PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rob Gomez frustrated by slow pace of seeking visitation rights

Rob Gomez: "I want time with my daughter."
by Jerry Olea
Published Dec 4, 2024
rob gomez visitation rights
Rob Gomez on why he's single now: “Wala po. Ayoko po. Takot na takot po ako ngayon. Kasi po, iba yung ibibigay kong… sarili ko. Iba na ho. I don’t think I’ll ever be the same.”
PHOTO/S: Jerry Olea

May hatid na “strange frequencies” ang Disyembre para kay Rob Gomez, lalo pa’t ikalawang kaarawan na ng daughter niyang si Amelia bukas, Disyembre 5, 2024, Huwebes.

“Oo nga po, e,” pagbuntong-hininga ni Rob sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Disyembre 3, Martes, sa isang studio ng Summit Media Philippines sa Pioneer Street, Mandaluyong City.

Nakapanayam ng PEP si Rob sa Regal Legacy event noong Setyembre 21 sa Valencia Events Place, Quezon City.

Isiniwalat noon ni Rob na inaayos sa korte ang sitwasyon para makita niya at makasama ang kanyang daughter sa dating partner na si Shaila Rebortera.

Read: Rob Gomez nangungulila sa kanyang anak: "I’m improving myself so I can be able to see her."

Naayos na ba?

“Oo naman po. Merong movement pero not in our favor,” pagtatapat ni Rob sa bagong panayam niya.

“Kasi unfortunately, hindi ko alam bakit the judge moved it twice consecutively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang nagiging one-sided. E, I only want fair judgment sana. I want time with my daughter, and that’s the only thing I want.

“And I feel like… nagiging… nagiging… on the losing end ako. Kasi, hindi ko ma-present yung mga pruweba ko.

“Mga proof ng blackmail at ng whatever kung anong maling pinalabas nung mga oras na yon, kung anong klaseng istorya yung nabuo.

“E, nais ko sanang ipaliwanag doon sa judge na lang imbes na sa ating mga kaibigan.

“E, nabibigo lang ho ako. Sayang.”

THE TRUTH WILL PREVAIL

Pero nananalig si Rob na lalabas at lalabas ang katotohanan sa huli.

“Sana nga ho,” pag-asam niya.

“Sana nga ho talaga. E, hindi lang natin kaibigan ang oras ngayon.

“Kasi ako lang yung talo sa… sa pakiramdam ko ho, ako lang yung natatalo."

Pagpapatuloy niya, "Kung ano talaga ang gusto mo makuha, hindi mo makukuha.

“Or maybe when you ask God for something, if He doesn’t give it to you right away, bibigyan ka Niya ng problema para pag na-solve mo yun, dun mo makukuha…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“When you ask for strength, bibigyan ka Niya ng isa pang problema para pag na-overcome mo yung problema, tsaka ka lang magkaka-strength. Weird!”

May girlfriend ba siya ngayon?

Mabilis na tugon ni Rob, “Wala po. Ayoko po. Takot na takot po ako ngayon. Kasi po, iba yung ibibigay kong… sarili ko.

“Iba na ho. I don’t think I’ll ever be the same.”

Sa kakisigan niya, marami bang babae ang nagpapahiwatig sa kanya?

Napailing si Rob, “Ay! Naku ho, ang gusto ko ho, hindi ko makuha. Ang gusto ko ho, hindi ko makuha — at magtu-two years old na siya.”

Ang tinutukoy siyempre ni Rob ay ang kanyang anak.

Read: Rob Gomez natuto na sa mga kontrobersiyang napasukan nung nakaraang taon

rob gomez shaila rebortera daughter baptism
Rob Gomez with former partner Shaila Rebortera at their daughter's baptism.
Photo/s: @robgomez.23 on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ROB GOMEZ STILL LONGING FOR HIS DAUGHTER

Noon pa man sinabi ni Rob na gusto niyang naka-record ang pangungulila niya sa kanyang daughter.

“For the record, which is na-explain ko naman na kaya ko sinasagot itong mga interbyu na tungkol sa aking anak ay para… kasi, hindi ko masabi,” himutok ni Rob.

“Hindi ko masabi lahat… sana nga ho, recorded lahat… in good faith, in good faith and for my daughter.

“Huwag na lang ako. Sila na lang ang masaya. Ako, I want peace na lang.”

Noong Nobyembre, akala ni Rob ay maipe-present na niya sa korte ang kanyang mga pruweba pero naudlot iyon.

Hindi ba puwedeng maayos na iyong gusot sa pagitan nila ng kanyang ex na si Shaila?

“Wala ho akong makontak, kahit sa management niya… kasi, sobrang close ko yung isang employee sa kanya, inaalagaan yung anak ko,” pahayag ni Rob.

“And every day, every day I message her na, ‘Ate, can you please talk to her?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rob Gomez, Alexa Miro weigh in on being dragged into controversies

ROB'S MESSAGE TO SHAILA

Ang mensahe ni Rob kay Shaila: “Ayaw kong gumanti kasi mahal ko pa din siya, mahal na mahal ko sila!

“I wouldn’t want, I wouldn’t wish anything bad to her kasi she has my daughter. Nasa kanya ang anak ko, e.

“Hindi ko puwedeng ipagdasal na, ‘Sana, hindi siya maging happy.’ ‘Sana, sana, iwanan siya nung guy.’ ‘Sana…’ Hindi!

“I wish her, I wish her the best. I wish her the best kasi I need her to be the best mom she can be.

“Kailangan niyang alagaan yung anak ko. I want her happy.”

Maganda iyong ganyang positibo lang…

“Wala naman tayong choice! Ano pa ba ang gagawin natin, magmukmok?!” bulalas ni Rob.

“Maglupasay? Umiyak? E, sawa na tayo dun. Nagawa na natin yun! The move is to move forward, to grow, to anakyze the problem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saan ba ako nagkamali? At least tinatanggap ko. She thinks I’m the problem. So siya, hindi magbabago. Ako, magbabago.”

Inaasam pa rin ni Rob na may matatanggap siyang good news bago mag-Pasko.

Isa si Rob sa mga bida sa MMFF 2024 official entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

Tampok din sa reality horror movie na ito sina Enrique Gil, Jane de Leon, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Raf Pineda, at Zarckaroo.

Read: Rob Gomez nag-react sa engagement ng ex na si Shaila Rebortera

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Gomez on why he's single now: “Wala po. Ayoko po. Takot na takot po ako ngayon. Kasi po, iba yung ibibigay kong… sarili ko. Iba na ho. I don’t think I’ll ever be the same.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results