PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Diaz to co-produce family drama movie starring Zanjoe Marudo

It's inspired by the Thai movie How To Get Millions Before Grandma Dies.
by Rose Garcia
Published Nov 18, 2024
Ogie Diaz to co-produce family drama movie How To Get Away From My Toxic Family
Ogie Diaz on wanting Zanjoe Marudo to headline How To Get Away From My Toxic Family: "Hindi namin kayang mag-CGI, hindi namin kayang mag-effects. E, di, gumawa tayo ng magandang kuwento. So, si Zanjoe ang pinaka-poste namin dito."
PHOTO/S: Rose Garcia / @_renzonavarro via @onlyzanjoemarudo Instagram

Muling pinasok ni Ogie Diaz ang pagpoprodyus ng pelikula. Siya ang executive producer ng How To Get Away From My Toxic Family ng OgieD Productions.

Pormal itong inanunsiyo ni Ogie sa pamamagitan ng isang mediacon na ginanap sa Max’s Scout Tuazon noong November 10, 2024.

Si Zanjoe Marudo ang bida sa pelikula.

Ayon kay Ogie, sa "yes" ni Zanjoe nakasalalay ang mga sumunod nilang hakbang sa pagbuo ng proyekto.

"Kinausap na namin siya noong una, e, um-oo na siya.

"So, saka pa lang kami magdi-discuss kung ayaw ni Zanjoe. E, si Zanjoe, umoo agad,” lahad ni Ogie.

Dugtong din niya, "So, si Zanjoe ang pinaka-poste namin dito.

"Kahit si Zanjoe, binabasa pa lang niya ang script, umiyak na siya. Kaya ang gusto niya, mag-workshop. Kaya humingi siya ng workshop.

"Gusto niya, naka-in-character na siya. Kaya sila [na cast members], kapag nagtatawagan, by character names na nila.”

Naghanap daw sila ng cast na masasabing magkakahawig para mas convincing na magkakapamilya sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Zanjoe, nandiyan sina Susan Africa, Richard Quan, Keena Pineda, Lesley Lina at Juharra Asayo. Ang director ay si Law Fajardo.

How to get away from my toxic family starred by Zanjoe Marudo
Photo/s: Rose Garcia

Read: How Ogie Diaz resolved conflict with Vhong Navarro who disliked him two decades ago

INSPIRED BY THAI MOVIE

Family drama ang tema ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin naman ni Ogie na naging inspirasyon ng proyekto ang box-office hit na How To Get Millions Before Grandma Dies ng Thailand.

"The title suggests, How To Get Away From My Toxic Family, so do’n sa end niyo makikita yon.

"Mabigat, pero [ang punto ng movie] naiintindihan ko ba si Zanjoe or ayoko sa kanya sa naging desisyon niya?

"Kaya kahit siya, nakikipagtalastasan din ng idea."

Si Ogie raw ang namili ng materyal.

Mayroon din daw siyang co-producers, pero mas gusto raw niya na siya ang nakaharap.

Paano niya napili ang script na isinulat ni John Bedia?

"Di ba, reporter ako. Nag-iinterview ako. Tapos, tungkol sa family. Problema sa pamilya. Parang napag-isa-isa ko na sila.

"Yun ang diniscuss ko kay Ethel.

"Hindi namin kayang mag-CGI, hindi namin kayang mag-effects. E, di, gumawa tayo ng magandang kuwento.

"Kaya kung titingnan ninyo, ang mga artista namin, hindi siya sobrang mga kilala talaga. Pero, magagaling umarte."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung tutuusin, halos nasubukan na ni Ogie ang iba’t-ibang “role” sa industriya. Mula sa pagiging reporter, showbiz magazine editor, TV host, komedyante, talent manager, vlogger at ngayon naman, movie producer.

Bilang isang movie producer, alam ni Ogie na sa sampung pelikulang ipinapalabas sa mga sinehan, mapalad na ang dalawa hanggang apat ang talagang kumikita.

Handa rin ba siya, sakali man, sa ganitong senaryo?

"Ay, oo naman, siyempre,” saad niya.

"Bakit mo naman isasangla ang bahay mo, uubusin ang pera mo. Para kang nagsugal dito.

"Pero sabi ko nga kay Ethel, ‘Ethel, magawa ko lang ‘tong pelikulang ‘to, salamat sa Lord dahil kumita. Kung hindi man, ang target din namin maka-Netflix.

"Alam mo naman, kapag napanood ka sa Netflix, parang tumataas ang premium mo, di ba? E, sila rin naman gusto rin nilang mapanood sa Netflix.

"And I’m sure, tatanggapin din ito sa Netflix balang-araw. Pero mas maganda, yung experience kapag napanood niyo sa mga sinehan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipapalabas ito sa January 22 sa SM cinemas.

Pero nitong November 11 pa lamang sila nagsimula ng shooting.

How to get away from your toxic family cast pictorial
Photo/s: @onlyzanjoemarudo Instagram

Read: Ogie Diaz recalls how his "miracle baby" almost didn't survive four years ago

OGIE DIAZ MILESTONES

May pangarap pa ba siyang hindi pa niya nagagawa?

Ayon naman kay Ogie, “Una, noong nagsisimula naman ako, 16 years old, gusto ko lang maging reporter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, noong naging reporter ako, nabigyan ako ng chance na maging voice over announcer, hanggang maging segment host. Kasama ko si Ethel Espiritu.

"Ako ang segment host niya sa Showbiz Linggo noong 1992 hanggang 1998.

"Tapos, Cristy Per Minute, 1995, naging radio announcer sa DZMM. So, lahat nadaanan ko.

"And natutuwa naman ako, kahit hanggang first year college lang ako, e, alam mo yon, higit pa sa college graduate yung na-achieve ko.

"Kaya isang criteria for judging ‘ika nga, yung marunong kang makisama. Hindi ka manloko ng kapwa para maluwag ang grasya sa sa ‘yo.

"Kaya kapag merong umaaway sa akin, sila lang ang umaaway, hindi na sila pinapangalawahan.”

Sabay hirit ni Ogie, “Ang mga na-achieve ko pa, five libel cases. Yung tatlo, dismissed. ‘Di ba, ang cute? Nakakatuwa. Dalawa na lang,” natawa niyang sabi.

Diin ni Ogie, hindi panay saya ang nararanasan niya sa buhay.

"Kinukuwento ko ‘to kasi, may mga achievements ako sa work, meron din akong mga problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero part ng pagiging reporter natin ang libel cases. Hindi tayo nakakawala sa ganyan.

"Pero, hindi naman para matuhog tayo diyan or dibdibin natin yan. E, parte nga yan ng mga pagsubok sa buhay. Basta wala kang tinatapakan."

May pangarap pa siyang gustong abutin?

"Hindi ko alam, hindi kasi ako... hindi ko nga alam na mararating ko ‘to, gusto ko lang maging reporter.

"Tingnan niyo naman, meron akong show sa TV5," tukoy niya sa show na Quizmosa.

"Aarte ka pa ba?,” pagtatapos ni Ogie.

Read: Susan Africa: From sheltered kolehiyala to beauty queen to veteran actress

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz on wanting Zanjoe Marudo to headline How To Get Away From My Toxic Family: "Hindi namin kayang mag-CGI, hindi namin kayang mag-effects. E, di, gumawa tayo ng magandang kuwento. So, si Zanjoe ang pinaka-poste namin dito."
PHOTO/S: Rose Garcia / @_renzonavarro via @onlyzanjoemarudo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results