PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maris Racal teases new song after cheating controversy

Maris Racal: "hi. im back"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 17, 2025
Maris Racal teases new song "Perpektong Tao" after cheating issue
Maris Racal returns to social media with announcement of her new song titled "Perpektong Tao," which she said "healed" her.
PHOTO/S: Maris Racal on Instagram

Unti-unti nang muling nagiging aktibo si Maris Racal sa social media, makaraan niyang mag-social media hiatus.

Ito'y matapos niyang masangkot sa isa sa pinakamalaking kontrobersiya noong 2024, dulot ng cheating allegation ng ex-girlfriend ng ka-loveteam niyang si Anthony Jennings.

Read: Anthony, Jamela, Maris: The unfinished tale of a messy breakup

MARIS RACAL'S UPCOMING SINGLE

At ngayong nagbabalik si Maris, isang regalo ang handog niya sa kanyang mga tagahanga.

Inanunsiyo ng actress-singer sa publiko ang paglabas ng isang kanta hango sa kanyang masalimuot na pinagdaanan.

Nitong Huwebes, January 16, 2025, ipinost ni Maris sa kanyang Instagram ang ilang litrato, kalakip ang balita tungkol sa kanyang bagong single.

Read: Maris Racal and Anthony Jennings reunite after controversy

Sa mga litrato, makikitang may hawak si Maris na animo'y tabloid na may nakaimpretang mukha niya kasama ang headline na "MARIS RACAL PERPEKTONG TAO."

Maris Racal teases new song
Photo/s: Maris Racal on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa caption ng nasabing post, sinabi ni Maris na nagawa niya ang ilalabas na kanta, na may titulong "Perpektong Tao," dahil sa kanyang mga pinagdaanan.

Read: Nasaan ang tambalang Maris Racal-Anthony Jennings, a.k.a. Mathon?

Ito rin daw ang nakatulong sa kanya para mag-heal sa mga sakit na kanyang naramdaman.

Mababasa sa kanyang caption (published as is): "Writing this song healed me in ways I never thought possible.

"It was born from a journey through pain, regret, and the courage to seek forgiveness, a reminder that even in our darkest moments, we can find light.

"I’m sharing this with the world, hoping it resonates with those who need it most.

"Perpektong Tao drops tomorrow."

In-upload din ito ni Maris sa kanyang Instagram Stories, kalakip ang caption na (published as is), "hi. im back."

Maris Racal teases new song
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS' REACTION

Samantala, sa comments section ng post ni Maris ay marami sa kanyang fans ang sumuporta sa pagbabalik niya.

Komento ng isang netizen (published as is), "Go gurllll! I may not like what you have done before pero it’s undeniable na super talented ka inday! Wag mo na ulitin yun ha!!!!! Wishing you all the best palagi!"

Saad ng isa (published as is), "Maris pinaglaban kita isa ako sa nakipagdigma sa basher mo strongest soldier mo ko kaya galingan mo."

Sabi pa ng isa (published as is), "Praying for you @mariesteller !!! All the best!!!"

Read: Maris clarifies Anthony not involved in her breakup with Rico

MARIS-ANTHONY'S CHEATING CONTROVERSY

Noong December 3, sumambulat sa social media ang nakakabulabog na Instagram posts ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jam Villanueva.

Si Maris ang itinuturong dahilan kung bakit nagwakas ang halos pitong taong relasyon nina Anthony at Jamela.

Pinararatangan din sina Maris at Anthony ng cheating o panloloko habang may kanya-kanya pa silang karelasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkalipas ng tatlong araw, noong December 6, naglabas ng video ang ABS-CBN ng magkasunod na public apology nina Maris at Anthony.

Read: Maris Racal breaks silence after revelations of Anthony's ex

Dito ay inako ng dalawa ang kanilang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga taong nadamay at nasaktan.

Read: Anthony Jennings apologizes to Maris Racal, Jamela Villanueva

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal returns to social media with announcement of her new song titled "Perpektong Tao," which she said "healed" her.
PHOTO/S: Maris Racal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results