PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricardo Cepeda reacts to Rufa Mae Quinto's estafa case

Ricardo invited to the Senate to shed light on investment scam using celebs.
by Jojo Gabinete
Published Dec 3, 2024
ricardo cepeda rufa mae quinto estafa
Ricardo Cepeda on Rufa Mae Quinto's arrest warrant for estafa: “Nalulungkot ako dahil parang nagiging trend na yung mga walang kinalaman, nadadamay sa kaso. Hindi naman nakausap ng mga complainant. Si Rufa Mae, yung narinig kong kuwento, wala talaga siyang kaalam-alam.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @rufaaequinto on Instagram

Ikinalulungkot ng aktor na si Ricardo Cepeda ang sunud-sunod na pagkakasangkot ng mga artista sa kasong estafa, gaya nina Neri Naig at Rufa Mae Quinto, dahil alam niya ang pakiramdam ng mga ito.

Halos isang taon nakulong si Ricardo dahil nadamay ito sa kaso ng syndicated estafa, kahit brand ambassador lamang siya ng isang sales company na sangkot sa investment scam.

Read: Ricardo Cepeda speaks up about syndicated estafa case: “Hindi ko alam na sinama nila ako.”

Walang ipinagkaiba ang nangyari kay Ricardo sa pagsubok na pinagdaraanan sa kasalukuyan ni Rufa Mae, na may warrant of arrest dahil sa fourteen counts ng estafa na inihain ng isang grupo laban sa beauty clinic na siya ang celebrity endorser.

Read: Rufa Mae Quinto, kumpirmadong may warrant of arrest din

“Nalulungkot ako dahil parang nagiging trend na yung mga walang kinalaman, nadadamay sa kaso. Hindi naman nakausap ng mga complainant.

“Si Rufa Mae, yung narinig kong kuwento, wala talaga siyang kaalam-alam,” saad ni Ricardo sa eksklusibong pakikipag-usap sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes ng gabi, Disyembre 3, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Non-bailable ang syndicated estafa na reklamo laban kay Ricardo, pero pinayagan siya ng korteng magpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan dahil walang sapat na ebidensiyang magpapatunay na may partisipasyon siya sa investment scam.

Read: Ricardo Cepeda released after posting bail for estafa case

SENATE BILL ON INVESTMENT SCAM

Nabanggit ni Ricardo sa PEP na inimbitahan siya sa Senado ng mga legal counsel ni Senator Robin Padilla nitong Martes ng hapon dahil makatutulong umano ang kanyang testimonya at mga karanasan para sa Senate Bill na balak isulong ng actor-politician.

Layunin ng pinaplanong Senate Bill na mabigyan ng proteksiyon ang mga artistang biktima ng mga investment scam at inireklamo ng estafa dahil sila ang mga brand ambassador nito.

Lahad ni Ricardo, “Galing ako sa senado kanina kasi pinag-uusapan na nina Senator Robin Padilla ang passing ng bill to protect yung mga endorser.

“Nabahala na si Senator Robin dahil mga artista na ang nagiging biktima so they got from me the details para may basis na sila sa pag-uusapan nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ricardo Cepeda, binisita ng mga kapwa artista sa Camp Karingal

May payo si Ricardo sa mga kapwa niya artista para maiwasang masangkot sa asuntong kanyang pinagdaanan at nararanasan ngayon ni Rufa Mae.

Saad niya: “Unang-una, you make sure yung contract mo specifies hanggang saan lang ang participation mo in the company activities, stating na endorser ka lang, products lang.

“Dapat specific yung kontrata mo. Ipatingin mo sa abogado mo o somebody who can say clearly na this is for your protection.

“Wala akong written contract. Handshake lang because I was helping this guy na kakilala ko. Parang tulungan lang.

“Ako kasi ang pinakamadaling hulihin dahil artista and I was not hiding.

“Wala kang kamalay-malay, biglang kukunin ka. Magugulat ka na lang na may ganyang kaso tapos arestado ka na, naka-detain ka na.

"Kailangan ipaglaban mo ang freedom mo from inside [the jail].

“Tapos, in the mercy ka na lang ng schedule of the court. Kung biglang cancelled, wait ka na naman kaya naka-eleven months ako sa kulungan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Rufa Mae Quinto breaks silence on estafa case

RICARDO: BE CAREFUL OF VIDEO GREETINGS

Pinaalalahanan din ni Ricardo ang mga kapwa niya artistang maging maingat sa mga taong lumalapit at naghihingi ng mga video greeting dahil puwede umano itong gamitin sa pangloloko ng kapwa.

“Mag-ingat din ang mga artista sa mga pa-video shoutout. Sasabihin nila, ‘Puwedeng makahingi ng birthday greeting?’

“Meron minsan nag-message sa akin, sa Messenger. Sabi niya, ‘Hi Ricardo, this is Direk___’

“I don’t know him. Never heard of him. Tapos yung Facebook profile niya, registered nurse siya.

“Sabi niya, ‘This is Direk___. I’d like to request a birthday greeting sana, video greeting from you.’

“May script pa na ipinasasabi sa akin na, ‘Hope you have more projects soon.’

“Sabi ko, 'Bakit ko sasabihin yan, e, hindi naman kita kilala?'

“The danger of that is puwede siyang magpakilala sa mga tao na direktor pero hindi naman. At ipapakita niya sa mga tao ang video greeting ko, e, yun pala, ang kanyang mga kausap, mga investor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, puwedeng maniwala sa kanya ang mga tao.”

Pinag-iingat din ni Ricardo ang mga kasamahan niya sa industriya sa mga photo opportunity request ng mga nagpapakilalang mga tagahanga.

Nagpayo si Ricardo na hangga’t maaari, iwasan ng mga artistang umakbay sa mga taong nagpapakuha ng litrato na kasama sila pero hindi nila kilala.

Puwede raw magpanggap ang mga scammer na malapit sila sa artista na kasama sa larawan at nakaakbay sa kanila para makahikayat sila ng mga inosenteng investor na bibiktimahin at tatangayan nila ng pera.

Read: Ricardo Cepeda remains hopeful amid delays in hearing of syndicated estafa case

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricardo Cepeda on Rufa Mae Quinto's arrest warrant for estafa: “Nalulungkot ako dahil parang nagiging trend na yung mga walang kinalaman, nadadamay sa kaso. Hindi naman nakausap ng mga complainant. Si Rufa Mae, yung narinig kong kuwento, wala talaga siyang kaalam-alam.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @rufaaequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results