Super thankful si Trina Candaza sa maraming grasyang tinamasa niya ngayong 2024.
Sa kanyang Instagram kahapon, December 1, 2025, nag-post si Trina ng isang Reel kung saan ibinahagi niya ang mga collab at trabahong ginawa niya kung saan kumita siya ng malaking halaga.
May mga nakasulat din sa video na "What I am GRATEFUL for this year" at "My work that sustains our lifestyle and needs."
Nakatanggap umano siya ng bayad mula PHP150K hanggang PHP400K.
Pero hindi binanggit ni Trina kung anong brand o kumpanya na kumuha ng kanyang serbisyo.

Meron din daw siyang VIP clients na bumili sa kanya ng mga gold at diamond jewelry, at kaibigang nilibre ang kanyang hotel room sa Greece trip nila.
Nagpasalamat din si Trina sa mga kaibigan at kamag-anak na laging sumasaklolo sa kanya.
Mensahe niya, "There might be struggles, meeting wrong people, unexpected problems, expensive lessons, wrong decisions, and a lot more.
"But, what I know is I AM BLESSED with the PEOPLE around me wro truly loves me."

Caption ni Trina sa post: "2024 has been a year of lessons—some easy, others not so much. Grateful for every single one."
View this post on Instagram
Read: Trina Candaza enjoys quality time with baby Mithi at Hong Kong Disneyland
TRINA CANDAZA: "I work very hard to provide a good life..."
Sa comments section, nagkomento ang isang netizen na tulad ni Trina ay isa rin umanong single mom.
Ayon dito, tama lang ang ginawa ni Trina na pag-post sa kanyang mga trabaho para pangsangga sa mga bulung-bulungan tungkol sa kanya — na kesyo may rumored boyfriend itong nagsusustento sa kanya.
Saad ng netizen, "Tama tong post na to para makita ng mga haters na hindi dahil sa rumored bf mo kaya mo naafford lahat. I know you’re better than those rumors. I look up to you as a single mom din."
Sagot ni Trina, narinig nga rin niya ang sitsit na ito pero iginiit niyang wala siyang idini-date ngayon.
Wala raw siyang magagawa kung may masasabi ang ilang tao tungkol sa kanya, pero siya lamang daw ang makapagsasabi ng katotohanan.
Buong tugon ni Trina: "I've heard the rumors about me nga. Pero no, I'm not dating anyone right now. And I work very hard to provide a good life for me and my daughter.
"I fully understand that there will always be assumptions from other people—and that’s okay. But I am the best person to tell my story because I live it."

Sabi ng isa pa, "Mahal na mahal talga ng Panginoon ang mga single moms. Hinde talga pinababayaan."
Sagot ni Trina, "I always see this, I thought mag isa lang ako laging lumalaban but I realized I’m always with Him, never ako pinabayaan, we may do wrong decisions in life but mas lalo tayong gina-guide sa tama."

Ayon sa isa pa, "God saw your pain. He counted your tears and replaced it with so much blessings. Keep the faith!"
Pagsang-ayon ni Trina, "and He allows us to learn lessons from our mistakes, which will help us grow wiser."

Marami pang sinagot na papuri si Trina.
Samantala, wala namang narinig na mula kay Trina mula nang ikasal ang ex-boyfriend nitong si Carlo Aquino kay Charlie Dizon.
Read: Is this Trina Candaza's reaction to wedding of Carlo Aquino?
Sina Trina at Carlo ay may isang anak na babae.
