Sa launching ng kanyang second single na “Dati Pa” mula sa GMA Playlist, nagkuwento ang Kapuso singer na si Seb Pajarillo na kamag-anak pala niya ang first grand finalist ng Pinoy Pop Superstar season two na si Harry Santos.

Si Harry ay sumali sa nasabing singing competition ng GMA taong 2006.
Ayon kay Seb sa mediacon ng launching ng kanyang single, nakuha niya ang kanyang musical inspirations mula sa kanyang mga kamag-anak.
Sports kasi ang dati niyang hilig.
Kuwento ni Seb, “Tito ko po kasi si Harry Santos. And parang naging traditional thing na po ng family namin na every time na magga-gather po kami, hinding-hindi po mawawala yung kalokohan.
“So, I'll do whatever I'll be able to do. Even though I wasn't really focused on... I was more into football ako.“And then, eventually, mas naging comfortable ako sa pagsi-sing.
“Mas naging outward yung expression ko sa pagkanta, nawala yung pagkahiya ko dahil before naiisip ko na hindi pa ganun kagaling."
Mas lalo daw nahasa ang kanyang pagkanta noong pandemic dahil walang magawa ang mga tao.
Dagdag niya pa, “And then, I think nung pandemic, dahil andun yung boredom, lahat na nasa bahay na, nag-try na mag-cover.
“For the first time, nag-cover-cover ako. Nag-post ako sa TikTok, sa Instagram, sa YouTube as well.
“And then, dito ko lang nakuha yung confidence na kaya ko palang sumabay sa pagkanta.”
Akmang-akma naman kay Seb ang kanyang latest single dahil galing siya sa hiwalayan sa kanyang ex-girlfriend na nakarelasyon niya ng apat na taon.
Kuwento niya sa GMA Integrated News, "Unang-una, very thankful ako sa Sparkle, pati sa GMA Playlist for giving me this opportunity na mapag-release ng bagong single ulit.
"After my first single na "Want You," binigyan nila ako ng bagong single and nakita nila yung opportunity and yung tiwala sa akin na kaya ko pa gumawa ng newest single which is called "Dati Pa."
"And masasabi kong gusto kong maging takeaway ng mga listeners dito sa kantang to is ma-feel nila yung comfort na hindi lang sila yung nakakaramdam ng ganito ngayon or ng ganitong emotion na dapat bang i-invalidate yung feelings nila na hindi pa rin sila maka move-on.
"Gusto kong maiparamdam sa nila na, 'Okay lang kasi lahat naman tayo ay may sari-sariling emotions.'
"So yun yung gusto kong maramdaman nila, yung comfort na okay lang na hindi pa maka move-on."

Read: Mga bagong talents ng GMA Artist Center, ipinakilala sa All-Out Sundays
JENIFFER MARAVILLA JOINS SEB PAJARILLO
Kasama ni Seb sa mediacon ang isa pang singer na si Jeniffer Maravilla na inawit naman ang kanyang single na "Di Na Pwede."

Kuwento naman niya sa GMA Integrated News, "Yung single ko, paano siya nakatulong sa akin in terms na pag-move on ko?
"Um, ano kasi to, e, parang more on, naging kuwento talaga siya for me."
Galing din sa breakup si Jeniffer kung saan lagpas isang dekada ang relasyon niya ng kanyang ex-boyfriend.
Dagdag pa niya, "And surprisingly yun, talagang sobrang naka-relate tayo sa bawat linya nung mga kanta.
"Nakatulong siya in terms of, isa to sa mga, I think, mga kanta, nakapagbigay din talaga sa akin ng comfort.
"Lalo na yung pag-create nito, yung paggawa nito. At saka, for me, parang nabigyan din ako ng, na-gauge ko rin dito, e, kung nasaan na ako sa healing journey yun."
Read: The Clash contestant Jeniffer Maravilla goes viral for failed whistle attempt
Napakinggan na simula pa Noong November 22 ang mga latest singles nina Seb at Jeniffer sa lahat ng streaming platforms, sa YouTube, Spotify, at Apple Music.
