PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto explains "multi-tasker" assistant job

Claudine: "Ayusin lang schedule namin dahil may personal assistant na ako."
by Arniel C. Serato
Published Nov 21, 2024
Claudine Barretto exlains about new assistant job
Actress Claudine Barretto clarifies post about "multi-tasker" personal assistant: "So anong mahirap sa work na rine-require ko if 6 am alis ng kids at mga 4 to 5 pm balik. Sana bago mag-complain, mag-isip muna, kaya tayo d umuunlad d pa nagwo-work ang dami ng complain. At may CPA po ako for my BIR. Important lang inire-report magkano nagastos sa buong week."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sinagot ni Claudine Barretto ang isang netizen na nag-comment sa kanyang post tungkol sa paghahanap ng aktres ng bagong personal assistant.

Naghahanap si Claudine ng isang bagong personal assistant na "multi-tasker" gaya niya.

Ang catch, hindi lang personal assistant ang magiging trabaho nito.

Kailangan daw ay may experience din ito sa accounting, kayang asikasuhin ang kanyang schedule pati na ng mga anak niya, kayang patakbuhin ang lahat ng kailangan sa kanyang bahay, at sanay rin sa puyatan.

Read: Wanted: Claudine Barretto's "multi-tasker" personal assistant

CLAUDINE BARRETTO: "sana bago mag complain mag isip muna kaya tayo"

Maraming kumuwestiyon sa post ni Claudine.

Kung susumahin ang kanyang post, maaring nangangailangan siya ng hanggang tatlong tao para sa trabahong nais niyang gampanan nito.

Sabi ng isang netizen, "I suggest po idol that you hired 2people for this job. Yung ngsisimula plang sa work struggled na yan, until you used to it. Matinding patience po kailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang personal assistant at account isang tao na! Ang manage your house to be clean and tidy at mga bata is a serious job. If isang tao lang to. Di po yan tatagal. Need po ng rest ng tao. Pwede mo din sila Palitan para balance. Patas din saba sa salary offer. GODBLESS po Idol."

netizen and claudine barretto exchange of words
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Sinagot dito si Claudine.

Paliwanag ng aktres, ang panibagong personal assistant na hinahanap niya ay "may experience sa accounting" at ang weekly expenses lang sa bahay at ng mga bata ang gagawan nito ng report.

Meron na rin daw siyang dati pang personal assistant.

Aniya (published as is), "Personal assistant na may experience sa accounting po. yung weekly expenses lang amg i rereport. my Kids all go to school i wake up afternoon na.ayusin lang schedule namin dahil may Personal assistant na ako so im getting another P.A coz mag sa start na work."

Ayon kay Claudine, sana ay nag-isip muna ang netizens bago siya batikusin.

Saad niya, "so Anong mahirap sa work na rine require ko if 6am alis ng kids at mga 4 to 5pm balik.

"sana bago mag complain mag isip muna kaya tayo d umuunlad d pa nag wowork ang dami ng complain.at may CPA po ako for my BIR .important lang ini rereport magkano nagastos sa buong week.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"ibibigay ng kids lahat ng resibo ng gastos nila ibibigay ng cook gastos ng groceries ganun lang. minsan sasama sa shooting more of making calls for me.night person po ako kaya sana sanay sa puyatan coz if im shooting baka doon abutan ng ano ipagagawa ko po (praying hands, heart emojis)"

netizen and claudine barretto exchange of words
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa din ni Claudine, mayroon siyang cook, all-around helper, at yaya.

Ang "schedule" na sinasabi niya ay ang paglilinis sa pool.

Dagdag pa ni Claudine, "May yaya po kami cook at all around.schedule po ng paglinis ng pool sya tatawag,pag may important events sa school ilalagay sa calendar etc.at may P.A po ako si SOL. may CPA rin daily and weekly expenses lang irereport"

netizen and claudine barretto exchange of words
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala nang iba pang komento ang sinagot ni Claudine.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Claudine Barretto clarifies post about "multi-tasker" personal assistant: "So anong mahirap sa work na rine-require ko if 6 am alis ng kids at mga 4 to 5 pm balik. Sana bago mag-complain, mag-isip muna, kaya tayo d umuunlad d pa nagwo-work ang dami ng complain. At may CPA po ako for my BIR. Important lang inire-report magkano nagastos sa buong week."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results