PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mary Jane Veloso to come home to Philippines, says Malacanang

...14 years since she was convicted in Indonesia.
by Bernie V. Franco
Published Nov 20, 2024
Mary Jane Veloso
Matapos ang 14 years na pagkakakulong sa Indonesia, makakauwi na sa wakas ang Pilipinang si Mary Jane Veloso, na nahatulan ng "guilty" at nasentensiyahan ng death row sa kasong drug trafficking.
PHOTO/S: International Commission of Jurists

Malapit nang umuwi sa Pilipinas si Mary Jane Veloso matapos ang 14 years na pagkakakulong sa Indonesia.

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Bongbong Marcos nitong November 20, 2024, ulat ng Presidential Communications Office website.

Si Mary Jane ang Overseas Filipino worker (OFW) na hinatulan ng kamatayan ng Indonesian government noong 2010 matapos makita ang 2.6 kilo ng heroin sa kanyang maleta sa Adisucipto International Airport sa Yogyakarta, Indonesia.

“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” anang Pangulo.

Pinasalamatan din niya si Indonesian President Prabowo Subianto at ang gobyerno ng Indonesia for their “goodwill.”

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ang kaso ni Mary Jane ay sumasalamin sitwasyon ng maraming Pilipino.

“Mary Jane’s story resonates with many: a mother trapped by the grip of poverty, who made one desperate choice that altered the course of her life. While she was held accountable under Indonesian law, she remains a victim of her circumstances,” sabi pa sa statement ng Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Call to free OFW Mary Jane Veloso widens, rings loud via art

THE CASE OF MARY JANE VELOSO

Si Mary Jane ay isa sa maraming Pilipinong nagdesisyong magtrabaho sa ibang bansa para makatulong sa pamilya.

Inalok siya ng kaibigang si Maria Kristina Sergio, isang recruiter, na maging domestic helper sa Malaysia.

Subalit pagdating sa Malaysia, sinabihan siya ni Sergio na hindi na available ang trabaho, pero may na-arrange na isa pang trabaho para kay Mary Jane.

Habang nag-aantay ng update tungkol sa bagong trabaho, nagyaya si Sergio na magpunta muna sila sa Indonesia para sa isang linggo bakasyon.

Noong April 25, 2010, dumating sina Mary Jane sa Adisucipto International Airport.

Nang i-check ang bagahe ni Mary Jane, natuklasan dito ng airport officials ang 2.6 kilo ng heroin.

Itinanggi ni Mary Jane na sa kanya ang droga sa maleta.

Ayon sa National Union of People’s Lawyers, ito ay isiniksik ng kapatid ng boyfriend ni Sergio nang hindi nalalaman ni Mary Jane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang paglilitis kay Mary Jane sa Sleman District Court sa Yogyakarta noong October 4, 2010.

Nahatulan siya ng “guilty” at parusang kamatayan noong October 11, 2010.

Nakatakda siyang bitayin noong April 29, 2015.

Kasunod nito, umapela ng clemency sa Indonesian government si Pangulong Noynoy Aquino noong Pebrero 2015.

Posible raw kasing gawin na state witness si Mary Jane sa kasong human trafficking.

Noong April 28, 2015, isang araw bago siya bitayin, sumuklo ang recruiter niyang si Maria Kristina Sergio sa Nueva Ecija Police Station.

Hinatulan si Sergio at ang kanyang live-in partner ng human trafficking, illegal recruitment, at estafa.

Naipagpaliban ang pagbitay kay Mary Jane pero nanatiling nakapiit siya sa Indonesia.

Noong Mayo 2023, ginanap ang ASEAN Summit sa Indonesia at tinalakay ni President Bongbong Marcos ang kaso ni Mary Jane kay Indonesian President Joko Widodo.

Dito ay hiniling ng Pangulo kay Widodo na bukod sa clemency ay mabigyan ng extradition si Mary Jane para tapusin sa Pilipinas ang kanyang sentensiya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong January 2024, nagkaroon ng three-day state visit si Widodo sa Pilipinas at sinabi nito kay Pangulong Marcos Jr. na muling susuriin ng Indonesian government ang kaso ni Mary Jane.

Read: Fresh grad complains about PHP40K starting salary; netizens react

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang 14 years na pagkakakulong sa Indonesia, makakauwi na sa wakas ang Pilipinang si Mary Jane Veloso, na nahatulan ng "guilty" at nasentensiyahan ng death row sa kasong drug trafficking.
PHOTO/S: International Commission of Jurists
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results