Hinahangad ni Jon Santos na mabigyang-buhay si “Olivia Rodrigo Duterte.”

“Hindi ko alam kung papaano ko gagawin,” bungad ni Jon.
Humarap si Jon sa mediacon ng forthcoming concert niyang Naughty & Nice: Jon Santos Is Coming To Town, nitong Nobyembre 15, 2024, Biyernes sa Borro restaurant, Sct. Borromeo St., Quezon City.

Pinaghahandaan ni Jon ang pasabog na impersonation at sketches na gagawin niya sa concert.
Isa sa natalakay sa mediacon ay kung gagawan niya ng parody ang mash-up na Olivia Rodrigo at dating Pangulong Rodrigo, na naging meme dahil magkaapelido.
Read: Olivia Rodrigo amazed by Filipinos' singing skills
“It’s so flattering, yung kanyang naging annoucement ba na may donation siya sa mga kababayan. Ang kanyang mga audience yung mga bagets," tukoy ni John kay Olivia na nagkaroon ng benefit concert sa bansa noong October 5.

Natatawang patuloy niya, "Kailangan lang ng ibang set ng personal trainor at saka stylist. Ha! Ha! Ha!
“Buti na lang, dumami yung naging kaibigan natin sa drag universe na alam na alam yung latest na innovation sa pag-create ng drag magic na iyan.
“Si Olivia. Ha! Ha! Ha! Pero minsan, gusto mong, ‘Ay! Kailangan, si Olivia Duterte… ay! Olivia Rodrigo. Kailangan si Olivia Rodrigo, nasa repertoire!’"
Depende pa rin daw sa trending issue bago ang kanyang concert para patok at relevant sa mga manonood.
“Maya-maya, may ibang puputok sa balita, e, two hours lang ang show mo. Kailan ang Miss Universe?
“Pag nanalo tayo sa Miss Universe, tanggal ang script. Ha! Ha! Ha! Pag nanalo tayo sa Miss Universe, rewrite!!! Rewrite, rewrite.
“Kasi, iba rin naman ang Pinoy tumangkilik ng Miss Universe. Very close to our hearts ang pagsuporta natin sa lahat ng ating mga candidates."
Nagsampol pa si Jon ng puwedeng skit kung manalo ang pambato ng Pilipinas, si Chelsea Manalo, sa Miss Universe na gaganapin sa Mexico, Linggo, November 16 (Philippine time).
“So magkakaroon tayo ng monologue siguro about her. Sino mga dinatnan niya dun, sino roommate niya?
“Yung roommate ko, kain nang kain. Si Miss Hungary. Oo, kinain nga niya yung isang candidate, si Miss Chile, e…
“So depende, kung manalo tayo. So hangga’t mayroong character na lumalabas sa balita na meron tayo, to answer your question, ano ang criteria, di ba?
“Popularity meter, at saka feelings ng manonood. Kasi kasama din yung hate na hate na hate! Kasama din yung love na love na love.
“So kung sino minsan yung matindi ang reaction, nakaka-challenge i-portray. Hindi laging madali.”
Read: Miss Universe 2024 candidates wearing Filipino creations
JON TO SING BINI'S "CHERRY ON TOP"
Ang Naughty & Nice: Jon Santos Is Coming To Town ay gaganapin sa Disyembre 7, Sabado ng 8:00 P.M. sa Samsung Hall ng SM Aura Premier, BGC, Taguig City.
First ever Christmas concert ito ni Jon at pakiusap niya, “Nagsi-singer-singer-an po tayo. Sana po, pagbigyan ninyo ang paminsan-minsang sharp at flat.”
Kaabang-abang ang mga first time na ipapakita niya rito.
Kasama raw sa repertoire niya ang "Cherry On Top" ng P-pop group na BINI.

