ng isang netizen, “8k din starting sahod ko and almost 5 years din na ganon ang sweldo ko, at breadwinner rin ako, pero ngayon sa awa ng Dios umabot na narin ng 40k pero sobrang hirap din Ang pinagdaanan bago nakamit Ang ganyang sahod.”

Reply naman ng isa, “thats great, good for you pero a normal filipino shouldn't be experiencing what you experienced in the first place if only may boses ang mga pilipino to actually complain about their salary which is not really enough ti sustain a family unless you're lucky to land a high paying job (which is not attainable by just anyone).”

employment comments
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba naman, pinupuntong dapat i-manage ang salary expectations, lalo pa sa fresh graduates na mayroong little to no experience.

Anang isa, “Grabe. Yung unang pasok ko sa DepEd, 2012, 14k lang sahod ko. Pamasahe everyday 200 kasi sa interior brgy pa. Tas adviser pa ako ng 30+ students. Wala lang. Share ko lang. Sana all talaga sa 40k.”

employment comment 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa, “I started working as a Nurse in 2016 at 13,500php lang ang offer saken nagstay ako ng 7years at umabot lang ng 30k ang sahod ko Given na wala kapang experience kaya wag muna magdemand”

employment comment 4

Ganito ang komento ng isa pa: “I’m not sure what your profession is, but if you’ve pursued a high-level career, you have every right to look for a job that meets your expectations. Well for a fresh grad in their first job, 40k is already a good salary. Pero for someone with years of experience working, 40k na salary? Siguro mataas yung ganto way back 2015. Lol jk pls always be grateful on what we have oki? Oki!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
employment comment 5

Payo naman ng isa, i-grab na ang opportunity dahil “sakto” na ito para sa isang fresh graduate.

Aniya, “Grab mo na. Considering you're a fresh grad. Sakto lang offer. Tataas din yan once you already have experience. Wag na masyado kuda. Iba nga dito sobrang taas ng pinag aralan. Mga lisensyado pero starting pay 10k up. Pero hindi ibig sabihin non, hindi mo na pinapahalagahan ang sakripisyo mo noong nag aaral ka pa. That's life. Kailangan nating maranasang maghirap. Mula sa ibaba bago pataas. Hindi yung gusto niyo agad sa taas kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
employment comment 6

Ang isa naman, ipinayong mag-abroad na lamang kung hindi makakuha ng satisfaction and contentment sa mga offer dito sa Pilipinas.

Sabi niya, “If you’re not contented, mag abroad ka. My 1st salary was 60k, right after graduation i booked a flight & chased opportunities abroad, no connections, no experience, just courage.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
employment comment 7

EARNING THE SALARY THAT FILIPINOS TRULY DESERVE

Ang isa naman, mayroong mas malalim na insight ukol sa post na ito.

Ang punto niya kasi, ang mga Pilipino ay madali raw makuntento—kahit pa sa mga bagay na obviously ay hindi sapat para sa kanila.

Upang ipahayag ang kanyang opinyon, ginamit niyang halimbawa ang pagkahilig ng mga dayuhan sa pagha-hire ng mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito ang kanyang sinabi: “Even if 40k is already a good starting salary, it's still below what Filipinos should be paid, especially by international employers. Us Filipinos deserve much higher pay like the ones who do the same amount and quality of work but get paid so much higher in other countries. 40k is good in comparison, but globally? It's terrible. It's why international companies love hiring Filipinos, kasi para sa atin, ang laki na ng 40k. Pero parang wala lang yan sa kanila.”

employment comment 7
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A CALL FOR CHANGE

Sa kabuuan, ang post ay simpleng tanong para sa fresh grad, pero malungkot na paaalala sa kasalukuyang kondisyon ng mga manggagawang Pilipino.

Para sa fresh graduate, ang pagtanggap sa “mababang” sahod na ito ay tila hindi sapat sa lahat ng kanyang pagod at pagsisikap sa pag-aaral.

Para naman sa mga nakatatanda, ang sahod na 40k ay mistulang isang pangarap na nakamit lamang nila pagkatapos ng ilang taong paghihirap at sakripisyo.

Sa ibang bansa, ang pagiging komportable at pagkakaroon ng sapat na kita ay isang karapatan at hindi pribilehiyo.

Kaya hindi rin nakapagtatakang marami ang nangingibang bansa at isinasakripisyo ang pinag-aralan para sa blue-collar job na mas mataas ang pasahod.

Meron din namang mga kaso ng mga nagsipagtapos, dumiskarte, nagtayo ng negosyo, at umunlad.

May ilang kaso rin ng mga hindi nakatapos pero nagsumikap kaya umasenso.

But generally speaking, mababa ang sahod sa Pilipinas.

We still have a long way to go when it comes to the employment system.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa tao na lamang kung ano ang gagawin sa sitwasyong ito—tatanggapin na lang ba? O magrereklamo at maghahanap ng mas magandang oportunidad?

Ang pagpi-flex ay hindi option.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to a post by a fresh graduate expressing disappointment over a PHP40,000 starting salary.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results