PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wally Bayola-Jose Manalo tandem, 25th anniversary sa 2025

Pamilya Sotto, Eat Bulaga! Dabarkads kumpleto sa premiere ng The Kingdom
by PEP Troika
Published Dec 22, 2024
Wow Mali: Doble Tama hosted by Jose Manalo and Wally Bayola
Comedy tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola, nalalapit na ang 25th anniversary sa 2025. Ano kaya ang kanilang pasabog? Concert ba or movie?

GORGY RULA:

Suportado ng halos buong pamilya Sotto ang premiere night ng pelikulang The Kingdom noong Biyernes, December 20, sa Cinema 11 ng Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City.

Piolo Pascual
Vic Sotto
The Kingdom lead stars Piolo Pascual and Vic Sotto
Photo/s: Nina Sotto Facebook

Hindi lang ang Sotto family at mga kaibigan ang dumating, kundi ang iba pang Dabarkads ng Eat Bulaga! kagaya nina Jose Manalo at Wally Bayola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Cristine Reyes
Vic Sotto
Wally Bayola
Jose Manalo
The Kingdom stars Cristine Reyes and Vic Sotto, with Wally Bayola (leftmost) and Jose Manalo (center)
Photo/s: Nina Sotto Facebook

Humahangos na dumating ang bagong kasal na si Jose Manalo na kagagaling lang daw ng airport mula sa Boracay kung saan ginanap ang kasal nila ni Mergene Maranan.

“Ay! Masayang-masaya ang bagong kasal!” bulalas ni Jose nang sinabayan ko sa red carpet papasok ng cinema.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpapasalamat siya sa Panginoon na nalagpasan na raw niya ang mga pinagdaanan niya noon, at ngayon ay masaya na siya sa piling ni Mergene at ng kanilang mga anak.

“Thank you, Lord! Thank You, Lord sa mga pagsubok at mga biyayang binigay sa amin. Galing pa ako sa airport, deretso na ako dito kay Bossing, kasi dapat natin panoorin si Bossing.

“Maganda, e. Hindi ko puwedeng ma-miss. Baka masabay sa honeymoon. So, punta muna tayo dito,” dagdag ni Jose.

Wala pa siyang sinabi kung saan ang honeymoon, pero magkakaroon daw.

Read: Jose Manalo, Mergene Maranan now officially husband and wife

NOEL FERRER:

Bago dumating si Jose sa premiere ng The Kingdom ay nakatsikahan din ng PEP Troika si Wally Bayola na masaya sa kanyang kaibigan.

Vico Sotto
Oyo Sotto
Danica Sotto
Tali Sotto 
Vic Sotto
Paulina Sotto
(L-R) Vico Sotto, Oyo Sotto, Danica Sotto, Tali Sotto, Vic Sotto and Paulina Sotto
Photo/s: Pauline Luna-Sotto Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat daw si Jose nang dumating silang lahat sa Boracay para maging bahagi sa kasal nito.

“Si Jose, hindi niya ini-expect na pupunta lahat. In-invite niya pero isipin niyo, malayo. Tapos, di ba pag December, iba yung dagat Boracay e, maalon.

“Pero natuwa siya. Sabi niya, grabe, dumating lahat sila, buong pamilyang Sotto, de Leon, lahat.

“Deserved ni Jose na maging masaya. Siyempre after all the struggles na pinagdaanan, eto,” pahayag ni Wally.

JERRY OLEA:

JOSE-WALLY TANDEM, 25TH ANNIVERSARY NA SA 2025

Nabanggit na rin ni Wally Bayola na next year ay 25 years na ang tandem nila ni Jose at may binabalak na sila para i-celebrate ang 25th anniversary ng kanilang partnership sa pag-entertain. Kaya may iniisip na magandang project para sa kanila.

“Hindi ko alam pero magse-celebrate kami ng silver namin ng Wally-Jose.

Hindi pa namin alam… it’s our silver anniversary, 25 years na kami next year.

“Siguro, mag-Araneta? Baka lang… o baka mag-movie,” sabi pa ni Wally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Comedy tandem Jose Manalo and Wally Bayola on doing another concert: “Nakakatakot po… nakakatakot.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedy tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola, nalalapit na ang 25th anniversary sa 2025. Ano kaya ang kanilang pasabog? Concert ba or movie?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results