Boses niya mismo ang ginamit ni John Arcenas sa pelikulang IDOL: The April Boy Regino Story kung saan siya ang gumanap bilang music icon na si April Boy Regino.

“Lahat po, boses ko po yun,” saad ni John.
Isasali sana ang naturang pelikula sa 50th Metro Manila Film Festival pero hindi ito pinalad mapili.

Ano ang naging saloobin ni John tungkol dito?
“Sa akin po okay naman po kung saan po mapunta yung pelikula.
“Kasi siyempre unang-una sa lahat ipinasa-Diyos ko na kung saan mapunta, talagang naniniwala po akong may plano,” ang nakangiting pahayag ni John.
Aminado naman ang young actor na kahit papaano ay nalungkot siya sa hindi pagkapasok ng pelikulang pinagbibidahan niya sa sampung official entries sa MMFF sa Disyembre.
“Oo naman po, siyempre, malaking ano iyan.”
Napaaga ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan sa Nobyembre 27.
Alaga si John ng talent manager na si Tyron Escalante ng Tyrone Escalante Artist Management o TEAM.
Lahad ng aktor, “Actually po naging inspirasyon siya sa akin, lalo na nung mapasok ako, tapos nakita ko ang mga kasama ko, Jane de Leon, Kelvin Miranda, Alexa Miro.
"Marami pong malalaki kaya parang naging challenge siya sa akin na kailangan hindi ako basta-basta.
“Kasi yung mga artista ni Sir Ty, e, talagang mahuhusay.”
JOHN's EARLY YEARS IN SHOWBIZ, IDOLS
Nagsimula si John sa showbiz sa I Can See Your Voice na programa sa ABS-CBN na ang host ay si Luis Manzano.
Read: Luis Manzano says daughter Rosie inherited a "Manzano trait"
“Wala pa po, parang… nag-audition lang po ako.”
Napili ba siya?
“First po akong napili kaya natanggal agad,” at natawa si John.
Sino ang idol ni John bukod kay April Boy?
“Si Sir Gary V po,” bulalas niya.
Si Gary Valenciano rin pala ang paborito ng parents ni John.
Read: Gary Valenciano not yet retiring, but limiting big-venue concerts
“Simula bata pa lang po ako iyon yung tinuturo sa akin ng magulang ko and parang ang galing niya kasing kumanta, laging may puso.”
Sa mga artista, sino ang paborito ni John?
“Mahilig po ako sa mga character actors, e. Si Sir John Arcilla.”
Nais niyang makatrabaho si John.
“Ay, opo! Tapos, meron pa po ako, si Sir Dingdong Dantes, kasi ang galing din.”
john reveals SEXUAL HARASSMENT incident
Samantala, kalat sa showbiz ang sitwasyon ng sexual harassment, at kabilang raw si John sa nakaranas nito noon.
Aniya, “Actually meron po, nung nagsisimula pa lang po ako, may mga nag-a-approach po sa akin for indecent proposal, message and personally.
“Ano po, kinausap lang po ako personally, galing po kasi ako dati sa I Can See Your Voice, tapos nung pagkalabas ko po dun parang after the show, may mga mag-i-interview…”
Unang kilala niya pa lang doon sa tao may indecent proposal agad?
“Hindi naman po indecent, parang maayos naman po yung ano.
“Wala po, hiningi lang po yung number ko, sa message na po.
“Tapos sa message na lang yung ano, parang sabi, ‘Puwede ba kitang i-meet sa condo ko?’ Ganun.”
Ano ang isinagot ni John?
“Ang una po nun sabi niya po, ‘Di ba gusto mong magka-manager?’ ganyan.”
Hindi siya pumunta sa condo?
“Hindi po. Sabi ko po… actually, parang tinest ko po siya, sabi ko, ‘Ay sige po, sama ko po yung parents ko.’
"Tapos sabi niya, ‘Ay huwag muna, sa susunod na lang na kita natin, puwede ikaw muna?’
“Hindi ko na po siya ni-reply-an.”
JOHN DEBUTS AS LEAD ACTOR
Unang pagbibida ni John sa IDOL: The April Boy Regino Story na mula sa Premiere WaterPlus Productions at executive producer na si Marynette Gamboa.
Ano ang pinakamahirap na eksena ni John sa pelikula?
“Ang pinaka-challenging na eksena po sa akin dito is yung nagalit siya sa Diyos,” pahayag ni John.
“Nagkasakit na po siya, kasi grabe po yung sakit niya e, tatlong sakit yung nakuha niya, very, very emotional.
“Tapos, yung preparation ko din po dun, nag-workshop po ako, nag-personal workshop pa din po ako para gusto ko pong ma-achieve kung ano yung gustong sabihin nung eksena,” sinabi pa ni John.
Sa direksyon ng character actor na si Efren Reyes Jr., nasa pelikula rin si Kate Yalung bilang si Madelyn Regino na gumaganap bilang misis ng yumaong singer.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John noong October 29, 2024, sa special screening ng pelikula sa Conrado Baltazar Theater sa Mowelfund building sa Quezon City.