“First time kong mag-memorize ng Cherry on Top,” mabining pagyuko ni Jon.
“Napakahirap. Andaming words!”
Meron ba siyang gagayahin sa BINI?
“Siguro, BINIbae! Ano pa ba, surprise yung iba. And a little, something for everyone,” sambit ni Jon.
Ang siniguro niya ay pupunuin niya ang concert ng maximum entertainment.
Paliwanag ni Jon: “There’s drag, there’s impersonation, there’s lip synch, there’s live [numbers], there are stars, there are guests.
“There’s a lot more Jon, and a lot more singing. Happy ako na I get to… kasi, naging teacher ko na rin sa pag-awit yung aking direktor, si Sweet Plantado Tiongson."
Gusto ni Jon makagawa ng fun and entertaining show na iba naman sa mga seryoso niyang pagganap sa musicals.
“And like I said, kasabayan ko and madalas kong maka-work ang The Company din. They’ve been very encouraging.
“Kaya rin siguro ako naglakas ng loob na mag-audition sa musical theatre pieces the last decade—From Rak of Aegis, [Ang Huling] El Bimbo [to] Bituing Walang Ningning The Musical, Ako Si Josephine..."
Dagdag pa ni Jon patungkol sa kanyang concert: "And now I get to do a little more of this.
“Pero quota po tayo sa false eyelashes, high heels, gowns. At siyempre nakaplantsa na ang mga panyo.
“Kasi maraming nagtatanong na…”
Read: BINI embraces positive life shifts after phenomenal stardom
JON SANTOS ON IMPERSONATING VILMA SANTOS
Kung may panyo, swak na swak na riyan ang eternal favorite niyang Star For All Seasons Vilma Santos.
May pasampol ulit na impersonation si Jon sa puntong ito.
Tumikwas nang slight ang kilay ni Jon, “Sabi nga nila, ‘How do you choose your characters?’ The characters always have something new to share, di ba?
“Ano bang hindi puwedeng pag-usapan ni Ate Vi? Family life, political life, showbiz life, mother’s life. Grandmother’s life, di ba? Tuwang-tuwa po ako…
“Kagaya ng kumare ko, kung meron pong [Isang] Himala sa film festival, I’m very happy, meron po akong Uninvited. Suportahan po ninyo."
Ang Uninvited ay Metro Manila Film Fest entry kunsaan tampok si Vilma.
Patuloy ni Jon na paggaya kay Vilma: “If you don’t want to support it, at least give it your support. And magkita-kita po tayo sa sinehan sa festival, di ba?
“I’m so happy na nagiging hands on na nagiging bahagi ako ng buhay ng aking apo. Tumulong akong pumili ng pangalan, e… Peanut.
“Iba-iba yun, inisip nila, Almond kaya? Ahhmm Pistachio. Sinuggest pa ni Luis, Cashew. Ba’t naman pangalan ng calculator ang pangalan ng apo ko? Ba’t naman Cashew?
“I really hope, ma-assure ko ang mga Vilmanians na hindi ko papabayaan ang aking movie career at patuloy akong gagawa ng films para sa kanila…
“It’s for everyone, every generation, every branch and every chapter ng Vilmanians.
“Kasi, di ba, may Loyal Vilmanians, may Solid Vilmanians, Liquid, merong Gaseous Vilmanians. Senior Vilmanians.”
ON IMPERSONATING NORA AUNOR and vilma santos
Natanong din si Jon kung na-impersonate niya si National Artist na Nora Aunor, aka Ate Guy.
“Madalas din. Saka nag-present na kaming sabay sa isang filmfest awards night many years ago,” tugon ni Jon.
“Yung Ate Vi character ko, isa sa lagi niyang sinasabi that, ‘I am a Noranian.’”
Nagalit ba ang Noranians nang i-impersonate niya ang Superstar?
Mabilis na umiling si Jon, “Hindi! Si Vilma ang nagalit. Kasi nauwi ako ni Ralph [Recto] by mistake. ‘Pag yan, naulit pa, Jon, magkakagalit na talaga tayo!’”
Nagbibiro lang siyempre si Jon, na isang certified Vilmanian.
Pagbabalik-tanaw ni Jon kay Ate Vi, “Yung unang-una niyang campaign, I was very honored, na-invite ako to be part of the line-up ng artists na nag-campaign.
“Unang-unang campaign for mayor ng Lipa!”
Hindi nauubusan si Jon ng materyal pagdating kay Vilma.
Pagmamatwid niya, “Gaya ng sinabi ko kanina, she will talk about motherhood; she will talk about grandmotherhood. She will talk about politics; she will talk about public service.
“She will talk about love; she will talk about heartbreak. She will talk about awards; she will talk about fame. She can talk about finding love again.
“She will talk about critics. Hindi siya nauubusan ng anggulo sa akin, and I have a feeling she’s going to be in the limelight for a very, very long time in both worlds.
“And hangga’t kasya yung costumes, why not? Nagdaan tayo sa gown stage niya, sa long gown stage, sa business suits stage, sa barong dress stage.
“It’s fun, and she’s beautiful. Napakasarap marinig na paminsan-minsan, may nagsasabing, ‘Kahawig mo nga!’ Ang sarap!
“Natuto rin akong gumamit ng Eskinol.”
Basta nandiyan ang mahiwagang panyo, ambilis sumanib kay Jon ang persona ni Vilma.
“Medyo nakakasama po ng loob na minsan, you know, si Luis talagang he just gets dismissed as, ‘Ano ba naman ang puwedeng gawin niyan? Wala naman siyang ginawa kundi kumanta at magpatawa sa harap ng mga tao.’
“Napakasakit po pag naririnig po natin yan. Kasi, alangan namang siya ay sumayaw, kumanta at magpatawa sa harap ng mga hayop, hindi ba?
“Maliban na lang kung sa mga… siguro sa mga tuta, sa mga kuting pero huwag lang sa mga biik, kasi baboy na yun. Hindi ba?
“And ang masasabi ko lang po, aasahan ko na ipagpatuloy niya — kung magpatuloy man siya pong maglingkod — yung akin pong mga advocacies.
“Ang isa na po riyan ang education, sa pakikipagtulungan sa mga La Salle brothers ng Batangas. It’s a Sister Stellasalle Educational Project.
“Lalabas po yung mga textbooks inspired by a lot of my movies. Halimbawa sa geology, Bato sa Buhangin.
“Sa religion, di ba, Ipagpatawad Mo. May sequel din yun, Sinasamba Kita. Yes.
“May textbook din, ang title, Extra. For extracurricular activities. Saka Miss X, yung for algebra. Kasi in algebra we are always in search of x.
“Ang amin pong mga subject, inspired po ng mga pelikula natin. Ang P.E., Takbo, Vilma, Dali. Sa swimming, Dyesebel.
“And sa reproductive health, siyempre, Bata, Bata… Huwag Munang Gumawa.
“And awareness of reproductive health for young women, siyempre Tagos ng Dugo.
“And for boys naman, hindi po textbook, video. Director’s Cut.
“Ang masasabi ko lang po, in closing, on behalf of Luis and Christian, and kaming mga medyo nakakatanggap ng hindi lang minsan, may mga critical na feedback, ganyan…
“The family that prays together, stays together. And the family that runs together, gets criticized together.
“Basta I am sure, we will stay together. Thank you so much at magandang-magandang araw po sa inyong lahat. Thank you.
“Thank you, Vilmanians. Thank you, constituents.”
Panauhin sa Naughty & Nice: Jon Santos Is Coming To Town sina Ice Seguerra, Viñas DeLuxe, at ang Apo Hiking Society.
Mabibili ang tiket sa SM Tickets at Ticket1 branches nationwide.
