Ikinasal na ang Ben&Ben keyboardist na si Pat Lasaten at lead bassist na si Agnes Reoma.
Mismong si Pat ang nagsapubliko sa naganap na pag-iisang dibdib nila ni Agnes sa Los Angeles, California, nitong Lunes, November 18, 2024.
Parehas na nakasuot ng puting wedding gown ang dalawa nang mangako silang aalagaan at mamahalin ang isa't isa.

Bakas din sa Instagram post ni Pat ang kanyang kasiyahan na sa wakas ay iisa na sila ngayon ng kanyang asawa—si Agnes na itinuturing din niyang "best friend."
Mababasa sa caption ng IG post ni Pat, kalakip ang ilang kuhang litrato nila ni Agnes sa naganap nilang kasal: "I married my best friend. It was a perfect day.
"There is so much to be said about yesterday, but one of most important things that will stay with me is this; we’re so blessed to be loved like this by our families and friends.
"I will love you forever, @agnesreoma."
PAT AND AGNES' WEDDING GUESTS
Intimate ang kasal nina Pat at Agnes na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Kabilang na rito ang kanilang mga kabanda sa Ben&Ben na sina Paolo at Miguel Benjamin, drummer na si Jam Villanueva, at percussionist na sina Toni Muñoz at Andrew De Paon.
Read: Ben&Ben's new single "TOTWOL" based on vocalist Paolo Guico's past heartbreak
PAT AND AGNES LOVE STORY
Noong December 31, 2022 nang isapubliko nina Pat at Agnes ang kanilang engagament na nangyari pa noong July 2022 matapos ang mahigit walong taon nilang relasyon bilang magkasintahan.
Noong 2014 nang magkrus ang landas nina Pat at Agnes nang ipakilala sila sa isa't isa ng isa sa kanilang common friend.
Read: Ben&Ben releases statement about FEU Diliman gig mishap with Dwta
