Nagsunud-sunod ang mensahe ng netizens kay Rico Blanco kasunod ng pagputok ng balita ukol sa cheating allegation ni Jamela Villanueva sa dating boyfriend na si Anthony Jennings at sa ka-loveteam nitong si Maris Racal.
Karamihan sa mensahe ng netizens, sinasabing "vindicated" ang singer-songwriter sa paghihiwalay nila ni Maris.
Kinumpirma ni Maris ang breakup nila ni Rico noong Hulyo 2024 matapos ang five-year relationship.
Read: Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco
Ang ibinigay na dahilan noon ng aktres ay nag-iba na siya ng gusto pagdating sa kanyang career at nagkasundo raw sila ni Rico na magkaroon ng “polite separation.”
Nanatili namang tahimik ang dating Rivermaya band member sa dahilan ng breakup nila ng Kapamilya actress.
Noong mga panahong iyon ay matunog ang team-up nina Maris at Anthony, dahil sa teleseryeng Can't Buy Me Love, kaya may naghinalang may kinalaman iyon sa breakup nina Maris at Rico.
Pero tahasang itinanggi ni Maris na may kinalaman si Anthony sa breakup nila ng musikero.
Read: Maris clarifies Anthony not involved in her breakup with Rico
Currently ay usap-usapan sa showbiz ang inilabas na screenshots ni Jamela ukol sa palitan umano ng messages nina Anthony at Maris.
Kung susundan ang exchange of messages ng Kapamilya loveteam, matutukoy raw na may namamagitan sa dalawa kahit magkarelasyon pa sina Anthony at Jamela.
NETIZENS SUPPORT RICO amid maris-anthony issue
Naglipana ang mensahe ng suporta ng fans ni Rico sa kanyang social media accounts, partikular sa Instagram at Facebook, bagamat walang kinalaman sa isyu ang posts ng musikero.
Sabi ng ilan, gusto nilang kumustahin si Rico kasunod ng pagputok ng isyung kinasasangkutan nina Anthony at Maris.
Hinahangaan daw nila ang singer-songwriter na nanatiling tahimik nang kumpirmahin ni Maris na hiwalay na sila.
Hirit ng isa (published as is), “Congratulations Rico Hahahah kinarma Tuloy Yung Ex mong Ewan hahahah”

Nagkomento naman ang isa na supportive sila kay Rico.
Dagdag pa nito, “mabait talaga si Lord nilayo ka sa bruhang yun.. May inilaan si God para sayo.. We love you rico.”
Susog ng isa pa, “Good thing, nakaligtas ka. You deserve someone na mas mamahalin ka at matutumbasan ‘yung love and care na pinaparamdam mo.”

Maraming ganito ang konteksto ng kanilang mensahe: na buti na lang daw ay nagkahiwalay sila ni Maris dahil sa huli ay nakabuti ito kay Rico.

Sunud-sunod na komento ng iba, Rico “dodged a bullet” kasunod ng isyung kinasangkutan ni Maris at Anthony.
“God saved you from the wrong person,” sabi ng isang supporter ni Rico.

May nag-wish kay Rico na sana ay makita na nito ang babaeng babagay sa kanya.
Marami raw single na babae ang susukli sa kanyang pagmamahal.
“I suggest you choose a non showbiz woman as a mate,” payo ng netizen.

Sundot ng isa pa, “You deserve someone better. You deserve to be happy kuya Koriks. Lumiyab ka!”
Sa kabila ng mga sunud-sunod na komento ng netizens ay nananatiling tahimik si Rico.
May isang netizen siyang sinagot pero wala itong kinalaman sa isyu ng dating girlfriend at Anthony.
Napansin din ng ilang netizens na hindi pa rin binubura ni Rico ang photos nila ni Maris sa kanyang Instagram account.
