PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Philip Laude files writ of habeas data petition vs Precious Larra Su

Philip takes legal action against woman in viral screenshots last December.
by Rachelle Siazon
Published Jan 16, 2025
Small Laude and Philip Laude at the renewal of their wedding vows; Precious Larra Su at contract signing with Vivamax
Philip Laude, husband of Small Laude, files habeas data petition against Precious Larra Su (not in photo), the woman involved in viral screenshots that dragged him in an alleged third-party issue. The court reportedly granted Philip's petition on January 10, and the first hearing is set today. Seen in the photo are Small and Philip during their renewal of vows in their own home in 2022.
PHOTO/S: Small Laude YouTube / @vmxphilippines Instagram

Naghain ng petisyong writ of habeas data ang negosyanteng si Philip Laude laban kay Mae Larra Sumicad, a.k.a. Precious Larra Su.

Si Precious Larra ay winelcome bilang bahagi ng Vivamax family, base sa artcard mula sa VMX Philippines Instagram, noong October 18, 2023.

Si Philip ay kilala sa showbiz world bilang mister ni Small Laude.

Si Small ay YouTube star na may 2.31 million subscribers sa kanyang channel.

Sa Instagram ay may 942,000 followers si Small, at sa TikTok ay mayroon siyang 1M followers.

Small Laude and Philip Laude at their renewal of vows in 2022
Small Laude and Philip Laude at their renewal of vows in 2022
Photo/s: Small Laude YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aktibo rin si Small bilang celebrity endorser at ambassador ng iba-ibang brands.

Ang mister ni Small na si Philip ay isang negosyante na may-ari ng Timson Securities, Inc., isang online stock trading company.

Ang pamilya naman ni Philip ay may-ari ng Candyman, isang confectionary company na maker ng kilalang White Rabbit candy brand.

Madalas ding mapanood si Philip sa vlogs ni Small Laude, na karaniwang tumatabo ng higit one million views.

Kasama ni Small si Philip sa halos magkakasunod na out-of-the-country trips nitong taon.

Ang kanilang Japan, Prague, Greece, at Hong Kong trips ay na-post sa YouTube Channel ni Small noong April, June, July, at December 2024, respectively.

the ALLEGED SCREENSHOTS linked to philip laude

Noong December 17, 2024, sumabog sa Internet at social media platforms ang kontrobersiyang inuugnay ng netizens sa mister ni Small na si Philip.

May nag-viral na screenshots ng exchange of direct messages sa Instagram sa pagitan ng dalawang taong waring may relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May litrato rin sa screenshot ng isang lalaki at isang babaeng magkadikit at magkaangkla ang kamay. Sinasabing ang lalaki ay hawig ni "Philip," habang ang babae ay sinasabing nagngangalang "Precious Larra Su."

Sa screenshots, ang nakalagay sa display photo ng Instagram account ay mukha ng babaeng hinihinalang si Precious Larra.

Sa IG post ng nagpakilalang Precious Larra nailathala ang pinag-uusapang screenshots ng alitan nila ng sinasabing Philip Laude.

Masasabing intimate ang takbo ng convo ng dalawang taong magkausap sa screenshots—na kung minsan ay may pagsuyo at pagsusumamo, at kung minsan ay may halong galit dahil ang alitan ay sa pagitan ng dalawang taong may relasyon.

Read: Pauleen Luna gets "rape threats" because of teaser, claims lawyer

PHILIP LAUDE SUES PRECIOUS LARRA SU

Hindi nagbigay ng anumang opisyal na pahayag si Philip, o maging si Small, noong kasagsagsan ng viral screenshots.

Dumaan ang Christmas season na nakikisaya ang mag-asawa sa mga pagdiriwang ng Pasko ng malalapit na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit sa ulat ng bilyonaryo.com ngayong Huwebes, January 16, 2025, nakasaad na naghain ng petisyon ng writ of habeas data si Philip sa Branch 160 ng Pasig Regional Trial Court laban kay Precious Larra.

Sinabi rin sa ulat na noon pang January 10 naglabas ng utos ang korte para magkaroon ng pagdinig para rito.

Ngayong araw, January 16, nakatakda ang unang pagdinig para sa writ of habeas data petition ni Philip laban kay Precious.

Ang writ of habeas data, ayon sa sc.judiciary.gov.ph, ay legal remedy para sa sinumang ang "right to privacy in life, liberty or security" ay napagbantaan o nalabag dahil sa "unlawful act" ng isang indibwal o entity na nangalap, nangolekta o nag-record ng anumang data o impormasyon tungkol sa isang tao, pamilya, tahanan, at correspondence ng "aggrieved party."

Hindi malinaw sa ngayon ang detalye ng petisyon ni Philip.

Sa saliksik ng PEP, ang pagdinig para sa writ of habeas data ay kaagad gina-grant ng korte kung may nakikitang banta o paglabag sa "right to privacy in life, liberty, or security" ng aggrieved party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read: Mga magulang ni Pauleen Luna, umalma sa bashers ni Vic Sotto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philip Laude, husband of Small Laude, files habeas data petition against Precious Larra Su (not in photo), the woman involved in viral screenshots that dragged him in an alleged third-party issue. The court reportedly granted Philip's petition on January 10, and the first hearing is set today. Seen in the photo are Small and Philip during their renewal of vows in their own home in 2022.
PHOTO/S: Small Laude YouTube / @vmxphilippines Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results