Naghain na ng kanyang counter-affidavit ang aktor na si Archie Alemania sa Bacoor City Prosecutor's Office kahapon, December 10, 2024.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa reklamong acts of lasciviousness na inihain ni Rita Daniela laban sa kanya.
Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA, laman ng affidavit ni Archie ay ang pagtanggi nito sa mga paratang laban sa kanya ni Rita.
Pinanumpaan ni Archie ang kanyang counter-affidavit sa Bacoor Hall of Justice.
Ito daw ay bahagi pa rin ng isinasagawang preliminary investigation ng piskal tungkol sa reklamo ng aktres.
Kasama ni Archie sa korte ang kanyang abogadong si Atty. Amir Muksan.
Hindi naman sila nagbigay ng anumang panayam sa media.
Nasa korte rin ang abogado ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Ayon kay Atty. Garduque, hanggang makakaya ay iniiwasan nilang magkita sina Archie at Rita.
Pinoprotektahan din daw nila ang mental health ng singer.
Pumayag naman daw ang kabilang kampo na hindi humarap si Rita sa pagdinig.
Kamusta na si Rita ngayon?
Sagot ni Atty. Garduque, "Actually, as of this day, even up to now, she's not okay."
Sa December 17, nakatakdang magsumite si Rita ng kanyang reply sa counter-affidavit ni Archie.
Read: Archie Alemania, maghahain din ng reklamo laban kay Rita Daniela?
RITA DANIELA VERSUS ARCHIE ALEMANIA
Noong nakaraang October 30, 2024 nagsampa ng reklamo si Rita sa Office of the Prosecutors ng Bacoor City, Cavite.
Kasama niyang naghain ang kanyang abogadong si Atty. Garduque.

(Rita Daniela and her lawyer, Atty. Maggie Abraham-Garduque.)
Sa naturang lugar siya nagsampa dahil doon sa Bacoor nakatira ang actress-singer.
Magkasama sina Rita at Archie sa Kapuso primetime series na Widow’s' War, pero noong panahong iyon, wala na sa show ang aktor.
Ayon sa complaint affidavit na isinumite ni Rita, nangyari ang pambabastos umano sa kanya ni Archie sa thanksgiving party na ginanap sa tahanan ni Bea Alonzo sa Quezon City.
Hindi na sana siya dadalo dahil inihatid niya ang kanyang ina sa ospital, pero hindi lang daw siya makatanggi kay Bea.
Past 12:00 midnight ng September 9, Lunes, nakarating si Rita kina Bea dahil galing pa raw siya ng taping ng All-Out Sundays.
Ayon kay Rita, halatang lasing na si Archie pagdating niya sa thanksgiving party,
Nag-comment daw ang aktor ng “Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-F*CK*BLE mo tonight ah!”
Hindi na raw siya naging kumportable sa komentong iyon ni Archie.
Pero nung nag-duet sila ni Royce Cabrera, matapos mahilingan ni Bea na kumanta sila, sumigaw daw si Archie ng “Brad tirahin mo na yan! Tang*** Royce, tirahin mo na yan!”
Hindi na lang daw ito pinansin ni Rita, dahil sa tingin niya ay dala lang ito ng kalasingan ng aktor. Pero sinita na raw ni Bea si Archie nung oras na yun.
Read: Archie Alemania, Rita Daniela parehong di pa nagpapainterbyu
THE RIDE GOING TO RITA'S HOME
Mas tumindi pa raw ang ginawa ni Archie kay Rita nung hinatid siya nito sa bahay nila sa Bacoor.
Base sa affidavit na isinumite ni Rita, bandang 2:30 ng madaling-araw ng September 9, nag-book na raw ang singer-actress ng ride-hailing service pauwi ng Bacoor.
Sinamahan pa raw siya ni Ms. Redgynn Alba, ang senior program manager ng Widows' War, para hintayin ang nakuha niyang ride-hailing service car.
Lahad ni Rita sa kanyang affidavit (published as is): “Suddenly, a white SUV stopped in front of us and when the window rolled down I was surprised to see the Respondent (Archie Alemania) inside it, saying ‘Tara na, sumakay ka na, ihatid na kita.'
“That I initially refused his offer since the Grab ride was already on its way but Respondent insisted by saying, ‘Ano ka ba sobrang late na. Ma-rape pa ng Grab driver. I-cancel mo na yan!’
“Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home. I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride.”
Nang nasa sasakyan na raw sila, at habang binabaybay nila ang Cavitex, nagsimula na raw siyang hawakan ni Archie sa leeg at balikat. Pilit daw niya itong iniiwasan.
Pero ang pinakamalala raw ay nung nakarating na sila sa bahay ni Rita.
Bago bumaba ang singer-actress sa SUV ni Archie ay humingi raw ng kiss sa kanya ang aktor. Pero pinilit daw siyang halikan nito.
Lahad ni Rita sa kanyang sworn affidavit: “However, this did not deter the Respondent (Archie Alemania), instead he forcibly got hold of my head and locked it with his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out trying to put it inside my mouth.
“Feeling sexually violated, I pushed the Respondent with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will.”
Bumulong pa raw si Archie sa kanya ng “Pa-booking naman sige na.”
Hindi pa raw umalis si Archie sa tapat ng bahay niya, kaya nag-text na raw siya sa aktor na umalis na dahil nakakaabala na ito sa mga kapitbahay, gawa ng tumatahol na ang mga aso.
Kinabukasan ng hapon, September 10, ay nag-text daw si Archie sa kanya upang mag-sorry sa kanyang inasal dahil lasing na raw ito.
Ini-report daw ni Rita sa GMA management ang insidente, at ni-request na tanggalin si Archie sa Widows' War dahil sa trauma na inabot nito sa ginawa umano sa kanya ng aktor.
Naka-attach din sa affidavit ang missed calls ni Archie sa kanya at ang text message nitong nag-sorry sa kanyang ginawa.
Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania
WHO IS GEE CANLAS ALLUDING TO IN HER CRYPTIC POST?
Samantala, tila may cryptic post naman ang asawa ni Archie na si Gee Canlas sa Instagram noong November 17, 2024.
Ayon sa ilang netizens, mukhang may pinatatamaan si Gee dahil ang kanyang post ay may makahulugang quote tungkol sa paglabas ng katotohanan.
At ito ay dahil nasa gitna ng isang maaring legal battle ang asawa laban kay Rita.
Mababasa sa post ni Gee (published as is), "The truth doesn’t need defending; it speaks for itself."
Dumagdag pa rito ang makahulugan niyang caption na, "All will be answered in due time."
Read: Gee Canlas, Archie Alemania's wife, posts cryptic quote
