PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ice Seguerra on Jake Zyrus: "Stop comparing us."

His wish for Jake Zyrus: "He will find his wife na who will support him."
by Julie E. Bonifacio
Published Jan 23, 2025
ice seguerra on jake zyrus
Ice Seguerra's wish for Jake Zyrus: "He will find his wife na who will support him, love him..."
PHOTO/S: @jakezyrusmusic (L) and @iceseguerra on Instagram

Willing si Ice Seguerra na suportahan ang career ni Jake Zyrus once bumalik sa Pilipinas ang international singer.

Matagal nang nasa Amerika si Jake, at noong isang taon ay kumalat ang mga balitang naging jobless at alcoholic diumano ang singer.

May balita ring nakitira si Jake sa bahay ng Pinoy gay couple sa U.S.

Pero kung pagbabasehan ang latest Instagram posts ni Jake, makikitang masaya siya ngayon sa piling ng bago niyang girlfriend na si Cheesa Laureta.

Pahayag ni Ice sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Love, Sessionistas concert, “Well, ako kasi I’ve been there. I’ve been in a very bad place for a time. My wife knows that.

“Siguro ano, ang sinuwerte ko lang, may mga tao na nasa paligid ko na talagang may malasakit at may pagmamahal.

“So ako, that’s my wish for him, na he will find his wife na who will support him, love him, and will show him love and acceptance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi I think that’s very important for a person. Yung no matter who you are, no matter what you do, alam mo na okay lang mag-fall ka because alam mong may sasalo sa iyo. And I got so lucky. So I hope he has that.”

Read: Ice Seguerra at Sitti, nagpakalasing nung kasal ni Juris

Aminado si Ice na nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay niya dahil sa asawang si Liza Diño.

“Malaking bagay yung partner mo. Kasi yung partner mo ang magsasabi sa iyo ng totoo. Siya lang ang magbibigay sa iyo ng perspektibo [na] normally, di mabibigay ng iba.

“Yung ibang tao, hindi nila mabibigay sa iyo kasi gusto nila yung approval mo lang ang makuha nila.

"Yung partner mo, siya lang makakapagsabi sa iyo ng totoo,” pagdidiin pa ni Ice.

Read: Jake Zyrus tells off netizen for deadnaming him

ice seguerra on being compared to jake zyrus

Samantala, hiniling ni Ice na sana ay tigilan na ang pagkukumpara sa kanila ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, I honestly wish that people would stop comparing us. Kasi, okay, we’re both trans, but, hindi porke pareho kaming trans, pareho kami ng journey.

“Iba-iba ang tao. Iba-iba ang journey natin. Iba-iba ang pinagdadaanan ng tao. Iba-iba ang pupuntahan natin.

“I have my own journeys. He has his own journey. So, I hope they respect his journey as well. Stop comparing us because hindi nakakatulong yun, e.”

Pakiusap pa ni Ice, “Kumbaga, tigilan na natin iyan. Let Jake be Jake, di ba?

“Kung saan siya masaya, we’re just [here] to support him."

Pagtataka pa ng singer, “Actually, wala namang makakapagsabi na dapat ganito ka, dapat ganyan ka. Journey niya ito, e.

“Wala naman siyang sinasaktan na tao. Bakit tayo nangingialam sa mga desisyon niya sa buhay?”

Read: Ice Seguerra on Vic Sotto suing Darryl Yap: "Tama lang yun."

ice seguerra on balancing friendship, professionalism in love, sessionistas concert

Kabilang si Ice sa grupo ng Sessionistas na inilunsad sa ASAP, ang Sunday musical variety show ng ABS-CBN, noong 2009.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makakasama ni Ice sa Love, Sessionistas concert sina Juris, Sitti Navarro, Princess Velasco, Kean Cipriano, Duncan Ramos, at Nyoy Volante.

At the same time, si Ice rin ang magdi-direk ng show at si Ivan Lee Espinosa ang musical director.

Paano niya ididirek ang six artists na kasama niya sa show na mga mahuhusay ding mang-aawit gaya niya?

Sagot ni Ice, “Equal billing sila lahat. Liza and I really made sure na magsha-shine lahat. Kumbaga, hindi puwedeng hindi."

Inilarawan niya kung paano binalanse ang friendship at professionalism sa pagbuo ng repertoire para sa concert.

“Uhm, when we were doing the repertoire, so siyempre lahat kami nag-uusap-usap.

"Kagaya nga ng sinabi ng ilan diyan, merong mabilis sumagot, may ibang napakabagal ‘no.

"Nagsara na ang repertoire, hindi pa rin nagbibigay, no,” seryosong biro ni Ice.

Sa ganitong pagkakataon na raw umiiral ang kanyang pagiging direktor.

