PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofronio Vasquez credits Tawag ng Tanghalan for The Voice win

Sofronio Vasquez: "Talagang nabatak ako."
by Bernie V. Franco
Published Dec 12, 2024
Sofronio Vasquez
The Voice USA grand winner Sofronio Vasquez says his past experience from Tawag ng Tanghalan served as a training ground. "Ang laking bahay sa akin na nakasali ako ng Tawag ng Tanghalan."
PHOTO/S: GMA Network on YouTube / The Voice on YouTube

Tila hindi pa nagsi-sink in kay Sofronio Vasquez ang pagkapanalo niya sa The Voice USA Season 26 noong December 11, 2024 (Philippine time).

Bukod sa pinakaunang Pilipinong nanalo sa The Voice USA, si Sofronio, 32, rin ang first-ever Asian winner ng prestihiyosong singing competition sa telebisyon.

“Napaka-emotional po ng naging panalo ko kagabi. Actually, ngayon po nanginginig po ako habang sini-share sa inyo, kasi parang pangarap ko lang po dati,” sabi ni Sofronio sa live interview sa kanya ng It’s Showtime hosts nitong Huwebes, December 12.

Hindi rin nakalimutang banggitin ni Sofronio ang "Tawag ng Tanghalan (TNT)," ang singing contest ng It's Showtime, kung saan tatlong beses siyang sumali.

Aniya, “At proud po ako na nagsimula ako sa Tawag ng Tanghalan. kasi Tawag ng Tanghalan, Showtime ang unang naniwala sa akin.”

Dahil daw sa ilang beses niyang pagsali sa "Tawag ng Tanghalan" kaya nahasa nang husto si Sofronio pagdating sa pagkanta sa entablado, na naging edge niya sa The Voice USA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sofronio Vasquez hailed as first Asian winner of The Voice USA

Sinabi rin ng experienced singer na nang sumali siya sa The Voice USA ay ni-represent niya ang Utaca, New York, kunsaan siya nakabase two years ago.

“Pero mapalad po ako dahil yung mga producers ng mismong show, sila mismo yung nag-suggest na, ‘Maganda kung siguro i-represent mo yung Philippines kasi hindi pa sila talaga nagkaroon ng Filipino-blooded and full-born and raised.'"

Lubos-lubos din ang pasasalamat ni Sofronio sa kanyang coach, ang Canadian singer na si Michael Bublé.

“Masaya po ako na, along the way, talagang sincere at totoong pagmamahal yung galing kay Michael Bublé para sa Pilipinas.

“At shinare po niya na meron po siyang deep connection sa Pilipinas kasi kumpare daw po niya si Martin Nievera.

"Meron daw po siyang naka-date na kilala nating lahat na dyosa sa atin."

Read: The Voice winner Sofronio Vasquez reposts Rey Valera's advice

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SOFRONIO CREDITS HIS EXPERIENCE IN TNT

Nauna rito, na-interview na si Sofronio sa Showtime Online U, ang online show ng Kapamilya noontime show, noong November 30, 2024.

Nakapasok noon si Sofronio sa The Voice USA Top 8.

Dito niya ikinuwento kung paano siya nahubog bilang singer sa Tawag ng Tanghalan.

Mas matindi raw ang naging karanasan niya nang sumabak siya sa TNT bilang contestant kumpara sa The Voice USA.

Sabi niya, “Mas matibay ang labanan diyan sa atin.

"Kasi sa na-experience ko kasi sa Tawag ng Tanghalan, every day we practice songs. Every day inaantay natin yung mga areglo, every day, after nating kumanta.

“Yung na-experience kasi namin diyan, kakanta ka, tatalunin mo yung tatlo muna. Nanalo ka, aantayin mo bago matapos yung show…

“Magpapahinga ang banda, tapos mag-aaral ka ng song.

“Uuwi ka ng bahay, tapos kinabukasan napakaaga ng call time.”

Mas madali raw ang format ng The Voice USA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
It's Showtime hosts and Sofronio Vasquez
It's Showtime hosts interview The Voice USA Season 6 winner Sofronio Vasquez, a former Tawag ng Tanghalan semifinalist.
Photo/s: GMA Entertainment on YouTube

Pagpapatuloy ni Sofronio, “Dito kasi, weekly siya. So, minsan sobrang haba ng time.

“So ang masasabi ko, sobrang laking bagay... kaya sinabi ko talaga na sa Tawag ng Tanghalan, ang laking bagay sa akin na nakasali ako ng Tawag ng Tanghalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, kumbaga, talagang nabatak ako, na namaos pa.

"Ang laking advantage… Training ground talaga.”

Sundot pa ni Sofronio, “kinatatakutan” daw ang Filipino singers ng ibang lahi.

“’Tapos yung kantahan kasi nila dito, sobra silang namamangha kapag bumibirit ka.

“Ako, di ako biritero na [pag] nagbe-belt ako, sobra silang natutuwa. How much more kung ating mga biritera natin diyan…”

SOFRONIO’S ADVICE TO ASPIRING SINGERS

Kasalukyang nasa Los Angeles, California, si Sofronio.

Hindi pa raw niya alam kung kailan siya makakabalik ng Pilipinas.

Pero ang tiniyak niya ay It’s Showtime ang una niyang bibisitahing programa pagbalik.

Nagbigay rin siya ng ng payo sa mga nais marating ang kanyang tagumpay.

Sabi niya, “Siguro ang pinakamagandang advice na maibibigay ko, kahit ilang beses kang na-reject, hindi talaga siya nagpapatunay na wala ka nang chance, e.

“Sino ba naman kasi ang mag-iisip na ako, Bisaya galing sa Mindanao, trying to just be someone in music, lahat ng auditions sinubukan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ten years after, naibigay sa akin. So, hindi mo lang titigilan.”

Ibinunyag ni Sofronio na dati rin siyang sumabak sa The Voice Philippines noong 2014, pero walang coach na umikot para sa kanya sa blind auditions.

Ironically, nang mag-blind audition siya sa The Voice USA ay isa siya sa nagkaroon ng four-chair turns mula sa coaches na sina Michael Bublé, Gwen Stefani, Reba McEntire, at Snoop Dogg.

Itinuturing na “rare” magkaroon ng four-chair turns ang contestant sa blind auditions.

Umaapaw rin ang pasasalamat ni Sofriano sa mga kababayan niya.

“Sa lahat po ng Pilipino, sa lahat ng ating madlang people, sa lahat po ng mga Filipino-Americans, sa kanila pong lahat, maraming-maraming salamat po.

“Dahil pinatunayan po natin na kahit dito sa Amerika po, hindi po puwedeng talunin yung lakas, sipag, at pananampalataya ng isang Pilipino talaga.

"Kasi kahit saan, namamayagpag po tayo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Voice USA grand winner Sofronio Vasquez says his past experience from Tawag ng Tanghalan served as a training ground. "Ang laking bahay sa akin na nakasali ako ng Tawag ng Tanghalan."
PHOTO/S: GMA Network on YouTube / The Voice on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results