Matapos ang ilang buwang kompetisyon ay napili na ang apat na grand finalists ng The Voice Kids Season 6.
Sila ay sina Wincess Jem Yana, Nevin Adam Garceniego, Mark Anthony "Mak-mak" Punay, at Jan Hebron Ecal.
Ang apat ang pinili ng kani-kanilang coaches na nanalo sa kani-kanilang semi-final round.
Inere ang episode ng semi-final round ng The Voice Kids sa GMA-7, Linggo ng gabi, Disyembre 8, 2024.
Read: Dingdong finds hosting The Voice Kids "emotionally difficult"
THE FINAL FOUR
Ang taga-Cavite na si Wincess ang pinili ni Coach Billy Crawford.
Inawit ng 14-year-old singer ang "One Moment in Time" ni Whitney Houston, at ito ang nakatalo sa kapwa niya semifinalist na si Rexylyn Hai Caiji.
Read: Billy Crawford reveals strategy as The Voice coach

Si Nevin naman ang pinili ni Coach Pablo Nase.
Ang 11-year-old na taga-Quezon City ang nanaig sa semi-final round laban kay Christina Holly Crosby. Inawit ni Nevin ang "Kailangan Kita" ni Regine Velasquez.
Read: SB19 Pablo surprised by offer to join The Voice Kids as coach

Si Mak-mak naman ang pinili ni Coach Julie Anne San Jose.
Tinalo ng pitong taong gulang na Cebuano ang kalabang si Shawn Hendrix Agustin, matapos ang mahusay nitong pag-awit ng "Salamat" ni Yeng Constantino.
Read: Julie Anne San Jose: the lone female coach in The Voice Kids

Panghuli si Jan Hebron Ecal, na pinili ni Coach Stell Ajero.
Tinalo ng 12-year-old singer from Sorsogon ang katunggaling si Jennica Belaza. Inawit niya ang "Mula sa Puso" ni Jude Michael.
Read: SB19 Stell Ajero recalls his struggles as a singer

Sa susunod na Linggo, December 15, magaganap ang grand finals ng The Voice Kids.
Ito na ang pang-anim na season ng The Voice Kids na umere sa Pilipinas. Ang naunang limang season ay umere sa ABS-CBN at sa Kapamilya Channel.