PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez recalls delaying Arjo Atayde's entry into showbiz

Sylvia: "Pero talagang wala, e. Kailangan kong pakawalan."
by Rommel Gonzales
Published Dec 12, 2024
Sylvia Sanchez feels proud of son Arjo Atayde's dramatic prowess
Sylvia Sanchez recounts how she tried to stop Arjo Atayde from entering showbiz, but that he was determined to make it as an actor.
PHOTO/S: @sylviasanchez_a Instagram

Speechless si Sylvia Sanchez, 53, nang tanungin siya tungkol sa mga awards na napanalunan ng kanyang anak na si Arjo Atayde, 34.

Noong September 5, 2024, nanalo si Arjo bilang Best Lead Actor in a TV Program sa Content Asia Awards 2024 para sa mahusay niyang pagganap bilang Anton dela Rosa sa Cattleya Killer.

Ginanap ang awards ceremony sa Taipei, Taiwan.

Ang Cattleya Killer ay isang ABS-CBN International Productions series na co-production ng ABS-CBN Studios at Nathan Studios, na pinamumunuan naman ni Sylvia.

Nanalo rin ng best actor award si Arjo para sa pelikulang Bagman sa Asian Academy Creative Awards sa Singapore noong 2020.

Lahad ni Sylvia sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam mo, nung nanalo siya, parang wala na akong masabi. Thank you Lord na lang, kasi di ba, dito sa Pilipinas pag na-nominate siya, nananalo din siya. Lagi yun.

“Tapos ngayon, abroad naman siya nananalo... At saka abroad yun, at saka hindi lang siya isang beses, dalawa na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos lalaban na naman siya ulit. Parang, ‘Oh my god.’”

Ang Topakk, na pinagbidahang action film ni Arjo, ay unang pinalabas sa Cannes Marché du Film Fantastic Pavilion sa France noong May 2023 at sumunod sa Locarno Film Festival sa Switzerland noong August 2023.

Read: Sylvia Sanchez, ibinahagi ang pagiging first-time lola

SYLVIA SANCHEZ ON DELAYING ARJO'S ENTRY TO SHOWBIZ

Inasahan o inakala ba niya noong batang paslit pa lamang si Arjo na pagdating ng araw ay magiging mahusay itong artista?

“Hindi,” bulalas ng aktres.

"Kinukulit niya ako nung bata pa siya, alam niyo yun, alam niyo yan, kayo mga barkada ko, e,” pagtukoy ni Sylvia sa sumulat ng artikulong ito.

Noong 10 o 11 years old si Arjo ay nauna na siyang sumabak sa defunct Kapamilya youth-oriented show na Ang TV.

“Elementary pa siya, grade school pa siya, gusto niya mag-artista. Hindi ko siya pinapayagan, kasi gusto ko nga siya mag-aral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapusin niya, maging businessman siya. Pag naging businessman na siya, kung gusto niya mag-showbiz, e, di why not?

“E, kaso wala, e. Gusto niya talaga, e, calling niya talaga."

Pinabulaanan naman ni Sylvia ang mga sinasabi noon na pinu-push niya si Arjo na pasukin ang showbiz.

“Never ko pinush yun. Ako pa nga yung nag-i-stop na mag-artista.

"Pero talagang wala, e. Kailangan kong pakawalan, kasi nagwawala na siya nung high school, e."

Kuwento pa ni Sylvia tungkol Arjo, “Hindi na niya maintindihan, ‘Ba't hindi mo ako pinapayagang mag-artista?’

"‘Nag-artista ka naman,’ sabi ko. Nung grade school siya, ‘Pagka-graduate mo ng grade school.’

“Tapos nung pagka-graduate niya ng grade school, sabi, ‘Naka-graduate na ako, o artista na ako!’

“Sabi ko, ‘Hindi, kasi high school, kasi padre de familia ka.’ After nung high school, sinabi ko naman, after ng college. Hindi na mapigilan, e.”

