PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What Gary Valenciano tells crowd before ending his concert

Gary Valenciano shows up for his concert despite feeling under the weather.
by Rachelle Siazon
Published Dec 21, 2024
Gary Valenciano shares a touching message before ending his concert at the Araneta Coliseum
Gary Valenciano shows up for his 40th anniversary concert despite feeling under the weather. Many times he opted to sit while singing his songs to avoid straining himself. He also shared a touching story about his musical journey and what's next for his career.
PHOTO/S: Rachelle Siazon

"It's okay to stop."

Ito ang mensaheng natanggap ni Gary Valenciano sa "God-given vision" ng aniya'y kanyang spiritual encounter sa Diyos noong 2008.

Ibinahagi niya ang kuwentong ito sa kanyang One More Time concert, na ginanap sa Araneta Coliseum, Biyernes ng gabi, December 20, 2024.

Ito raw ang dahilan kung bakit tinawag na One Last Time ang concert niya noong Mayo, na nitong Disyembre ay tinawag naman niyang One More Time, bilang bahagi pa rin ng celebration niya ng 40th year sa music industry.

Read: Gary V, hindi natapos ang concert dahil sa masamang kundisyon

Kuwento ni Gary, mayroon siyang two-night concert sa Araneta Coliseum noong November 14 and 15, 2008 para sa kanyang 25th anniversary.

May sakit daw siya noon at walang boses, kaya noong umaga ng November 15 ay nagpa-prayover siya sa misis na si Angeli.

Doon daw siya nakakuha ng "God-given vision" na aniya ay sumisimbolo sa mangyayari sa hinaharap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, friends, that vision is now," nakangiting sabi ni Gary.

Sa vision na iyon, ramdam niya na kasama niyang naglalakad ang Panginoon papunta sa isang "empty horizon."

Lahad ni Gary, "After walking with Him for a beat. I stopped in my tracks. I heard him say, 'It’s okay Gary to stop and look back.'"

Lumingon daw si Gary at nakita niya ang kakatapos na concert noong November 14, 2008, pati na rin ang iba pa niyang nagdaang concert sa loob ng noo'y 25 years niya sa music industry.

Sa usapan nila ng Panginoon, waring ipinahiwatig daw kay Gary na may katapusan ang malakihan niyang concerts na kinasanayan.

Ang mensaheng nakuha ni Gary: “It may not be as grand Gary, but it will be fulfilling. Maybe even more fulfilling than the past. So, you wanna go?”

Sa puntong ito, sinabi ni Gary na siya ay nasa 40th year na ng kanyang karera sa music industry, at aminado siyang "nakakapagod din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ipinaliwanag din niya na hindi ibig sabihin ay ihihinto na niya ang kanyang musical career.

Bagamat aminado siyang posibleng huling malakihang concert na niya ang One More Time, maaari pa rin naman daw siyang gumawa ng smaller scale concerts.

Idiniin niya na patuloy siya sa paggamit ng talentong ibinigay sa kanya ng Panginoon na siyang daan upang makapagbigay ng inspiration at healing sa ibang tao.

At patuloy din daw siyang magtitiwala sa Panginoon kung anuman ang plano nito para sa kanya.

"But there is a calling that is energizing me to go deeper into the spirit of uplifting and encouraging many more than ever before.

"For as long as this heart beats, that’s what I will do.”

Dagdag niya, "I'm gonna walk to that empty horizon with its challenges and its victories.

"With each taken, it would taken be with energy, with hope, by faith, and wholeheartedly trusting him, the source of all my pure energy."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkatapos ng mensahe niyang ito, kinanta ni Gary ang kanyang finale song na "Take Me Out Of The Dark."

@iampinkshi

"I am not well." Gary Valenciano delivers a touching concert despite feeling under the weather. He said it was heartbreaking for him not to perform the numbers he and his team prepared for the One More Time concert, but that he was really feeling sick. He sang "Take Me Out of The Dark" for his finale song. I loved that he chose to perform songs of praises to the Lord at the start of the concert and before bidding farewell to the crowd. Walang kupas, ganda ng boses kahit may sakit. ???? To God be the glory!

? original sound - Pinkshi

GARY VALENCIANO TELLS CROWD HE CAN'T FINISH THE CONCERT

Hindi natapos ni Gary ang concert dahil mayroon siyang sakit.

Ilang beses daw siyang nagsuka bago nagsimula ang concert at muntik nang hindi tumuntong ng stage.

Ito ang dahilan kung bakit bahagyang na-delay ang concert, at 9:15 P.M. na nang sumalang siya para sa kanyang opening number.

Noong simula ay hindi pa halatang may sakit siya dahil nakuha pa ni Gary na i-perform ang sunud-sunod na upbeat numbers, kabilang ang Christian songs na "Shout for Joy" at "That's Why."

@iampinkshi

Gary Valenciano managed to sing and dance for the opening numbers of his One More Time concert at the Big Dome. Enjoyed listening to him sing "Shout For Joy" and "That's Why." ????

? original sound - Pinkshi

Pero matapos ang medley of songs, huminto si Gary at umupo sa isang bahagi ng stage.

Pumasok ang isang staff mula sa isang emergency medical responder para tignan si Gary, na halatang nahahapo.

Dito na sinabi ni Gary na hindi mabuti ang kanyang pakiramdam at posibleng hindi niya matapos ang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Heartbreaking" daw para sa kanya na hindi ma-perform ang mga production numbers na hinanda niya, pero ayaw din daw niyang sagarin ang sariling lakas.

Nag-abiso siya sa audience na may mga pagkakataong uupo na lang siya habang kumakanta.

Nakasama pa niya ang P-pop group na BGYO sa isang production number.

GARY VALENCIANO PERFORMS FOR AN HOUR

Hanggang sa huli ay pinilit niyang mag-perform para sa fans, lalo na raw sa mga nanggaling pa ng ibang bansa para lamang mapanood siya.

Ani Gary, iniba na niya ang repertoire ng concert na kanyang sinulat at piniling kantahin ang mga kantang alam niyang titimo sa puso ng mga manonood.

Kabilang dito ang "Natutulog Ba Ang Diyos?" at "The Warrior is A Child."

Malugod itong tinanggap ng audience na sumigaw na naiintindihan nila ang sitwasyon ni Gary, at hindi isyu na tapusin na niya ang concert.

Natapos ang concert eksaktong 10:20 P.M.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gary Valenciano shows up for his 40th anniversary concert despite feeling under the weather. Many times he opted to sit while singing his songs to avoid straining himself. He also shared a touching story about his musical journey and what's next for his career.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results