PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Zig Dulay vying for awards for MMFF 2024 entry Green Bones?

Zig: "Naniniwala kami sa kung ano yung gustong sabihin ng Green Bones."
by Rommel Gonzales
Published Dec 27, 2024
Zig Dulay not pressured to win awards for MMFF 2024 entry Green Bones
Zig Dulay says he does not expect to win awards for Green Bones, but that he hopes more people can watch it and appreciate what the story wants to convey.
PHOTO/S: GMA-7

Noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 ay nanalong Best Picture ang pelikulang Firefly, na hinulma ng direktor na si Zig Dulay at sinulat ni Angeli Pangilinan.

Iprinodyus iyon ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.

Nanalo ang Firefly bilang Best Picture, habang si Angeli ang nakasungkit ng Best Screenplay sa MMFF 2023 Gabi Ng Parangal.

Ngayong taon ay bahagi uli si Zig ng MMFF 2024 para sa heavy drama film na Green Bones.

Co-produced ito ng GMA Pictures, GMA Public Affairs, at Brightburn Entertainment, ang film company nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Ang Kapuso stars na sina Dennis at Ruru Madrid ang bida ng pelikula.

Read: Zig Dulay: Dennis Trillo exceeded expectations for Green Bones

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong namin si Zig kung nakaramdam siya ng pressure dahil inaasahang strong contender muli siya bilang best director at ang Green Bones bilang best picture sa awards night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi siya super pressure," saad ni Zig.

"Kasi una, hindi ako fan ng competition. Mahalaga sa akin na nakapasok yung Green Bones sa MMFF kasi sure ako na maraming makakapanood.

"Nandun ako sa stage ngayon na ganoon, na gagawa ng something para mas mapanood ng mas nakararaming tao.

"Kasi dahil naniniwala kami sa kung ano yung gustong sabihin ng Green Bones, kung ano yung i-impart niya, lalung-lalo na dun sa values or pagpapahalaga."

ZIG DULAY ON EXPECTATIONS FROM WORKMATES

Mas na-pressure pa raw si Zig sa mga taong nakatrabaho niya na nagsasabing, "Tinanggap ko itong project na ito dahil gusto ko maka-work si Zig Dulay."

Patuloy ni Zig, "So, nag-e-expect sila na something, may matututunan sila sa akin or may makikita silang something, parang ganoon.

Hindi kasi ako ganoon. Wala ako in mind na, 'Dapat may makuha silang something, dapat makita nila yung Zig Dulay.'

"Hindi naman. Ginagawa ko lang kung ano yung mga dapat gawin dun sa eksena."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Idiniin niya na mas inisip niya na pamantayan ang sariling grupo.

Dagdag niya, "...kung paano namin gagawin yung pinaka-best namin para mailabas yung best version ng pelikula na deserve ng mga taong mapanood."

Nakapanayam si Zig sa grand mediacon ng Green Bones noong December 5 sa Quezon Ballroom 3 ng Seda Hotel sa Quezon City.

Kasalukuyang pinapalabas sa mga sinehan ang Green Bones, na ayon sa source ng PEP Troika ay panglima sa box office noong opening day noong December 25.

Read: MMFF 2024 Top 4 sa box office sa opening day

ZIG DULAY ON WORKING WITH DENNIS TRILLO, RURU MADRID

Sa Firefly noong MMFF 2023 ay bidang artista ni Zig ang child actor na si Euwenn Mikaell, na ten years old pa lamang nang ginagawa ang pelikula.

Ano ang kaibahan sa pagdidirek ng isang batang paslit na tulad ni Euwenn kumpara sa mga adult stars tulad nina Dennis at Ruru para sa Green Bones nitong MMFF 2024?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Magkaiba sila, sa totoo lang,” bulalas ni Zig.

Paglalarawan ni Zig kay Euwenn: "Kasi si Euwenn before, medyo mas mahirap kasi bata, pero na-enjoy ko kasi it’s a new learning for me, parang ganoon.

"Tapos, ano siya, may karisma siyang natural, so ang inaaral mo ay paano mo magagamit yung pagiging naturalesa niya dun sa mga eksena."

Pagtukoy niya kina Dennis at Ruru at iba pang cast ng Green Bones: "Mahuhusay na mga artista.

"Same thing, yung method in a way na paano mo magagamit itong husay nilang ito dun sa pag-create ng eksena or pag-create ng pelikula as a whole?

“Medyo mas mabilis dun sa kina Dennis and Ruru. Ang sa akin na lang ay lagi akong humihingi ng versions, ‘Push pa natin ito!’

"Tapos pag binigay nila, iyon yung maganda kasi dahil mahusay sila, nabibigay nila kung ano yung ino-order.

"Pero lagi mo silang pinu-push dun sa ano pa yung kaya nating ibigay? Ano pa yung kaya nating maiambag dun sa eksena?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming beses nang nakatrabaho ni Zig si Dennis sa telebisyon, pero pinakauna sa pelikula.

Ano ang malaking kaibahan katrabaho si Dennis sa TV projects at ngayon sa isang malaking pelikula?

"Maliban doon sa ibang iba yung karakter nila.

"Tapos ang natutuwa ako kay Dennis, sa dami ng pinagdaanan namin, iba-ibang characters yung hinihingi, lagi niyang nabibigay, at binibigay niya ng sobra.

“Kung ano yung expectation sa kanya, lagi niyang na-e-exceed. Kaya lagi ako na-a-amaze.

"Lagi akong natutuwa, at ganoon din siya dito sa Green Bones. Challenging, complex yung character, pero pag nagpe-preview ako ng edit, iba rin talaga siya.

"Tapos bucket list ko yan, e, na magkaroon kami ng pelikula, so eto na."

Read: Green Bones director Zig Dulay credits Jessica Soho for TOYM award

GREEN BONES CAST AND CREATORS

Ang Green Bones ay sinulat ni Ricky Lee, National Artist for Film and Broadcast Arts, at Angeli Pangilinan.

Kasama sa Green Bones sina Alessandra de Rossi, Ronnie Lazaro, Wendell Ramos, Sophia Pablo, at Pauline Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang din sina Mikoy Morales, Sienna Stevens, Kylie Padilla, Victor Neri, Ruby Ruiz, Gerhard Acao, Raul Morit, at Enzo Osorio.

May special participation sina Iza Calzado at Nonie Buencamino.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zig Dulay says he does not expect to win awards for Green Bones, but that he hopes more people can watch it and appreciate what the story wants to convey.
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results