Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na gawing digital na rin ang pagbibigay ng aguinaldo sa mga namamasko.
Pahayag ng BSP, bukod sa pisikal na pera, sana ay gumamit na rin ng electronic cash (e-cash) bilang regalo.
Paliwanag ng BSP, tumataas kasi ang demand sa bagong perang papel at coins sa panahon ng Kapaskuhan.
Read: Why is polymer banknote better than paper banknote?
Naging kaugalian na ng mga Pilipino na bago, malutong, at malinis na pera ang ipinamimigay na Pamasko.
“Sending cash gifts electronically is convenient and efficient, and it promotes a more digital and inclusive Philippine economy,” panghihikayat ng BSP.
Sa kabilang banda, ipinaalala rin ng BSP sa publiko na maaaring magpapalit ng mga bagong perang papel at coins nang libre sa kanilang depository banks.
Tiniyak din nitong patuloy ang pagpo-produce ng mga bagong banknotes at coins para ma-meet ang demand ngayong holiday season.
Read: BSP to release PHP500, PHP100, PHP50 polymer banknotes in 2025
