Roxanne Guinoo says being daring is not a sign of rebellion

by Julie E. Bonifacio
Jul 22, 2008
"Sa mga criticisms and all, wala naman akong pakialam dahil hindi naman yung ibang tao yung nagbibigay ng pressure sa akin sa sarili ko. And hindi ko kailangang i-prove yun sa ibang tao. Wala akong kailangang patunayan na alam mo yun? Kumbaga, sabihin nila na ganito ka, ganyan ka, hindi. Ako magpu-prove noon sa sarili ko," says Roxanne Guinoo.


Nagrerebelde diumano ang young actress na si Roxanne Guinoo kaya siya pumayag na mag-pose nang topless sa cover ng isang men's magazine. Bukod dito, marami rin ang nakapansin sa mapupusok na eksena ni Roxanne sa kanyang afternoon soap sa ABS-CBN, Ligaw na Bulaklak.

Sinagot ni Roxanne sa The Buzz last Sunday, July 20, kung totoo nga ba na nagrerebelde siya kaya nagiging mapangahas na siya ngayon sa kanyang mga ginagawa.

"Hindi po," tanggi ni Roxanne habang kausap ang mga host na sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez. "Kasi wala naman akong reason para magrebelde. Ang akin, hindi yun ang magiging basis ko kung mag-Maxim ako na ganun personality meron ako. I did it because hindi basta naghubad lang. Yun lang.

"And sa mga criticisms and all, wala naman akong pakialam dahil hindi naman yung ibang tao yung nagbibigay ng pressure sa akin sa sarili ko. And hindi ko kailangang i-prove yun sa ibang tao. Wala akong kailangang patunayan na alam mo yun? Kumbaga, sabihin nila na ganito ka, ganyan ka, hindi. Ako magpu-prove noon sa sarili ko."

Continue reading below ↓

Hanggang saan ang kaya niyang gawin?

"Tingin ko, Tito Boy, yun na ang pinaka-ano, e, yun na ‘yon. And ayoko ring magsalita na tapos na o hindi. Pero as of now, ‘yan pa lang muna and wala naman akong plans na ano, alam mo yun?"

Sa gitna ng kontrobersiya sa mapangahas na desisyon ni Roxanne na pagpayag sa cover nang topless, ano ang naging reaksyon ng pamilya niya?

"Kinabahan sila," sabi ni Roxanne. "Parang gusto nila tanggalin lahat ng bulaklak sa garden! Kasi every time na nakikita nila, naaalala nila na yun lang ang nakatakip sa anak ko. Pero very supportive sila and, of course, naunawaan naman nila. And in-explain ko naman na trabaho lang yun."

"Masaya ba ang puso mo ngayon?" tanong sa kanya ni Boy.

"Ah, masaya po. Ang puso ko, nagtatrabaho," sagot ng dalaga.

ROXANNE'S SUITOR. Inamin din ni Roxanne na may nanliligaw sa kanya, pero pinigilan din niya agad. Bagamat mabalis na kumalat sa ABS-CBN na nagiging malapit siya ngayon sa TV and commercial director na si GB San Pedro.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Ruffa, as of last Sunday, ay binasted na ni Roxanne si Direk GB, na siya ring nagdidirek ng morning show nina Boy at Kris Aquino na Boy & Kris.

"Marami naman po akong mga kaibigang direktor. Pero siyempre, si Direk GB po matagal ko nang kaibigan," sabi ni Roxanne.

Mariin pang sinabi ni Ruffa na it's true na binasted na ni Roxanne si Direk GB.

"Hindi po," tanggi naman ni Roxanne. "Ako, nirerespeto ko po si Direk. Sinabi ko na ayokong magpaasa ng tao. Hindi ako nag-basted."

Patuloy pa bang nanliligaw sa kanya si Direk GB?

"Lumalabas naman po kami as a group, e. Kasi yung handler ko, kaibigan niya, pati ‘yan si Direk Jay [kaibigan ni Direk GB at floor director ng The Buzz] kasama. Talagang sinabi ko naman na magkaibigan na lang kami. ‘Tsaka ayoko rin po, e.

"Ayokong pabayaan ang trabaho ko and nandun yung focus ko sa trabaho. So, kung papatulan ko yung mga ganyan, baka mawala yung concentration ko," paliwanag ni Roxanne.

Continue reading below ↓

Tinukso ni Ruffa si Roxanne na hindi kaya ang dahilan ay dahil mahal pa rin niya ang ex-boyfriend niya na si Jake Cuenca?

"Hindi po," ngiti ni Roxanne.

Nagbiro pa si Ruffa na baka ang type ni Roxanne na lalaki ay yung maginoo pero bastos.

"Ay, hindi naman po! Yung mga 'mukha lang', pero matino," sabi naman ng young actress.

Pinapili naman ni Boy si Roxanne between a rich guy na hindi guwapo at guwapo na mahirap.

"Ay, yung responsable po," sagot ni Roxanne.

Sinabi ni Boy na hindi kasama doon ang pagiging responsible nung guy.

"Sayang ang lahi, Tito Boy, kapag pumili ako ng pangit! Pero ewan ko, wala muna!" natatatawang sabi ni Roxanne.

Read Next
Read More Stories About
Roxanne Guinoo, Jake Cuenca
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa mga criticisms and all, wala naman akong pakialam dahil hindi naman yung ibang tao yung nagbibigay ng pressure sa akin sa sarili ko. And hindi ko kailangang i-prove yun sa ibang tao. Wala akong kailangang patunayan na alam mo yun? Kumbaga, sabihin nila na ganito ka, ganyan ka, hindi. Ako magpu-prove noon sa sarili ko," says Roxanne Guinoo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results