“Yes,” ngiti niya. “Kumbaga, ako naman naniniwala ako na, of course, friendship is friendship. But of course, we also need to be professional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And when it comes to that, I’d like to think that I can be professional, but, of course, na punung-puno naman ng respeto sa artistry ng bawat isa.

"Uhm, ang maganda kasi sa show na ito, we made sure na may inputs ang bawat isa.

"Siyempre, they’re all artists. May kanya-kanya silang kaalaman sa ginagawa nila. May kanya-kanya silang star power, alam mo yun?

“And, gusto ko itong concert na ito is representative of each other’s expertise.
Kumbaga, may mga bagay kami na ilalagay ni Liza dito parang pang-break lang.

“Kasi ako rin as an artista, I don’t want to do something that I’m not comfortable with, di ba?

“So eto, masasabi ko na halos lahat sa amin, except for one, uncomfortable sa gagawin nila,” sabay tawa ni Ice na hindi sinabi kung sino yung tinutukoy niya pero natawa si Kean.

ice seguerra gives update on love, sessionistas concert

At this point, inaayos na ni Ice at ng produksiyon nila ni Liza ang mga gagawin sa concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Nasa pag-aayos na ng areglo ang musical director namin. The arrangement has been done. Naipadala na po namin sa kanila. It’s just a matter of preparing everything.

“Ilang weeks na lang, so we really wanna make sure that every artist ay magkaroon sila ng tamang moment para sa kanila.

"And, at the same time, kami naman sa group, ma-highlight din yung pagiging united namin.

“And so far, on what we have now, I’m very confident na yung creative direction ni Liza and yung execution din na gagawin ko along with my team, sobrang excited ako."

Kumusta ang experience bilang performer at director para sa upcoming concert?

"...happy lang ako na dumating na rin ako sa point na when I’m directing and also a performer, it’s not as hard as people would think na mahirap siya.

“Because I think, kapag performer lang ako, iba yung klase ng kaba. Grabe ka mag-overthink sa mga mangyayari. ‘Paano kung mangyari ito? Paano kung mangyari iyan?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Whereas, ako yung direktor, nami-make sure na lahat ng naiisip ko kung ano ang puwedeng mangyari, gagawan na namin ng paraan.”

Uumpisahan daw ang Love, Sessionistas concert sa isang production number na katulad ng ginagawa nila sa ASAP noon.

“Yes, we will start there kasi doon kami nakilala. That will begin the journey.

"Doon siya magsisimula hanggang palalim na siya nang palalim, palaki nang palaki at pasarap nang pasarap nang pasarap,” lahad ni Ice.

Sessionistas (L-R) Ice Seguerra, Juris, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, Sitti, and Nyoy Volante
Sessionistas (L-R) Ice Seguerra, Juris, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, Sitti, and Nyoy Volante
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

sessionistas billing for upcoming concert

Ayon kay Ice, walang naging problema sa billing ng concert kahit na malaki na rin ang nagawa nilang pangalan sa music industry.

“Actually, napag-usapan namin yun. Pantay-pantay.

"Nung una, nagdi-discuss kami ni Liza. Kasi siyempre, there’s so many things that you have to consider.

“So, parang sabi ni Liza, which is a good decision, sabi niya, ‘Love, talk to the group about them and let them decide kung ano ang mangyayari sa billing,” kuwento ni Ice.

Biglang hirit ni Nyoy sa mediacon, according to height ang ginamit na sukatan para sa billing.

Ani Ice, “Kidding aside, siguro that’s one thing I love about the group. Siguro kaya we are good together because walang ego.

“Kumbaga, we’re all confident sa mga sari-sarili naming talento. Pero pagka sama-sama kami, all ego go and left out of the door.

“Parang ang goal namin is to have fun, do good music, and just be happy. It doesn’t matter, really."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagri-reveal pa ni Ice, “Eto nga si Juris nakakatawa, ‘Kahit sino na lang. Bahala na.’ Parang aburidung-aburido nung pinag-uusapan ang billing.”

Lastly, ano naman ang masasabi ng ABS-CBN at ASAP management sa kanilang concert?

“Actually, nagpaalam ako sa kanila [ASAP]. Siyempre, because, you know, we have a small industry and as much as possible, we don’t want to burn bridges.

“Malaki ang respeto namin sa ABS-CBN, especially sa ASAP, because sila ang magbuo sa amin, e.

"And na-excite nga sila for us na parang, ‘Oh, my God! I’m so happy.’ And they’re very, very supportive,” pagtatapos ni Ice.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra's wish for Jake Zyrus: "He will find his wife na who will support him, love him..."
PHOTO/S: @jakezyrusmusic (L) and @iceseguerra on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results