Single na si Anthony Jennings.

Ito ang kinumpirma mismo ng Kapamilya actor sa isang video na kumakalat sa social media website na X, o dating Twitter.
Ayon sa report ng Philippine Star kahapon, November 30, nagsalita umano si Anthony sa panayam ng showbiz reporter na si Allan Sancon sa presscon ng Incognito.
Ilang buwan na raw silang naghiwalay ni Jamela Villanueva, ang kanyang non-showbiz ex-girlfriend.
“Yes, hiwalay na kami. Ngayon ko lang din sasabihin kasi months ago na kaming hiwalay ni Jam,” bungad ni Anthony.
Saad pa niya, personal issues ang dahilan, at hindi niya agad ito ibinulgar sa publiko dahil sa privacy.
“Si Jamela naman kasi hindi naman siya artista so kini-keep kong pribado yung personal,” saad niya.
Ni-request ni Anthony na huwag nang guluhin ng fans ang ex na influencer.
“Ako yung may pagkukulang dun. Problema ko yun and dapat ko yun ayusin mag-isa.”
Read: Did Anthony Jennings and his girlfriend break up?
ANTHONY PLEADS FANS NOT TO DRAG MARIS INTO HIS BREAKUP ISSUE
Nais niya ring huwag nang ikonek ang ka-loveteam na si Maris Racal sa hiwalayan.

“Magkaibigan lang po kami,” pahayag ni Anthony.
Matagal nang pinag-uusapan ang mas malalim umanong ugnayan nina Anthony at Maris, mula nang pumutok ang kanilang loveteam dahil sa serye nilang Can’t Buy Me Love, na nagtapos noong May.
Lalong umingay ang mga alingasngas noong nakipaghiwalay si Maris sa ex niyang si Rico Blanco noong July.
Itinanggi rin ni Maris na si Anthony ang dahilan nang pakikipaghiwalay niya sa Rivermaya singer.
NETIZENS PUZZLED BY JAM'S CRYPTIC BREAKUP QUOTES
Samantala, unang umingay ang usap-usapang hiwalayan between Anthony and Jam noong nag-post ang huli ng mga breakup quotes sa Tiktok noong simula ng October.
May mga post din si Jam na tila nabibigay ng clue na si Maris ang dahilan ng pagkasira ng kanilang relasyon na tumagal ng limang taon.
“I will never forget your conversation with the girl you told me not to worry about,” saad ng post ni Jam sa Tiktok.

Muling makikita ang tambalan nina Anthony at Maris sa Incognito, ang action series na pagbibidahan nila kasama sina Richard Gutierrez at Daniel Padilla. Magsisimula itong umere sa Kapamilya Channel sa January 2025.
Read: Maris at Anthony, di lang pangdekorasyon sa Vice Ganda movie