Hinatulang guilty ang SMNI hosts na sina Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celiz sa civil case na isinampa sa kanila ng Kapuso broadcaster na si Atom Araullo.
Read: Atom Araullo sues Badoy, Celiz for P2M
Base ito sa resolusyong pirmado ni Judge Dolly Rose Bolante-Prado ng Quezon City Regional Trial Court noong Huwebes, December 12, 2024.
Si Badoy-Partosa ay dating undersecretary sa Presidential Communications Operations Office noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang SMNI o Sonshine Media Network International ay TV network na pag-aari ng kontrobersiyal na televangelist na si Apollo Quiboloy.
Idinemanda ni Atom ang dalawang akusado matapos siyang bansagang "member" o "enabler" ng outlawed Communist Party of the Philippines (CPP).
Mapanganib ang ganitong red-tagging o pagtawag na "red" sa isang tao.
Ayon kay Judge Bolante-Prado, "Red-tagging, being a threat to a person’s fundamental rights, is inherently malicious."
Ipinaliwanag din niya na ang red-tagging ay nagreresulta sa banta sa buhay, kalayaan, at seguridad ng isang tao.
Diin pa ng hurado: "The right to free speech is not absolute; it imposes limitations on its exercise to ensure that it will not impinge upon the rights of others. It does not protect defamatory statements."
Read: Atom Araullo confirms, gives details about "great relationship"
ATOM ARAULLO CAMP ON RED-TAGGING
September 11, 2023 nang ihain ni Atom ang reklamong sibil laban kina Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celiz.
Ipinaliwanag noon ng mga abogado ni Atom na hindi lang basta mapanirang-puri kundi mapanganib ang ipinakalat na maling impormasyon laban sa kanilang kliyente.
Sabi ni Atty. Ayn Tolentino: "Inakusahan si Atom din na binibiktma niya ang mga Pilipino at pinoprotektahan niya ang mga komunista.
"Sinabi rin na ginagamit niya ang kanyang trabaho bilang journalist to destroy and attack others.
"Gumagawa rin daw siya ng mga dokumentaryo na faithful to the likes of CCP-NPA-NDF."
Ang CCP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front ay tumutukoy sa outlawed communist groups sa bansa.
Kinumpirma rin ni Atom na nakakatanggap siya ng death threats sa social media dahil sa paghanay sa kanya sa mga grupo ng komunista.
"Sinasabi nila, 'Pupugutan kita ng ulo pag nakita kita,' 'isang araw mabubura ka rin sa mundo.'
"I guess, para sa ating mga journalists, dahil minsan lagi mo siya natatanggap, pinagwawalang-bahala mo na lang.
"Pero hindi naman puwedeng ganun, dahil di natin alam kung ano iniisip ng mga tao."
Read: Atom Araullo admits to being “torpe” in the past
smni hosts penalty AMOUNTING TO MORE THAN PHP2M
Para sa tatlong bilang ng "cause of action," pinagbabayad ang mga akusadong sina Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celiz ng kabuuang halagang PHP2.07 million para sa nominal damages, moral damages, at exemplary damages para kay Atom.
Pinagmumulta rin sila ng PHP10,000 para sa attorney's fees ni Atom.
Dagdag pa sa resolusyon: "All damages awarded shall be subject to interest at the rate of six percent (6%) per annum from the finality of this Decision until its full satisfaction."
