Alfred Vargas admits he courted Rufa Mae once upon a time

by Ruel J. Mendoza
Jul 24, 2008
"Nag-try ako pero walang nangyari, e. Hanggang friends lang talaga kami ni P-Chi. Ang alam ko noon, may ibang lumiligaw na kay P-Chi. Para kasing mas type niya yun, e, kaya hindi ako pumasa. Gano'n naman talaga, di ba? Talagang hanggang friends lang daw kami," reveals Alfred Vargas about courting Rufa Mae Quinto before.


Kabilang ang sexy actor na si Alfred Vargas sa leading men ni Rufa Mae Quinto sa Single ng Viva Films at On-Q 28. Mula ito sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes.

First time na makakasama ni Alfred si Rufa Mae sa isang pelikula. Pero nagkasama na sila sa TV show na pinagbidahan noon ni Rufa Mae, ang Marinara sa GMA-7. Ngayon ay magkasama rin sila sa telefantasyang Dyesebel.

Noon ay natsismis din na naging sina Alfred at Rufa Mae. Parati kasi silang nakikitang magkasama noon at very vocal naman si Rufa Mae na isa si Alfred sa pinaka-close na artistang lalaki sa kanya.

"Close pa rin naman kami ni P-Chi [palayaw ni Rufa Mae]," nakangiting sabi ni Alfred sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Every now and then, nagkukumustahan kami, lalo na ngayon , parati kaming magkasama sa taping ng Dyesebel. Nandoon pa rin yung biruan namin sa isa't isa.

Continue reading below ↓

"There was a time din na biglang natigil ang communication namin. Naging masyadong busy lang siguro siya or naging busy rin ako kaya nakalimutan na namin magkumustahan. Pero tuwing magkikita naman kami ni P-Chi, gano'n pa rin naman kami. Hindi nawawala yung pagkakaibigan namin," lahad niya.

Sinubukan ba niyang ligawan noon si Rufa Mae?

"Nag-try ako pero walang nangyari, e. Hanggang friends lang talaga kami ni P-Chi," ngiti niya. "Ang alam ko noon, may ibang lumiligaw na kay P-Chi. Para kasing mas type niya yun, e, kaya hindi ako pumasa. Gano'n naman talaga, di ba? Talagang hanggang friends lang daw kami.

"Mas okey naman ang nangyari kasi kahit makita kami ng kahit sino na magkasama, hindi sila maghihinala na may relasyon kami. ‘Tulad ngayon na magkasama kami sa pelikula, tinanggap ko ang role kasi nga bida si P-Chi at chance ko na ito na makatrabaho siya sa pelikula."

Continue reading below ↓

STARSTRUCK GIRL. Nabanggit ni Alfred noon sa isang interview na may non-showbiz girl siyang nililigawan. Pero nali-link naman siya ngayon sa StarStruck 3 Avenger na si Jana Roxas, na girlfriend na raw ni Alfred. Totoo ba ito?

"Matagal na akong tinatanong tungkol kay Jana at lagi ko namang sinasabi na hindi ko siya girlfriend. Kasi nga, nagkakilala lang kami noong mag-guest siya sa Nuts Entertainment. Nag-games lang kami that time.

"Siyempre, before the taping, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkakuwentuhan. Doon ko lang naman na-meet talaga si Jana. Then after that, kumalat na kami na raw. Ang bilis ko naman kung gano'n!" sabay tawa ni Alfred.

Hindi ba siya attracted kay Jana?

"Wala namang problema kay Jana. I find her very pretty and very cute. Kahit sino namang lalaki ay mapapansin siya. Pero hindi nga naging kami kasi hindi ko naman siya niligawan. The truth is, I am seeing some other girl na hindi taga-showbiz. Yun ang totoo.

Continue reading below ↓

"Kawawa naman si Jana kasi baka may boyfriend yung tao, e, nali-link siya sa akin. Hindi naman fair ‘yon kay Jana," sabi ni Alfred.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nag-try ako pero walang nangyari, e. Hanggang friends lang talaga kami ni P-Chi. Ang alam ko noon, may ibang lumiligaw na kay P-Chi. Para kasing mas type niya yun, e, kaya hindi ako pumasa. Gano'n naman talaga, di ba? Talagang hanggang friends lang daw kami," reveals Alfred Vargas about courting Rufa Mae Quinto before.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results