Tuluyang nagdesisyon si Arjo na pasukin ang pag-arte matapos siyang sumailalim sa isang acting workshop ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Una siyang nag-supporting role sa seryeng E-boy (2012) ng ABS-CBN.

Hindi na niya natapos ang kolehiyo nang magtuluy-tuloy siya sa showbiz.

Hanggang sa nakilala ang galing niya sa pag-arte nang gumanap siyang kontrabida sa FPJ's Ang Probinsiyano, na pinagbidahan ni Coco Martin.

Read: Arjo Atayde bids goodbye in Ang Probinsyano; Coco Martin's brother joins Book 2

Ang unang acting award ni Arjo ay nang manalo siyang Teleserye Supporting Actor of the Year sa The PEP List Year 3 noong August 2016.

Read: Arjo Atayde becomes emotional as he dedicated Supporting Actor award to co-star Coco Martin

sylvia sanchez on son arjo's acting prowess

Masaya si Sylvia na naging matagumpay ang anak sa pag-arte.

"Alam mo yung parang, ‘Sh*t, galing sa tiyan ko ito!’

“Yung hindi ako makapaniwala, na tuwang-tuwa, na proud, yung ganun. Basta pag nagpo-post na nga lang ako, ‘Proud,’ ganun na lang.

“Kasi wala na, e, wala na akong… nakakatuwa sobra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagsasabing mana si Arjo sa talento sa pag-arte ni Sylvia.

Komento ng aktres, "Okay, ganito, nagmana sa akin si Arjo sa acting, pero alam ko, mas magaling itong batang ito.”

Kaugnay nito, naalala ni Sylvia ang karanasan niya noong baguhan siyang artista sa mga pelikula ni Mother Lily Monteverde sa Regal Films.

“Nung umpisa akong naging artista, pinapaiyak ako ni Mother Lily, ngumingiwi na mukha ko, hindi pa rin ako [makaarte]," natatawang bulalas ni Sylvia.

Sa kaso ni Arjo, hindi raw niya inasahang magagamay agad nito ang pag-arte.

"I mean, nandun na yung talent, nandun na," aniya.

Sabay pagmamalaki niya sa anak, "Pero yung ginawang record ni Arjo, pagpasok na parang, 'Ha? Bakit ganun? E, ako naka-ilang years ako [bago] natutong umiyak, natuto ng mga kung anong dapat gawin.'

“Si Arjo, pagpasok talagang, ‘Oh wow!’ Ang galing niya, aktor kaagad.”

Dagdag pa ni Sylvia, “Ako kasi, nahasa e, may talent na, nandun na, innate na yun, pero ilang taong kong pinag-aralan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2024 METRO MANILA FILM FEST ENTRY: TOPAKK

Mapapanood na sa Pilipinas ang Topakk, na entry ng Nathan Studios sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), na gaganapin simula sa Disyembre 25, 2024.

Gumaganap si Arjo bilang isang security guard na dating miyembro ng Special Forces. Ililigtas niya ang isang babaeng (Julia Montes) nasangkot sa madugong drug war.

Read: 50th MMFF entries: comedy, drama, action, horror, at musical

Kasama ni Arjo sa Topakk sina Julia, Sid Lucero, at Enchong Dee. Ang director ay si Richard Somes.

Read: Sylvia Sanchez welcomes Zanjoe Marudo to her family not just as son-in-law but as third son

ARJO ATAYDE AS REELECTIONIST

Si Arjo ay incumbent representative sa first district ng Quezon City.

Siya ay muling kumakandidato sa parehong posisyon para sa 2025 elections, sa ilalim ng Nacionalista Party.

Makakalaban niya si Vincent Crisologo, na nagsilbing representative ng first district ng Quezon City (2004-2013 at 2016-2019). Bahagi si Crisologo ng Partido Federal Ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez recounts how she tried to stop Arjo Atayde from entering showbiz, but that he was determined to make it as an actor.
PHOTO/S: @sylviasanchez_a Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results