Marami ang nagsasabing magiging challenging para kay Ruru Madrid ang mga susunod nitong proyekto dahil sa pagkapanalo niya bilang best supporting actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Flm Festival (MMFF) 2024.
Nanalo si Ruru para sa pagganap niya sa Green Bones, na itinanghal namang Best Picture.
Read: Dennis Trillo, Judy Ann Santos lead MMFF 2024 Gabi ng Parangal
RURU MADRID COLLABORATION WITH SPARKLE
Sa grand media conference ng bagong primetime series ni Ruru na Lolong: Bayani ng Bayan kahapon, January 13, 2025, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actor kung magiging choosy na siya sa kanyang mga susunod na proyekto.
Sagot ng 27-year-old actor, "Well, siguro yun yung... dun papasok yung collaboration ko with my team, with my management, of course with Sparkle.
"Sobrang ano kami, mabusisi kami sa pagtanggap ng proyekto. Kasi naniniwala kami na kailangan mo talagang salain, e.
"For example, dahil nga yung Green Bones parang naging critically acclaimed siya, and then ngayon tinatangkilik din po siya ng mga tao, para bang ang hirap sundan.
"Pero basta naramdaman mo na parang may calling doon sa project, I guess it's ano, parang okay lang naman po na tanggapin natin."

Level-up na ba talaga ang acting niya bilang isa na siyang award-winning actor?
Ayon kay Ruru, "Well, of course, sabi ko nga, in every project na ginagawa ko, simula noon pa gusto ko lagi ako nag-i-improve.
"Every single day, my goal is to push myself to my limits, to be the best version of myself.
"Gusto ko yung pakiramdam na nakikipagkumpitensiya ako sa sarili ko. Kasi in that way, lagi may bago akong ipapakita at lumalabas yung panibagong ako."
Read: Ruru Madrid closes 2024 with Green Bones, opens 2025 with Lolong
LOLONG: bayani ng bayan premieres january 20
Sa Lolong: Bayani ng Bayan, makakasama muli ni Ruru ang mga nakasama niya sa Book 1 na sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor, at Ms. Jean Garcia.
Sa Book 2, pasok sa cast sina John Arcilla, Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda, at Tetchie Agbayani.
Pasok din sina Victor Neri, Nonie Buencamino, Rodjun Cruz, Pancho Magno, Michelle Dee, Nikki Valdez, Bernadette Allyson, Boom Labrusca, Jan Marini, Gerard Pizarras, Archi Adamos, Nicco Manalo, Nikko Natividad, John Clifford, Waynona Collings, Rubi Rubi, Inah Evans, Barbiengot Forteza, Joe Vargas, Karenina Haniel, at Mr. Leo Martinez.
Kasama rin sa show ang mga baguhang child stars na sina Ryrie Sophia at Drey Lampago.
Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay mula sa direksiyon nina King Mark Baco at Rommel Penesa.

Lolong: Bayani ng Bayan all-star cast
Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay mula sa GMA Public Affairs at bahagi ng GMA Network’s 75th year.
Mapapanood ang Lolong: Bayani ng Bayan simula January 20, 2025, pagkatapos ng 24 Oras.
